KABANATA 18: DAMAGE CONTROL

111 4 0
                                    

Matapos ang gabing iyon,

I was expecting na magbabago ang lahat, I was expecting na magbabago ang pakikitungo niya sa akin. Pero isa lang naman ang nagbago. Ang higaan niya, he was sleeping with me on the same bed, madalas namang pagsaluhan ang init na magdamag. 'Yon lang at wala ng iba.

Akala ko magbabago ang pakikitungo niya sa akin, iyong kagaya ng mga nasusulat sa mga libro. 'Yong kagaya ng mga sinusulat ko, kung pwede ko lang isulat ang susunod na mangyayari na senaryo ay ginawa ko na. Baka sakali ay nasa kabanata 18 pa lang ay ending na. Pero hindi gano'n 'yon, at hinding hindi mangyayari iyon, because now I am facing the reality. Again! 

Kung pwede lang takasan ang realidad.

 After  ng love making I didn't hear a word from him. Kasi ini expect na sasabihin niya , Can we talk about what happen?

Wala! At nasasaktan akong isipin na kahit naibigay ko na sa kanya lahat sa akin, wala pa ring nagyayari. He is too numb to feel my feelings for him, I'm still nothing, I'm still a nobody for him.

Pero kahit na gano'n, hindi pa naman ako napapagod kaya habang kaya ko pa 

ipagpapatuloy ko pa rin ang naunang plano.

*****

It's already 6 o'clock in the morning. Nag prepare na ako ng breakfast. Araw araw mula umagahan hanggang hapunan ako ang nagluluto, nakasanayan ko na rin.

I can't believe myself , I can't believe I am doing this, winning his heart. Hindi ko akalain na I will do this stupid thing just to earn his love. Alam kong nakaka marter isipin pero anong magagawa ko I was just… loving. 

Nakahanda na ang hapagkainan nang makita ko si Axel papasok dito sa kusina.

"Hi Goodmorning, have some breakfast first before going to work." Nakangiti kung salubong sa kanya. 

He is wearing a nice looking suit. Maganda na rin ang pagkakasuklay ng buhok niya, bagong ligo. Kahit na hindi amuyin, itsura pa lang nito mabango. Gano'n ako ka hibang sa kanya, ang guwapo pala talaga ng asawa ko. He's a goddess bagay sana kami, kung mamahalin rin niya ako.

Tango lang ang sinagot niya sa akin.

Nakita ko siyang dumeretso sa ref at nag salin ng isang baso ng fresh milk at inisang lagok iyon.

"I'm in a hurry, male-late na ako, I'm sorry," anito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin, nilagpasan lang niya ako,

sinundan ko naman siya. Pero bawat hakbang ko ay nararamdaman ko ang sakit na unti unting gumuhit sa puso ko. Damn, his fucking sorry, again!

Tumingala ako para mapigilan ang luhang nangilid sa mga mata ko dahil sa rejection niya. Why am I being so emotional? This is not me.

"P-pero, maaga pa naman ah, 7 am pa," sabi ko habang naka sunod pa rin sa kanya.

"I have a meeting," cold nitong sabi na mas lalo lang nagpatindi ng sakit sa puso ko. Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa lagayan na nasa dulo ng living area. 

Napahinto na ako sa pag sunod sa kanya, dahil nanghihina ang tuhod ko sa pan rereject niya sa akin. Ayaw ko na ring kulitin siya baka importanteng meeting ang dadaluhan niya.

Pero hindi ko pa rin maiiwasan na kumirot ang puso ko. Kahit na paulit ulit ang senaryong iyon, oo paulit ulit iyon at paulit ulit lang iyon nag-iiwan ng pilat sa puso ko. 

  Laban pa, Erica. Kaya pa! Pinahid ko ang luha ko na kusang kumuwala kahit anong pigil ko. Tinalikuran ko na ang nakasarang pinto at umakyat sa kwarto namin.

*****

Napalingon ako ng biglang bumukas ang main door, nasa sala ako ng mga sandaling iyon. Gumagawa ng next chapter sa sinusulat ko, masyado na kasi akong busy nitong mga nakaraang araw at madalang na lang akong nakakapag update, ayaw ko namang maapektuhan ang trabaho ko dahil sa mga personal na bagay. Pero sa pagsusulat ko involved ang emotion ko, hindi ko rin pala maiiwasan na maapektuhan rin ang pagsusulat ko.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon