Maaga akong nagising kinabukasan. Naunahan ko pa si Axel na gumising, naunahan ko pati mga katulong.
Nag handa ako ng almusal, naabotan pa ako ni Nanay Belen sa kusina na nagluluto. Aagawin sana nito sa akin ang ginagawa ko but I insisted not to. Wala itong magawa kaya hinayaan na lang niya ako.
Matapos ay nag timpla ako ng tea at humarap sa laptop ko. Nasa dining table ako abala sa pagpapatuloy ng isinusulat kung kabanata. Napatigil ako sa pagta-type ko ng mapuna ko ang pagkaka describe ko sa outlook ng bida. Pamilyar sa akin ang isinusulat ko. It's Axel's outlook and usual gestures. Naipilig ko ang ulo ko at nag flashback sa akin ang nangyari pag gising ko.
Nakita kong mahimbing na natutulog si Axel sa lapag. Hindi ko alam, parang may sariling buhay ang mga labi ko ng gumuhit ang ngiti roon.
He was so adorable while sleeping, mahahaba ang mga pilik mata nito Matangos ang ilong, mapula ang mga maninipis na labi. Napapangiti pa ako ng minsang kumibot iyon na parang pwet ng manok. Ano kayang panaginip niya.
Nang makita ko siyang gumalaw ay dali dali ako bumaba.
"Maam Erica, anong iniisip mo? Ba't ka napapangiti?"
Napapitlag ako sa biglang nagsalita,
It's Ate Inday.
Tumingala ako sa kanya saka nginitian ko siya.
"Ang ganda ng imagination ko," sabi ko kanya ng nakangiti.
Napangisi naman si ate Inday.
Dinampot ko ang laptop ko at ang isang tasang tea na hindi ko pa masyadong nababawasan.
Sa sala ko siya hihintayin, baka kasi hindi na siya pupunta sa kusina kaya sa sala ko siya aabangan para hindi na niya ako hanapin.
Nang makarating na ako sa sala ay muli kung ipinagpatuloy ang sinusulat ko.
Abala ako sa pagta-type ng may narinig akong mga yapak pababa ng hagdan. Tiningnan ko siya hanggang sa makababa. Napangiti pa ako dahil preskong itsura nito.
Bagong ligo ito at nakaayos na rin pero napakunot noo ako dahil sa suot niya. Ba't ganyan ang ayos niya. Eh, maghahanap lang naman kami ng lumang laptop sa office library niya.
Nakita niya akong nakanganga na nakatitig lang sa kanya. Kaya nag-isang linya ang suplado niyang kilay. Nag-iwas ako ng tingin 'di ko yata kaya ang bigat ng intensity ng mga titig niya. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpapatuloy niya sa paglalakad kasunod nito si Jessie. Huminto lang si Jessie sa tabi ko pero si Axel ay nag patuloy. Tatanungin ko sana kung saan siya pupunta att ipapaalala sa kanya na maghahanap kami sa library niya ng lumang laptop para kay Mika. Pero nanatiling nakaawang lang ang bibig ko. Walang lumalabas doon alam n'yo 'yong gusto mong magsalita pero parang Tinakasan ka ng boses mo. Bubuka sasara lang ang bibig. Ayaw pakipag cooperate ang dila ko, nagdadalawang isip ako.
Hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko. Tanging pagsara na lang na main door ang nakita ko.
Dumapo ang palad ko sa ulo ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Fresh pa sa fresh lumpia ang alaala ko kagabi na sabi niya gumising ng maaga dahil maghahanap kami sa library pero parang kinalimutan niya. Feeling ko tuloy nakaramdam ako ng rejection. Parang napahiya ako sa sarili ko, ang aga ko pang nagising. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
Storie d'amoreHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...