CHAPTER 38#JOBhunting

71 2 0
                                    

ERICA POV*****

Nakatitig lang ako sa mga anak ko na mahimbing na natutulog. Nasa gitna nila si Jayve at yakap ng mga ito. 

Kanina lang lumabas si Jayve mula sa ospital. Maayos na ang lagay nito pero hindi pa rin ako pwedeng makampanti dahil hindi basta basta ang sakit nito.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng namuong luha sa mga mata ko. Kung maari ayaw kong nakikita ang ni isa sa kanila na nahihirapan. Pero anong magagawa ko. Ni hindi ko nga kayang ipa opera si Jayve. Kung pwede lang sana na ako na lang ang mag hirap huwag lang sila.

Natatakot ako baka maulit ulit iyong nangyari at hindi nakayanan ng bata. Kawawa rin ang kambal kapag may nangyaring masama sa kapatid nila. 

Ipinilig ko ang ulo ko sa mga isiping iyon. At lihim na nagdarasal. Nawa'y pakinggan ako ng Dios ama.

Nag bend ako para halikan isa isa ang mga anak ko. Saka nahiga na ako.

   Bukas na bukas rin mangungutang ako  kay Aling Corazon ng pera, 'di bali ng may tubo , huhulugan ko lang ng paunti unti para hindi mabigat. Kailangan ko ng pera pandagdag sa pang isang linggo na gamot ni Jayve. Kailangan ko ring makahanap ng trabaho na malaki ang kitaan para sa maintenance niya.  Hindi ko naman puwedeng, iasa lahat sa mga Alcantara ang mga gastusin alam ko ang sitwasyon ng income nila. Magiging kulang iyon , kahit pa sabihing apo naman nilang tunay si Jayve ay hindi ko pwedeng iasa sa kanila ang lahat dahil dito rin naman kami umaasa ng mga anak sa pagkain araw-araw.

     Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga  saka pumikit. Kailangan ko ng matulog. Pero pagpikit ko ay ang mukha ng animo taong gubat ang nakita ko sa balintataw ko kaya napadilat ako ng mata ng naisip ang lalaki kahapon.

 Himala at hindi ako kinukulit ng lalaking 'yun ngayong araw. Marahil ay tanggap na nito na hindi talaga ako ang asawa niya. 

Pero may bakit may lihim na kirot sa isang banda ng puso sa isiping iyon? Sa isiping hindi ako ang asawa niya. 

      Ang hirap kasing maniwala sa panahon ngayon, lalo't nag lipa na ang mga manloloko. Mga scammer kumbaga. Hindi naman kasi ako basta basta naniniwala lalo na't nagdadalawang isip ako.

    Tumayo ako ng maalala ko ang singsing at bracelet. Kinuha ko iyon sa loob ng cabinet, naka lagay iyon sa maliit na kahon na pinaglagyan ni Lisa dati. Nang maisara ko na ang cabinet ay umupo ako sa higaan at binuksan ang kahon. Kinuha ko ang bracelet at hinaplos iyon. Saka ang singsing.

     Nalilito ako sa mga nangyayari. Nalilito ako sa tunay na identity ng lalaking iyon at tunay na pagkakakilanlan ko. Kailangan ko ng konting panahon para mapatunayan kung siya ba talaga ang asawa ko. Pero ang pinaka kailangan ko ay ang maka alaala ako. Iyon lang naman talaga ang tanging susi. In that way maging mapayapa ang isip ko. Pero paano? Kung tanging ang accidenteng iyon ang naalala ko. 

     Makailang ulit kung sinubukan na alalahanin ang nangyari, ang nakaraan ko pero gaya ng dati sumasakit lang ang ulo ko. Sinubukan kung alalahanin ang lalaking kasama ko pero hindi ko talaga siya makilala.

    "Mommy." Narinig ang tawag ni Jayve sa husky na boses.

 " Yes , baby?" Agad ko siyang dinungaw at hinaplos ang noo.

    Pero hindi na ito nagsalita at na tulog ulit. Humalik ako sa noo nito. Nanatili pa rin ang yakap ng kambal kay Jayve. Napapangiti na lang ako sa pagmamahal na pinapakita nilang dalawa kay Jayve.

     Ibinalik ko na ang bracelet at singsing sa kahon at sinuli sa cabinet. Tinabihan ko na ang mga bata at nagsimula na akong matulog.

*******

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon