KABANATA 5 : My new life

113 5 0
                                    


Angeline POV

  "Let's party!"
Itinaas pa niya ang kanyang kopita.
Dahil sa pag sigaw na ginawa niya ay napalingon sa aming direction ang mga bisita.
  "Let's party!" sigaw rin nila.
At nagpalit na nga ng tugtugin ang operator. Ang kanina'y malamyos na musika ngayon ay naging maharot na tugtugin na.
Nagsisayawan na ang mga tao roon.
Nakita ko rin si Erica sa tabi ko na hindi maawat sa kasasayaw.
Lasing na nga ito dahil ang likot niya na.
Hinanap ng paningin ko ang asawa niya. Hindi ko kasi siya maawat, eh.
   "Erica, cous, hey stop tama na lasing kana.." awat ko sa kanya baka kasi mahilo at baka mabagok pa.
Hindi ito sanay malasing actually hindi ko pa nga nakikitang na lasing ang babaeng ito eh.
Ayaw talaga niyang paawat.
Maya maya ay nag hubad na ito ng heal niya.
Naku baka ano hubarin nito mamaya natataranta na ako.
"Nasaan na ba kasi sila, Tita at Tito?" Hindi ko na mapigilang itanong sa sarili ko.
Nagpalinga linga ako, nalingat lang ako sandali nang marinig kong sumigaw si Erica Kaya napalingon akong muli sa gawi nito.
     "Hey you, let go of me!" sigaw ni Erica.
Nakampanti ako ng makita ko si Axel na pinangko si Erica.
     "Pagpahingahin ko muna itong pinsan mo, masyado ng wild," paalam pa ito.
" Mabuti pa siguro baka ano pang gawin
niyan, hindi yan sanay uminom kasi, pag pasensyahan mo na 'yang asawa mo Axel, huh." Nakangiti kong saad.
Ang guwapo talaga ng asawa ng pinsan ko. Nakakainggit mayaman na gwapo pa.
Sana mapagtitiyagaan niya ang pinsan ko.
****
Axel POV

  "Ano ba ibaba mo nga ako." Nanghihina niyang saad. Habang karga karga ko siya paakyat ng hagdan.
   "Shut up!" matigas kong sabi.
Napalingon ako sa kanya ng maramdaman ko ang mga titig nya.
  "What?" Suplado kong tanong mayamaya pa ay humalakhak ito. Nag e-echo iyon sa buong mansion. Hindi ko na lang siya pinansin. She's too drunk.
   "Saan ba ang kwarto mo dito? " tanong ko sa kanya ng nasa itaas na kami. May limang kwarto kasi doon.
Nakita kong may tinuturo siya pero hindi ko naman alam kung saan kasi ang likot ng kamay niya kaya kung saang kwarto ko na lang siya dinala. Basta kung saan bukas.
Pagkapasok ko inilapag ko siya sa malambot na kama. Tatayo na sana ako ng tuwid matapos ko siyang ilapag ngunit hinila niya ang necktie ko. Napaubo pa ako, dahil humigpit ang tie sa leeg ko.
  "Shino ka?" tanong niya habang hila-hila ang nicktie ko. Nakapikit naman ang dalawang mata nito.
Napipikon na talaga ako sa babaeng 'to.
Hinawakan na naman niya ang collar ng coat ko, saka hinila palapit sa kanyang mukha. Halos 2 inches na lang ang pagitan ng mga labi ko sa kanya kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Lalo na nang malanghap ko ang mabangong hininga nito na humahalo sa amoy ng alak na ininom nito. Napalunok pa ako dahil sa animo may bumara sa lalamunan mo.
What's wrong with this lady?
Maya-maya ay minulat niya ang kanyang mata. Our eyes met and locked for a moment, until her soft palm touched my face, she gave me a sweetest smile that made my system malfunction.
Hinaplos niya ang mukha ko, kaya natuliro ako. Parang there's something in her touch, na naging dahilan na hindi ako makagalaw.
Tumitig ako sa mga labi niya, they were so pinkish. Parang malambot iyon, parang natukso akong halikan ang mga iyon. Unti-unti kong binaba ang mukha ko. Napatigil ako ng sinukahan niya ako. Shit! Buti nakailag ako kun'di mukha ko ang masusukahan niya. Kaya ang nangyari ay sa balikat niya ako sinukahan. Yuck!
  "What the.." bulalas ko, saka bumalik siya sa pagkakahiga at humilik.
This is bullshit!
Bakit pa kasi hindi na ako umalis agad.
Inis ko siyang tinalikuran at pabalibag na isinara ang pinto.
Pagkababa ko ay nadatnan ko sa sala sina Mr and Mrs Hermés
    "Hijo, nasaan ang asawa mo?" tanong ni tita.
   "Nasa taas na po, Tita natutulog na po," sabi ko ng makalapit sa kanila.
    "Naku from now on, son, call as Mommy and Daddy," anang Tito Paul.
    "I will tito.. este dad," nakangiti kong sabi.
Nakita kong nakatoon ang pansin ni mommy sa balikat kong may mga suka.
     "From my wife," sabi ko saka nagkibit balikat.
   Napangiti na lang sila saka umiling. 
***
Erica POV
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko, bumangon ako pero parang umiikot ang paningin ko. Kaya bumalik ako sa pagkakahiga.
Sinipat ko ang orasan sa maliit na mesa katabi ng bed ko.
Ouh. It's already 12:33 pm na pala.
Ano bang nangyari?  Grabe sobrang sakit ng ulo ko, parang mabibiyak. Hinilot hilot ko na lang ang sentido ko. Pero masakit pa rin, luminga ako sa paligid.
Where am I?
This is not my room.
Feeling ko nasa guess room ako ng mansion. Paano ako napunta rito?
Pinilit kong inalala ang nangyari kagabi.
Pero ang naalala ko ang kahapon
Imagine? Natulog lang ako pero paggising ko may asawa na ako. I am a married woman.
What a life!
Napabuntong hininga na lang ako.
Ang huli kong naalala kagabi, uminom ako ng matapang na wine. At nag init ang mukha, tapos..
Argh, hindi ko na maalala. 'Di bale na lang.
Sinubukan kong bumangon kahit nahihilo pa ako. Is this what they called, hung over?
Yeah, maybe.
I climbed out from my bed, pero ng makatayo ako ay napatakbo ako sa banyo dahil nasusuka ako.
At doon binuhos ko lahat. Sana masuka ko rin ang sama ng loob na nararamdaman ko. Pero hindi eh, puro tubig lang talaga ang sinuka ko. Wala akong nakitang sama ng loob sa suka ko. At ramdam ko pa rin iyon sa puso ko.
Pagkatapos kong isuka lahat ng laman ng sikmura ko ay parang nahimasmasan na ako. Good to me.
Nag hilamos ako at saka lumabas sa room na iyon para maligo at magbihis sa room ko. Naka-dess pa rin kasi ako.
From this day on, my life will change.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay may nakalapag na damit sa kama ko, isang dress iyon. Kulay peach  na may spaghetti strap.
Napakunot ako ngayon ko lang kasi nakita ang damit na iyon. Hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at dumeretso na ako sa banyo. Nagbabad ako sa bathtub ng ilang saglit at naligo na ako.
I feel refreshed.
Binalot ko ang katawan ko ng bathrobe at binalot ko ng towel ang buhok ko at tinungo na ang walk in closet ko.
Nagulat ako ng pagbukas ko sa walk in closet ko ay Wala na akong mga damit. What the…
"Where are my clothes, my bags, my shoes and everything?" tanong ko sa sarili ko. Ang linis ng walkin closet ko.
Lumabas ako ng walk in closet. Sinipat ko ang Vanity dresser, nand'on pa rin naman ang mga make up at ang mga skin care ko.
