Pagkatapos ng kwento niyang iyon pagkatapos ng isang yakap nito ay tumalikod na ito at iniwan ako. Iniwan akong naguguluhan, kinakabahan, nagdadalawang isip. Pinilit kong alalahanin ang lahat, pilit na hinahanap ng alala ko ang mukha ni Axel. Pero, shit lang hindi ko talaga maalala. Ni hindi nga nag bago ang pagka blurry ng mukha ng lalaking kasama ko. Kahit luminaw ng konti ay hindi. Pero magkaboses sila, sumasakit lang ang ulo ko sa mga isiping iyon. Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat bakit ba kasi kailangang mangyari lahat ng ito. Limang taon naging tahimik ang buhay kahit na nakakaramdam ako ng kungkot minsan dahil wala akong maalala.
Hinayaan ko lang ang mga nag uunahang luha ko habang nakatunghay sa maalong dagat.
Ang dagat ang dahilan, pero ang dagat rin ang nagbibigay sa akin ng comfort. Ang hangin sa dagat na animo niyayakap ako at inaalo. Nagpapagaan ng bigat na nararamdaman ko. Kumpiyansa akong walang tao sa paligid. Ilang minuto na rin nung umalis si Axel. Wala na ito.
Kya mabilis kong hinubad ang damit at pantalon ko. Tanging panty at bra na lang ang tanging natitirang saplot sa katawan ko. Dahan dahan akong naglakad patungo sa dagat. Isang hakbang pa ay naramdaman ko na ang malamig na tubig alat. Lumusong ako sa dagat. Gusto kong lumangoy, gusto kong maramdaman ang dagat gusto kung maramdaman ang yakap ng tubig sa katawan ko. Nang makarating ako sa ilalim na bahagi ng dagat ay inilubog ko ang buo kong katawan at ipinikit ang mga mata ko saka inalala ang araw na iyon. Ang araw kung saan nawala sa akin lahat pati alala. Inalala ko ang mukha ng lalaking kilala ng puso ko. Iminulat ko ang mga mata ko ng wala paring pagbabago, hindi parin malinaw ang mukha ng lalaki. Umahon ako ng kapusin na ako ng hininga.
*****
Kinabukasan pumasok ako gaya ng gustong mangyari ni Edward, na panay hampas sa akin bago pumasok sa trabaho kanina. Feeling ko bugbog sarado ako dahil sa mga hampas nito dahil ayaw kong sumagot sa kanya kanina ng sabihin niya na papasok ako.
Pag-uwi nito kanina hinampas ulit ako dahil hindi parin ako nag hahanda. Ito na nga ang naghanda ng susuotin ko, kulang na lang paliguan ako ng bruha. Kaya ito nandito nga ako sa restaurant. Lumipas rin ang ilang linggo hanggang sa naging isang buwan na mag amo lang ang turingan namin ni Axel sa tuwing magkakasalubong kami. Pinapansin lang ako nito kung may iuutos ito. Ni hindi narin ito ngumingiti sa akin. Lihim akong nasasaktan dahil 'don. Parang hindi ko nagustuhan ang pakikitungo nito sa akin. Minsan minsan rin itong dumadalaw sa bahay pero mga bata ang hinahanap niya. Minsan naman natutuwa ako dahil natutuwa ang mga anak ko sa kanya. Pero naiinis rin ako dahil hindi man lang nito nagawang sulyapan ako. 'Diba dapat masaya na lang ako dahil kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng ulo ko dahil sa mga sinasabi nito? Pero hindi ko naman naramdaman ang mga iyon eh.________
Napapikit ako saka umangat ang mukha ko ng maamoy ko ang familyar na pabango ng taong dumaan sa harapan ko. Kasalukuyan kasi akong nagpupunas ng mesang pinagkainan ng customer.
Napansin ko ang pagtigil ni Axel, saka unti unting lumingon sa akin parang nag slow mo pa ang ginawa nitong paglingon sa akin. As usual, kahit anong suutin nito , kahit saang angulo tignan kapansin pansin ang ka guwapohang taglay ng lalaking ito. Tumama ang tingin nito sa akin saka biglang kumindat at ngumiti ng nakakaluko. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isa kong kilay.
Saka nagpatuloy na ito sa paglalakad.Nalilito ako sa inasal nito. Pero baka hindi ako ang kinindatan non.
"Nakita mo yun, huh?Did you see it kinindatan niya ako. O-M-Geeeee he's a goddess." Narinig kong sabi ng babaeng nasa likuran ko kaya napalingon ako. Nakatayo ito sa likuran ko. Mga customer ata iyon. Kilig na kilig ito.
"Hindi ikaw ang kinindatan , ako." Sabi naman ng kasama nito na halos tumalon na sa kilig.
"shit kayo halata namang ako kinindatan nun." Sigaw ng malanding bahagi ng isip ko. Napatigil ako sa iniisip ko. Bakit naman ako nakikipag kompetensya sa mga babaeng ito. Pero bigla na lang kasing nag react ang isip ko sa sinasabi ng mga ito.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomanceHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...