Çhapter 35: Where's dad?

87 3 2
                                    

"Kumapit ka honey 'wag kang bibitaw." Halos maiyak nang isigaw niya iyon.

"Axel, hindi ko na yata kaya. Nanghihina na ako." 

"Hindi, ililigtas kita kaya kumapit ka. " 

"Axel, tandaan mo mahal na mahal kita, hindi ko alam kong makakaligtas ba tayo, pero kung hindi man, I want you to know that…" 

"Makakalimutan kaman ng isip ko pero hindi ka malilimutan ng puso ko…"

"No! Kumapit kang mabuti. Mahal ko, 'wag kang bibitaw."

"Erica!" 

Erica's POV 

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na iyon. Hingal na hingal ako at pinagpapawisan, tumutulo na rin ang luha ko na hindi ko man lang namamalayan. Masakit ang panaginip na iyon, miss na miss ko ang taong nasa panaginip ko.  Limang taon nangulila ang puso ko sa kanya, perp hindi ko siya kilala.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.

"Ate, ayos ka lang?" Buong pag-aalala na tanong ni Edward, nakatayo ito sa pintuan.

Agad kong pinahid ang luha ko.

"B-bakit?" Takang tanong ko. 

Kasi hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang pumasok sa kuwarto ko at tinanong kung okay lang ba ako.

Tuluyan na itong pumasok sa loob. 

"Narinig kasi kitang sumisigaw, eh," anito saka umupo sa gilid ko.

Bakla ito pero parang lalaki pa rin naman ang tindig nito at pananamit. Ang boses naman minsan nakakawala. Sabi nga nito hindi niya gusto ang pagiging pusong babae niya, pero hindi raw niya kayang pigilan lalo na kung may mga machong lalaki soyang nakikita. Sayang nga ito kasi ang guwapo nito.

"Gano'n ba? Nanaginip na naman kasi ako eh. Napanaginipan ko ulit." I said in a sad tone. Saka tumungo ako.

Lage ko na lang kasing napapanaginipan ang mga pangyayaring iyon.'Yon lang ang tanging naaalala ko, na hindi ko alam kung totoo ba iyon o bahagi lang talaga ng panaginip ko.

Naramdaman ko ang palad nitong humagod sa likod ko kaya kumuwala na naman ang luhang pinipigilan ko. 

Nasasaktan ako kasi, hindi ko alam kung bakit pero may tao akong namimiss hindi ko man lang kilala, pero hinahanap ng katawan ko ang yakap nito. At saka bakit walang nag hahanap sa akin. 

Buti na lang at mabait ang Pamilya Alcantara. Ang tatay nila tanggap na ako bilang parte ng pamilya, simula nang mamatay si Lisa. 

Oo, Lisa died after giving birth to her son Jayve. Na labis na ikinalungkot ng pamilya. Gano'n rin naman sa akin dahil ang bait ni Lisa sa akin. Sobrang bait niya, lage niya akong pinagtatanggol sa tatay niya at ito ang humihingi ng paumanhin para sa ama.

Pareho rin kaming buntis noon, na halos kasabayan ko rin siyang manganak. Nauna lang ako ng isang araw kinabukasan ay ito naman. Pero naging dagok sa pamilya ang panganganak nito na siyang dahilan ng kamatayan niya. 

Mas lalo pang ikinalungkot namin ng malamang may maliit na butas pala ang puso ni Jayve, na maari nitong ikamatay kung mapapabayaan. Hindi pa namin siya napapa-operahan dahil sa kakulangan sa financial pero pinag-iiponan ko iyon.

Buti na lang at malawak ang pang-unawa ng mag pamilya at hindi sinisi ang bata sa pagkamatay ng anak. Bagkos ay minahal nila ito, dahil anila, si Jayve na lang ang tanging alaala na naiwan ni Lisa.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon