Kabanata 11: TAKAS

97 4 0
                                    

Erica POV

The days passed. Wala akong ibang ginawa kun'di matulog maglakad sa hardin na may naka buntot. Minsan pa akong tumulong kay Sarah maglinis ng pool pero sinaway ako ng bodyguard.

Kahit na spoiled brat ako sa bahay namin, ni minsan hindi ako binigyan ng bodyguard nila daddy. Pero itong asawa ko? May tililing siguro iyon sa utak.

"Want some?" sabi ko kay Jessie ng minsang kumain ako ng sandwich sa sala.

Nakatayo lang ito sa gilid ko palagi. Buti hindi sila nangangawit. 'Yong dalawa rin sa labas nakatayo lang parang estatwa. Minsan nagpapalitan silang tatlo sa pagbabantay sa akin lalo na kung breaktime.

"I'm sorry Mrs. Hill but eating during our working hours is prohibited," anito ng bumaling sa akin.

Napangiwi ako.

"Hindi ok lang, ako lang naman ang makakakita eh. 'Di kita isusumbong, saka laro tayo ng video game, I'm so bored na kasi," sabi ko.

Nakakaintindi naman ng tagalog si Jessie pero hindi siya marunong magsalita ng tagalog.

Nakita ko siyang tumingin sa taas kung saan naroon ang CCTV.

"Halika," sabi ko sa kanya. Sinundan niya ako saka kinuha ko ang table napkin.

Inutusan ko siyang pumwesto dahil gagawin ko siyang hagdan.

Tumalima naman ito, he doesn't have any idea what I am going to do. Suminyas ako sa kanya na yumuko siya ng konti at sinunod naman niya ang utos ko. Yumuko nga siya pero hindi pa rin siya abot kaya sinabi kong umupo na lang siya na siya namang ginawa nito. Saka pinatong ko ang isa kong paa. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya gumalaw at hinayaan lang niya akong tuluyang makapatong sa balikat niya itinaas pa niya ang kamay niya para may hawakan ko.

"Then stand up," sabi ko ma siya namang ginawa niya.

Cheer dancer and leader ako dati kaya hindi ako takot. At kabisado ko ang pag balance ng katawan ko. Saka malakas naman si Jessie, tapos magaan lang ako.

Pagkaangat niya sa akin, sakto ngang nasa mukha ko na ang Cctv. Ngumiti ako ng nakakaluko sa harap ng Cctv at dumila. Alam kong makikita iyon ni Axel at tinakpan ko ng table napkin iyon.

"You can now put me down, Jessie," Sabi ko sa kanya, binaba naman niya ako.

At saka tumingin siya sa CCTV. Bumaling ang tingin niya sa akin na may pagtataka.

Kumibitbalikat lang ako.

"Now you can eat with me and play with me, no one will see as,come on," yaya ko sa kanya.

"But ma'am, I need to stay alert," anito na may pag aalinlangan.

"Jessie, we will going to play video games kaya hindi ako tatakas 'di ba ako lang naman binabantayan mo? At saka what stay alert? hello, walang magnanakaw dito, halika na." Saka sabi ko pa ng makaupo na ako.

Sumunod naman siya at naglaro nga kami at kumain. Sa wakas ay nag enjoy ako . Nakita ko ring tumatawa si Jessie which is never ko pang nakita sa kanya, dahil lage iyong seryuso.

"You're good with your smile," puri ko pa.

Parang nahiya naman ito at tinanggal ang ngiti sa labi, saka bumaling sa paglalaro.

Hanggang sa maasar na ako dahil lagi akong talo.

"Ayaw ko na nga ang daya naman eh." Pagmamaktol ko.

Hindi siya marunong maglaro kanina. Pero nang tinuruan ko siya lagi na lang ako talo.

Nakakaasar!

****

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon