KABANATA 33:PAGSUKO

83 3 1
                                    

Axel's POV

Narinig kong may kumatok mula sa likod ng pinto sa kwarto ko. Hindi na ako nag abala pang sumagot.

Nanatili lang ako sa posisyon ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko, habang patuloy na tinutunga ang canned beer na hindi ko na mabilang kong pang ilang canned beer na iyon.

Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto. Hindi pala iyon naka lock, pero hindi pa rin ako nag abalang lumingon.

"Kuya! what are you doing?!" Sigaw ng kapatid ko saka mabilis na lumapit sa akin at kinuha ang canned beer sa kamay ko na tutungahin ko na sana.

"Lara, just go away." Matamlay kong sabi.

"Kuya naman, kaka recover mo lang. And now your wasted. Consider your health naman kuya." Sermon nito sa akin na noo'y naka squat na para pantayan ako.

"My life now is worthless, " matamlay ko pa ring sagot.

Pilit na pinipigil ang luhang gustong kumuwala.

"Kuya, what about us? Si Mommy, si daddy, ako. The people around na nagmamahal sayo. Aren't we important to you?" Halos maiyak na ang kapatid ko ng sabihin niya iyon.

Tumingin ako ng mataman sa kanya.

"You don't Know how I feel, Lara , you don't understand me, I just want to die. So that I can't felt this fucking pain! I am completely miserable!" Galit kong sabi. I can't help it.

"Sumusuko ka na?"

Napapatitig ako sa tinuran niya. Saka nagkunot ng noo.

"Hindi mo hahanapin si Ate Erica?"

"What are you trying to say Lara?"

"Hanggang ngayon hindi pa nakikita ang katawan ni ate Erica. Hindi ako naniniwala na kinain siya ng mga pating or whatsoever, nararamdaman ko kuya, she still alive. So we need to find her ."

Hindi ako umimik sa tinuran ng kapatid ko. Pero aaminin ko may namuong pag-asa sa puso ko.

Nakita kong niligpit ng kapatid ko ang mga nakakalat na lata ng beer. Pinagmamasdan ko lang siya, nang matapos ito ay tinulungan niya akong tumayo para maupo sa kama. Hindi naman na ako nagreklamo at nagpadala lang sa kanya.

"Kuya, tutulungan kitang hanapin si ate Erica, hanapin natin siya kahit saan mang lupalop ng pilipinas siya napadpad kuya. Kaya please fix yourself kailangan mong maging malakas. Para masimulan na natin ang paghahanap sa asawa mo," aniya saka tumayo ng tuwid.

Tango lang isinukli ko. Tama ang kapatid ko. Hindi pa nakikita ang katawan ng asawa ko, kaya there's a possibility na buhay siya.

Sa lumipas na mga araw ay nakipag cooperate ako sa therapist ko na kapatid ko rin lang naman. Siya na mismo ang nag alaga sa akin hanggang sa tuluyan na akong gumaling.

Inumpisahan na rin namin ang paghahanap sa asawa ko, kasama ang kapatid ko. Kahit saan na namin siya hinanap, nagtanong tanong na rin kami sa mga karatig isla.

Pati sa pinakatagong isla ay hinanap namin siya halos suyurin namin ang buong isla ng pilipinas pero hindi pa rin namin mahagilap ang asawa ko. Hindi ako nawalan ng pag asa, patuloy namin siyang hinanap.

Hanggang sa unti-unti ko nang naramdaman ang pagsuko lalo na no'ng umabot na ng isang taon ang paghahanap namin.

Halos napabayaan ko na rin ang sarili ko.

"Anak, naman 'wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. You look sick day by day," anang mommy isang araw.

Payat na payat na kasi ako, dahil sa pag gugul ng oras ko sa paghahanap sa asawa ko ni hindi ko man lang mabigyan ng oras ang sarili ko lalo na sa pagkain, wala rin akong ganang kumain lalo na kapag nabibigo ako at matatapos ang araw na wala man lang akong makuha ni katiting na impormasyon.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon