Eshang PoV
Pagpatak nang mga dugo. Pag-ubo ng mga tao ng dugo. Putok nang mga baril na umalingawngaw sa dating mapayapa at maaliwalas na beach ay nabahidan na nang isang trahedya na hindi inaasahan.
Naghalo na ang mga dugo ng iba sa tubig. Ang dating malinis at malinaw na tubig ay nagiging marumi na dahil sa nangyayari ngayon.
Nahahaluan na nang dugo ng mga tao.
Kasabay ang putok ng baril sa kung saan ay siyang pagkawala ng hininga ng mga marami dahil sa mga natamong tama nang bala."Itigil muna ito, Jaime!" malakas na sigaw ni Crissela na siyang nagpatigil sa lahat.
Sugatan at duguan ang iba habang ang iba ay wala ng mga hininga dahil sa mga natamong bala mula sa kanilang mga kalaban.
"Matitigil ang lahat ng ito kung ibibigay ninyo sa akin ang pagiging pinuno ng buong-" hindi natuloy ni Jaime ang kanyang sasabihin ng may umalingawngaw na malakas na putok ng baril.
"Mas gugustuhin ko ng ibigay ang posisyon kay Ate Krissiya kaysa sa'yo." tumawa ng malakas si Jaime kasabay ang walang awa na naman niyang pagpapaputok ng baril.
Dahil sa hudyat niyang 'yun ay magsunod-sunod ang mga putok ng baril galing sa mga tauhan ni Jaime,
Ang target lang naman ni Jaime ay ang patumbahin ng tuluyan ang dati niyang minamahal na babae na si Crissela para makuha niya ang pagiging pinuno ng lahat.
Wala na siya sa katinuan. Wala na siyang awa. Pati bata ay dinadamay niya sa kahibangan niya. Masyado na siyang sakim sa kapangyarihan at kaya niyang kumitil ng mga inosenteng tao na walang alam sa mga nangyayari sa kanila.
Kung tutuusin ay hindi na siya tao dahil sa kanyang kasakiman. At gagawin niya ang lahat para makuha ang pagiging pinuno na kanyang matagal nang kinakamtam.
Kung hindi lang naman dahil sa kanyang dating asawa ay matagal ng nasa kanya ang lahat at hindi dadating ang puntong ito na madaming madadamay dahil lang sa kagustuhan niyang maging pinuno nang buong Gangnam.
Hindi basta isang tao o Gangster si Jaime Luices, tamaan man siya ng maraming bala ay hindi mabilis mamamatay ang masamang damo na kagaya niya, hindi din susuko ang kagaya niya basta-basta.
Hindi lang isang pinuno ng Luices Gangster si Jaime. Hindi lang siya basta Gangster, dahil si Jaime Luices ay isang Mafia Lord.
Hindi alam ng ibang mga dalaga 'yun dahil na din buong akala nila ay kagaya nilang Gangster si Jaime pero hindi siya basta Gangster. Si Jaime ay isang Mafia Lord na kung saan hawak niya ang malalaking mga sindikato sa ating bansa. Hindi lang sa ating bansa kundi sa ibang bansa na din kaya naman ay kahit na labanan ni Crissela si Jaime ay alam niyang sa dulo ay talo pa din siya kaya wala siyang nagawa kundi panoorin na lang ang nangyayari.
May gawin man siya ay hindi pa din sapat para mapabagsak ang isang Mafia Lord.
Nakakatakot ang isang Jaime Luices para sa kanya kaya naman kahit gustong labanan ito ni Crissela ay hindi niya gaanong magawa. Hindi sapat ang kakayahan niya, nila para labanan ang isang Mafia Lord kasama ang magagaling niyang mga tauhan.
Sa dami ng mga drug lord, mga sindikato ay sadyang hindi basta-basta mapapabagsak ang isang Jaime Luices.
Siya ang pinuno ng mga ito.
Pagsamahin man niya ang kanilang mga kampo ay talo pa din siya. Hindi niya basta-basta matatalo ang isang Mafia Lord na madaming koneksyon kaya karamihan sa dating mga kaibigan ni Crissela ay galit sa kanya dahil wala man lang siyang magawa. Wala man lang siyang nagawa para matalo ang isang Mafia Lord.