Hinarap ko ang damit na nasa higaan. May underware doon katabi ng damit at may isang box na pahaba na sa hinala ko sandal ang laman niyon, kaya binuksan ko.
Isang kulay peach gladiator sandal with 2 inches heel ang laman. Sa tabi ng box may kulay white gold combination na sling bag, naroon ang wallet at cellphone ko.
Isinoot ko na ang mga 'yon. Atat na akong bumaba para itanong kina mommy kung nasaan ang mga gamit ko, pati laptop ko. Pati mga papers ko, sana nasa mabuting mga kamay ang mga papel na 'yon dahil hindi ko pa nasa-submit ang mga manuscript na iyon sa publishing house.
Pagkatapos kong mag ayos ng konti, ay bumaba na ako.
And, I saw my mom and dad sa sofa, may kausap sila hindi ko nakilala dahil nakatalikod ito.
  "Oh, gising ka na pala?" Si mommy ang unang nakapansin sa akin.
    "Oh siya Axel, ikaw na bahala sa kanya," sabi ni dad sa lalakinģ nakatalikod na asawa ko pala.
Lumapit ako.
"What do you mean dad?" Takang tanong ko.
"Dadalhin kana ng asawa mo sa bahay n'yo, " sagot ni daddy.
  "What? Why?" Gulat kong tanong.
  "Bakit? Hindi naman iyon nakakapagtaka anak, he's your husband and you will go with him."
Kaya pala nawala na ang mga gamit ko for sure nasa bahay na iyon ng lalaking ito.
"But mom, pwede naman sigurong dito lang ako.." protesta ko.
"Hindi pwede iyon Erica, may asawa ka na, kailangan mo ring alagaan ang asawa mo.."
   My gosh hindi ako makapagsalita sa dami ng gusto kong sabihin. Bakit kailangan ako ang mag-alaga sa kanya? Lumpo ba siya? Wala ba siyang yaya? Required ba talaga iyon?
   "Go Axel, go on your honeymoon. At 'wag kang papasyal dito Erica kung hindi ka buntis," Banta pang sabi ni daddy
What? Ang sama naman nila sa akin.
" But..."
"No buts... honey, " anang mommy.
Pinamimigay na talaga nila ako. Parang gusto kong umiyak.
Pinukulan ko ng masamang tingin ang asawa ko, nakangiti lang ito.
Lumapit sa akin si mommy at daddy at saka yumakap sa akin.
Nagtatampo talaga ako sa kanila.
   "Mag-iingat kayo, huh I will miss our princess," anang mommy ng kumalas sa pag kakayakap sa akin. Sumimangot lang ako.
   "Oh siya, humayo na kayo at magparami," himig nagbibirong turan ni dad. Nagtawanan silang tatlo.
Hindi ako nakisali, hindi ako masaya. Nangingilid ang luha ko, sobrang bilis ng pangyayari.
    Padabog akong humakbang palabas ng mansion hindi na ako nag paalam.Narinig ko pang nagpaalam si axel sa kanila. Ayukong humarap kina mom and dad at baka maiyak lang ako. Nagtatampo pa rin ako sa kanila. Naiinis ako. Pwede naman dito lang kami sa bahay ah. Bakit kailangan nakabukod pa kami.
May nakita akong isang kotse, hindi amin 'yon dahil wala kaming gano'n, alam kong kay Axel iyon kaya sinipa sipa ko ang gulong nito, wala akong pakialam kung masaktan ako. Iniisip ko na si Axel ang gulong na 'to, pagmumukha niya ito. I hate him!
  "This is shit, I hate this!" mura ko.
  "Your just hurting yourself," anang boses sa likod ko. Lumingon ako at inirapan ko siya, pumasok na ako sa loob ng kotse at pabalibag kong sinara ang pinto.
  "Don't do that darling, masisira mo ang saksayan natin," aniya ng maka-upo sa driver's set.
    "Stop calling me that shit endearment Axel! Nakakadiri!" Sigaw ko sa kanya.
