Still Maxima PoV
That night is the best night again. I'm so proud of my man. He reached his dream.
Anlayo na nang narating niya. Sobrang saya ako para sa kanya, at hindi ako nagsisising pinalaya ko siya noon kahit ayaw ko. Lahat nang ginawa ko para sa kanya ay may naidulot na maganda.
'Yung taong gustong pabaguhin ako ay napabago ko. Heto at nasa tuktok na nang Mayon.
I'm so proud of you Cedrick Gonida Benuela.
My first love. My boss. And my one and only love.
Ikaw lang ang mamahalin ko, pero ako pa kaya ang mahal mo? Minahal mo ba ako? Ako lang pala 'tong nagmahal sa'yo noon. Masakit man na malaman at maisip kung ano ang totoo ay wala akong magagawa lalo na at 'yun ang totoo.
Higit sa lahat ay nahanap mo na ang babaeng para sa'yo. Nahanap mo na ang babaeng idadala mo sa altar. Nahanap mo na ang babaeng mahal mo talaga.
Kagabi ay sobrang saya ko, pero nawala din ang sayang 'yun ng makita kong naghahalikan sila ng babaeng kasama niya.
Wala akong karapatan na masaktan. Wala ng kami kaya hindi dapat ako masaktan. Wala akong karapatan dahil matagal niya ng tinapos ang sa aming dalawa.
Pinili niya ang pangarap niya at hindi ako. Pinalaya ko siya kahit na ayaw ko.
Pinalaya ko siya dahil siya na mismo ang nagpalaya na din sa sarili niya.Hindi man niya ako minahal ay atleast minahal ko siya. Atleast kahit paano ay napabago ako, nagbago ako.
"Morning." simpleng pagbati ko sa kanila na umiinom ng kape sa kusina.
Nagtimpla na din ako at nakisabay sakanila.
"Tumawag anak mo Ate Zang!" muntik ko nang maibuga ang nasa bibig ko dahil sa sigaw ni Trisha.
"Nasaan?" inabot niya sa akin 'yung phone niya ng padabog bago siya padabog na umupo.
Napatingin muna ako sa kanila bago sagutin.
"Good morning, baby." pagbati ko pero hikab niya ang narinig ko kaya napatawa na lang ako,
"I'm not, baby. Mommy. Tsk."
"Ang suplado mo ngayon ah, anong meron?"
"I'm not in the mood, Mommy."
"Oh, kasalanan ko?" pambabara ko sa kanya at alam kung masama na ang timpla ng mukha niya ngayon at mas lalong nawala sa mood. Dagdag mo pa na mukhang badtrip siya.
"I love you, Mommy..."
"Hmm... Bakit ka naglalambing? Anong kailangan mo? Hm?" rinig ko ang paghinga niya kaya naman nagtaka ako na medjo may pag-aalala.
"My birthday is coming..." hindi ko naman nakakalimutan ang birthday mo lalo na at sabay tayo.
"Anong gusto mong gift?"
"My crush." agad niyang sagot para mapatawa na lang ako.
"Sure ka bang crush ka?"
"Mommy!" inis na sigaw niya para mas matawa ako.
Napapatingin sila sa akin pero wala akong pakialam dahil nagpatuloy lang ako sa pagka-usap sa anak kong alam kong batrip at naiinis na. Mukhang irita na din.
"Babye na Mommy, see yah."
"Babye, ingat ka hah? Huwag ka masyadong malikot diyan sa Daddy mo, humanda ka talaga sa akin." banta ko sa kanya pero wala siyang sagot at iba na ang sumagot.