Nakatingin lang ako sa lawak ng dagat na animo walang hanggan. Hinihintay ang pagsabog ng bukang liwayway.
Napabuga ako ng hangin, naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang ligayang pinagsaluhan namin ni Axel. Ang mapupusok niyang halik, ang mga haplos nito sa bawat sulok ng katawan ko. Ang pagpapaubaya ko sa taong hindi ko alam kung kilala ko ba talaga.
Umaga na ng magising ako. Tulog siya ng iwan ko, sinadya kong 'wag siyang gisingin dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakalapag rin sa table ni Cathy ang resignation letter ko. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, ayaw kong harapin si Axel. Hindi ko yata kaya.Nang tuluyan ng sumabog ang bukang liway way ay tinalikuran ko na ang dagat saka naglakad na pauwi. Mag iisip pa ako ng alibi dahil sigurado akong tatadtarin ako ng tanong ng mga naiwan sa bahay kung bakit inumaga ako.
At hindi nga ako nagkamali.
" Erica, inumaga ka yata." Anang tatay Arman.
Nakatayo ito sa may pintuan habang may bitbit na isang tasa ng kape. Nakita ko pang sumisimsim ito." Magandang umaga tay." Bati ko saka nag mano ng makalapit. " Sobrang napagod po ako , 'di ko namalayan na nakatulog na ako." Pagsisinungaling ko.
Minus 10 na talaga ako sa langit nito."Ganun ba , oh siya sige , magpahinga kana," nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya iyon. Atleast 'di na ako maluluka na may follow up question ito.
Tumango ako saka nagpatuloy pumasok sa loob dumeretso na ako sa kwarto ko para tingnan ang mga anak ko. Buti na lang tulog pa ang inay at ang bakla.
Si tatay pa lang ang gising ng umagang iyon.
Humiga ako at tumabi sa mga anak kong mahimbing na natutulog. Hinalikan ko muna sila sa noo isa isa. Bahagya pang gumalaw si Eric, kaya hinimas himas ko ang tiyan nito para hindi magising.
Tumihaya ako at tumitig sa puting kisame sa kwarto namin. Blanko ang isip ko, kaya pumikit na lang ako hanggang sa makatulog ako ng tuluyan, sobrang pagod ang katawan ko at sabayan pa ng pananakit niyon na animo binugbog ako ng mga isang oras.
*****
Alas 2 na ng hapon ng magising ako. Napabalikwas pa ako ng bangon matapos kong e check ang oras sa keypad na cellphone ko.
Ganun na ba ako katagal natulog? Tumayo ako at nag unat. Masakit pa rin ang katawan ko. Akma ko na sanang bubuksan ang cabenit ng naalala kong nag resign pala ako. Wala na pala akong trabaho. Kaya umupo na lang ako sa nakalatag na foam sa sahig.
Niyakap ko ang tuhod ko saka tumingin sa kawalan. Mukha agad ni Axel ang rumehestro sa utak ko. Ang magandang mukha nito.
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pinto at niluwa roon ang dalawang bata.
Hinihingal ang mga ito habang nakangiting nakatitig sa akin. No'n ko lang napansin ang pagkakahawig ng mata ng mgaito kay Axel. Kaya napalunok ako.
Ang mga mata nila Eric at Alexa na kulay light brown ay kagaya ng kay Axel ang maninipis at mamula mulang labi ng mga anak ko at ang animo hugis puso na mga labi nito ay kagaya ng kay Axel. Ang makakapal na pilikmata. They are like a child version of Axel. Umiling ako para iwaksi ang mga nakikita ko marahil namamalikmata lang ako.
"Mommy, daddy is here." Sabay na sabi ng dalawa.
Napakunot ako sa tinuran nila.
"What?" Ulit ko baka nagkamali lang ako ng dinig.
Pero bago pa ulitin ng mga bata ang sasabihin ay bumukas ulit ang pinto. And now it's Edward.
"Kids, go out muna kayo, I need to talk to your mom okay?" Pagtataboy nito sa mga anak ko.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomanceHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...