    "I can hear you, kahit hindi ka sumigaw!"
Napasinghap ako ng gumati siya ng sigaw.
Sh*t parang na pipi ako sa sigaw niya. Parang nakakatakot.
Kaya hindi na ako nag salita, inirapan ko na lang siya saka nagmake face ako.
Pinaandar na niya ang sasakyan.
"Saan mo ako dadalhin?" Maya maya ay tanong ko, sa kalagitnaan ng biyahe.
"Sa Hacienda," he said.
Napalingon ako sa sagot niya.
"What? So ibig sabihin malayo dito sa City?" Tumango siya.
Nakatutok pa rin ang tingin nito sa kalsada.
"Wala ka bang condo dito?"
Hindi siya sumagot.
Kaya hindi na ako nag-abala pang magtanong-tanong .
    Patuloy pa rin ang paglalakbay namin ng biglang tumunok ang tiyan mo.
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain mula pa kagabi. Haist, bakit kasi hindi man lang ako niyaya ni mommy na kumain muna bago ako ipagtabuyan kasama ang ugok na ito. Talagang minamadali ako.
Napasimangot na lang ako sa mga isiping iyon.
"Hindi ka pa kumakain?" tanong niya na marahil rinig niya ang reklamo ng tiyan ko.
Hindi ako sumagot .Duhh, kasalanan niya ito.
Huminto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant na nadaanan namin.
Hindi na ako tumanggi ng magyaya siyang kumain, kasi gutom na talaga ako.
     Tahimik lang kami habang kumakain. Naka fucos lang rin ako sa pagkain dahil gutom na gutom talaga ako.
Pagkatapos naming kumain ay wala pa rin kaming imikan at nagpatuloy na sa biyahe.
  Isang oras rin kaming nagbiyahe ng huminto ang sasakyan.
Nasa harap kami ng isang malaking gate na itim at may nakasulat sa itaas na " VILLA HILL"
Ito na siguro iyon, after about 15 sec ay bumukas ng kusa ang gate.
Nagsimula nang tumakbo ng dahan-dahan ang sasakyan.
Tumambad sa amin ang mga iba't ibang kulay ng bulaklak sa gilid ng hallway. Iba't-ibang klase and shape ng mga halaman. May nakita pa akong lalaki na nasa hagdan at ginugupitan ang malaking berdeng puno.
1 minutes pa Bago huminto ang sasakyan. Sa mismong harap na ng isang mala palasyo sa Disneyland na mansion.
Bumaba ako at napangiti sa nakikita ko. It's so beautiful and relaxing, I saw a vine plants na gumagapang na sa pillar ng veranda. At may mga halamang gumagapang rin sa wall ng mansion namumulaklak ito ng kulay puti, pink, violet. 
Napahanga ako sa magandang tanawing ito. Panandaliang nawala ang sama ng loob na noong nagdaang mga araw ko pa dala-dala.
  "Hindi pala ako nagkamali na itira ka dito, you look amazed," anang tinig sa likuran ko. Nakababa na rin pala siya.
Nilingon ko siya. Magandang tanawin pa rin naman ang nakikita ko pero nakakaumay.
Kaya inirapan ko siya.
Maya maya pa ay bumukas ang malaking main door ng mansion na nasa harap namin, at iniluwa roon ang… isa, dalawa, tatlo, apat, limang babaeng naka-uniform na sa tingin ko ay mga katulong. Ayon na rin sa uniform nila.
Sabay silang yumuko.
  "Maligayang pagdating po sa sa inyo señorito Axel at magandang señorita," sabay nilang bati.
Napangiti ako, natutuwa ako sa kanila.
  "Nakahanda na ba ang ipinahahanda ko?",tanong niya sa mga ito.
  "Opo señorito," anang isa sa mga katulong na pinakabata sa kanila. Tantiya ko nasa 20 years old more or less pa ito.
  "Good," sagot niya.
Ano kaya ang ipinahahanda niya? Kinakabahan naman ako.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon