KABANATA 26: HAROLD AGAIN

87 5 1
                                    

Isang putok ng baril, ang umalingawngaw sa abandonadong building na pinaglagyan sa akin ni Harold. Napasigaw ako sa putok ng baril, nakita ko si Harold na nakatutok ang baril sa gilid ko. Nag aapoy ang mga mata nito sa galit, at nakangising parang demonyo ang mga labi nito. Hindi ko mapigilan ang panginginig, isang putok pa ang ginawa nito, napapikit pa ako. Hanggang sa maramdaman ko ang isang katawan ng tao na bumagsak sa gilid ko. Nakadapa na ito at naliligo ng sariling dugo. 

Sunod sunod ang paghinga ko sa nasaksihan ko. Napaatras ako, pero natigil ako ng makilala ang nakadapang lalaki. 

"Erica!" Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng building. 

Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Harold pero wala na iyon doon. Muli kong binalik ang tingin ko sa lalaking nakahandusay sa harap ko. Hindi na iyon nakadapa dahil at this time nakatihaya na ito at mulat ang mga mata, at may tama ng bala ang noo ito. Ang mukha nito ay puno ng dugo. Lumakas pa lalo ang kalabog ng puso ko. 

No! No! 

Napaiyak ako ng si Axel pala ang lalaking iyon. 

"No! Axel!" tawag ko sa kanya lumuhod ako at hinaplos ang mukha ito. 

"Axel, hoy gumising ka. 'Wag mo akong iiwan…" Mas lalo lang akong umiyak ng wala akong sagot na narinig mula rito. Niyugyog ko siya pero animo wala na itong buhay. Hindi na ito gumagalaw, hindi na rin kumikisap ang mata nito.

"No! Hindi! Axel!" sigaw ko.

Axel!

Bigla akong napamulat at bumalikwas ng bangon. 

"Hey, honey you're dreaming, are you okay?" 

Napalingon ako sa nagsalita. Ilang beses pa akong napakurap ng si Axel pala iyon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil buhay pa rin itong nakatitig sa akin. Pero hindi ako makagalaw.

Napaiyak ako, I was just dreaming, thank god. Hindi ko yata kakayanin kong magkakatotoo iyon. 

"Hey, shhh," Niyakap niya ako. " It was just a dream."

Tuluyan na akong napahagulhol.

Ilang araw simula no'ng nangyari. Minsan nagkakaroon ako ng masasamang panaginip. Hindi madali ang karanasan ko sa kamay ni Harold, trauma ang hatid niyon sa akin.

Madalas na rin si Axel pumupunta sa bahay pero hindi ko pa rin siya kinakausap ng maayos. Madalas rin niya akong abutan na umiiyak habang tulog, dahil madalas napapanaginipan ko ang mga iyon. Minsan nakikita ko ang sarili ko na naliligo ng sariling dugo. Minsan mga umalingawngaw na halakhak ni Harold ang naririnig ko sa madilim na paligid. Nakakatakot

"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" Taray kong sabi ng mahimasmasan ako.

Ngumiti ito.

"Siyempre binibisita ang masungit pero maganda kong asawa." Nakangising turan nito. 

Umirap lang ako, gusto kong kiligin pero pride ko ang kalaban ko at mas malakas ito sa akin.

"Araw-araw ka yatang dumadalaw, minsan dito kapa sa bahay natutulog, hindi na dalaw 'yan Axel." Irita kong sabi. 

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad, Erica, hindi ako titigil at hindi ako mapapagod hingin sa'yo ang kapatawaran mo." Naging seryoso ang mukha nito. 

Hindi ko mapigilan mapatitig rito, walang halong ibang expression ang mukha niya kun'di ang ka seryusohan lang. 

"Bakit dahil anak mo ang dinadala ko? Don't worry, Axel, just like what I have said, you're still the father. Hindi ko ipagkakait sayo ang anak ko." Nag-iwas ako ng tingin ng sabihin ko iyon, dahil nasasaktan ako sa sinasabi ko. Nanatili lang akong nakayuko at nag babadya ang luha ko, baliw na kung baliw pero iniisip ko na sana hindi niya ako sukuan, hanggang sa makumbinsi niya ako.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon