Hindi ko alam kung uuwi ba si Axel ngayong araw na ito. Instinct ko na lang ang sinusunod ko, dahil feeling ko uuwi siya.
Nagluto ako ng hapunan, sabi ni Nanay Belen adobo at saka caldereta raw ang paborito ni Axel na ulam which is favorite ko ring lutuin.
Gusto kong matikman niya ang luto ko, gusto kong iparamdam sa kanya na may asawa siya. Alam kong hindi sapat ang pagluluto ko para mahalin niya, pero umaasa ako na balang araw mamahalin niya ako.
Kung totoo lang sana ang gayuma ay kanina ko pa hinalo iyon sa niluluto ko, para naman hindi na ako mahirapan pa na kunin ang puso niya. Kaso wala naman ako sa fairytale world, nandito ako sa realidad, na gusto ko sanang takasan.
"Ate, nandiyan na si señorito Axel," balita sa akin ni Sarah. Sinabi ko kasi sa kaniya na sabihan ako kapag dumating na si Axel.
"Talaga!?" Bulalas ko.
Lumakas bigla ang kalabog ng puso ko, kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Tamang tama dahil luto na ang ulam at maghahapunan na.
"Opo, sabi daw po nagugutom siya," anito. Napangiti naman ako dahil umaayon sa akin ang tadhana.
"Oh, siya Erica, ako na rito at umupo ka na sa mesa dahil maghahapunan na kayo ni Señorito," anang 'Nay Belen, galing siya sa dining room inihahanda ang dining table.
Kinakabahan ako, kaya umiling ako.
"Ah, 'Nay Belen, tutulong muna ako para maprepair ang pag kain," kunway sabi ko.
"Naku iha kami na rito at hinihintay ka na ng asawa mo," sabi niya at naghanda na ng mga mangkok.
Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya at saka ngumiti.
"Ho? Hinihintay niya ako? Sigurado po kayo? Sinabi niya po ba?" Sunod sunod kong tanong.
Na excite ako sa sinabi ni 'Nay Belen na hinihintay ako ni Axel.
"Wala naman siyang sinabi, at saka asawa ka niya natural na hintayin ka niya sa hapag," aniya na abala sa pagsasalin ng adobo sa mangkok.
Naglaho ang kanina'y malapad kong ngiti Napasimangot ako sa sagot ni Nanay Belen, akala ko totoo.
Sinundan ko sila ni Sarah at ng iba pa ng tingin na patungo sa dining area dala dala ang mga pagkain.
Sumunod naman ako sa kanila na may dalang leche flan na desert na paborito rin daw ni Axel.
Napahinto ako at nakakubli sa may pintuan ng nakaramdam ako ng sobrang kaba.
Errr, Erica naman kaya mo 'yan.
Cheer ko sa sarili ko dahil sobrang kaba talaga ng nararamdaman ko.
"Uy, mukhang masarap yata ang hapunan ko ngayon ah," narinig kong sabi ni Axel mula sa kabilang silid. Masaya ang boses niya sana ako na lang ang dahilan ng saya niya.
Mas lalong naghuramentado ang mga paru paru sa sikmura ko ng marinig ko ang boses niya. May nag tatambulan rin sa puso ko. Kaya napahawak ako sa wall saka huminga ng malalim.
"Hmm! Masarap nga talaga. Tumbs up ka sa akin for tonight Manang Belen," puri nito.
So, natikman na niya.
"Naku Señorito, nagkakamali po kayo hindi po ako nag luto niyan,"
narinig kong sabi ni Nay belen..
"Sino?" tanong niya.
Pagkarinig ko ay lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko at lakas loob na humakbang patungo sa dining area. Para akong sasali sa contest dahil sa kaba na nararamdaman ko at panginginig ng tuhod ko habang papalapit sa mesa.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomanceHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...