"Erica!" Narinig kong sigaw ni Nanay Celia mula sa loob ng bahay.
Kasalukuyan akong nangunguha ng talbos ng kamote para mabenta ko mamaya. May nag order na kasi sa amin, isa sa mga market vendor.
"Si Jayve!" Segunda ng matanda.
Dali-dali kong binitawan ang bayong na hawak ko at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.
"'Nay, bakit?" Takang tanong ko nang makalapit.
Nakita kong umiiyak si Nanay habang kalong si Jayve.
Lumapit ako sa mag lola, nakita ko si Jayve na nahihirapang huminga at namumutla. Kaya mabilis ko siyang kinuha kay Nanay.
"A-anak, anong nangyari sayo." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa nakikita kong paghihirap niti. "Lumaban ka anak, dadalhin kita sa ospital."
Hindi ko yata kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.
Tudo iyak na rin ng kambal.
"'Nay, sumunod na lang kayo ng kambal isusugod ko sa ospital si Jayvee." Mabilis akong nag tungo sa kwarto ko at kinuha ang wallet ko, habang karga ko pa rin si Jayvee. Lumabas na ako, patakbo kong tinungo ang kalsada upang pumara ng sasakyan. At parang nakikiayon naman ang tadhana dahil saktong pagdungaw ko sa kalsada ay meron agad tricycle kaya pinara ko na.
"Sa ospital po," sabi ko sa driver saka sumakay na ako.
Pinaandar na rin nito ang tricycle at mabilis na pinatakbo marahil ay alam nito ang situwasyon.
"Erica, anong nangyari kay Jayvee?" Tanong nang driver.
Tiningala ko siya, doon ko lang napagtanto na si James pala ang nasakyan namin. Isa sa mga manliligaw ko, oo, kahit may tatlong anak na ako, may nagtatangka pa rin.
"Nahihirapang huminga," tipid kong sagot, saka binaling ang tingin sa anak ko.
Namumutla ito lalo.Dios ko! 'Wag naman sana, kahit hindi ako ang tunay niyang ina, sobrang mahal ko ang batang ito gaya ng pagmamahal ko sa kambal ko.
"James, bilisan mo!" Halos sigaw ko na iyon. Tudo himas ko sa dibdib ni Jayvee. Dahil hindi na ito gumagalaw at nakapikit na ang mata.
Nanginginig na ako sa takot.
Ilang minuto lang ay huminto ang tricycle sa harap ng bagong ospital sa Isla Diwata. Buti na lang talaga ay hindi na namin kailangan pang pumunta sa karatig isla para magpagamot sa maliit na center 'don dahil may bagong ospital na kami.
Tinakbo ko na patungong emergency room ang karga karga kong bata. Hindi ko na nga maalala na may babayaran pala akong pamasahe. Saka na lang 'pag labas, maiintindihan naman siguro ako ni James.
Nanatili lang ako sa waiting area habang kagat kagat ang kuko ko dahil sa nerbiyos. Hanggang ngayon kasi hindi pa lumalabas ang doctor.
"Huminahon ka lang, Eca magiging maayos rin si Jayvee."
Napalingon ako sa nagsalita. Si James, nandito pa rin pala ito. Eca ang pet name sa akin ni James.
"James, nad'yan ka pa pala." Sabi ko sabay tayo. At dinukot ang wallet ko sa soot kong jeans. "Here, pasensya ka na nakalimutan ko." Sabay abot ko sa kanya ng 100 pesos.
Akala ko tatanggapin niya, pero tinulak lang pala nito ang kamay kong may hawak na pera.
"'Wag mo muna akong intindihin, sigurado akong mapapagastos ka kaya, d'yan na muna 'yan," anito.
Hindi na ako nag pumilit dahil talagang mapapagastos ako dito.
"Salamat, James." Bagkos ay sabi ko.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomansHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...