Chapter 184

727 12 0
                                    

Still Erhianna PoV

"Its your fault!" paninisi at pagdidiin ko pa sa kanya pero narinig ko lang ang pagak niyang pagtawa sa aking leeg para mainis ako nang bahagya.

Sige, tawa ka lang hanggang sa kaya mo pa.

Kasura. Paano ako nito makakalakad? Ni makatayo nga hindi ko kaya.

Lintek kasi! Sobrang sakit ng gitna ko.

"Sorry na...." nabasa ko ang labi ko dahil sa batang boses niya.

Nagpapababy na naman. Akala mo naman maawa ako sa kanya.

"Aldrin... sobrang sakit talaga..." pag-amin ko para magseryoso na siya, "Pa-parang.... nasagad mo ata-Aldrin!" hiyaw ko ng bigla na lang siyang pumasok sa kumot at ipinunta ang ulo sa gitna ko,

Anakng! Putcha, bakit ngayon pa ako nahihiya?

"Namumula..." Nasagad nga ata.

Lumabas na siya sa kumot at tumayo. May tinawagan siya sa phone niya, hindi ko kilala kung sino.

"Kahit kapatid ka pa. Si Tita Crissela na lang!" inis niyang saad sa kausap niya.

Bakit naman naiinis na siya ngayon?
Bumalik siya tabi ko at agad akong niyakap sa tagiliran.

"Sorry..."

"Bakit?"

"Mukhang....uhm... nasagad ko ata..." sabay halahak niya. Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko dahil sa hiya.

Punyemas na 'yan. Hindi na nga mawala sa isip ko ang kagabi tapos ano pa ang sasabihin niya,

"Kung sana sinunod mo ako kagabi. Hindi sana magkakaganito." ngising matunog niya lang ang narinig ko para kurutin ko siya pero mas siniksik niya lang ang kanyang ulo sa aking leeg.

Hindi ba naman ako tinigilan kagabi. Kaya ito ngayon ang nangyari. Mukhang nainjured ang pagkababae ko dahil sa kanya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa lalaking ito. Natutuwa pa talaga na hindi ako makalakad.

Paano na niyan ngayon?

May kumatok sa pinto kaya agad siyang tumayo. Nakaboxer lang siya, sisigawan ko pa sana siya na magbihis ng mabuksan niya na ang pinto.

"Oh... my... ghod..." takip bibig na saad ni Ate Krissiya kaya napairap na lang ako atsaka pinilit na makaupo at makasandal sa headboard ng kama kahit sobrang sakit ng gitna ko.

Hubad pa din ang katawan ko kaya inayos ko ang kumot sa aking katawan.

Bakit sila nandito?

"Don't stare her, Kuya." napatawa lang si Jhared sa sinabi ng kanyang kapatid.

Maliit naman akong napanguso dahil mukhang alam na nila ang ginawa namin ni Aldrin kagabi.

"Hindi ka man lang nagdamit, Kuya Jah." hindi pinansin ni Aldrin si Trisha dahil lumapit lang ito sa akin.

May kinuha siyang damit at sinuotan niya ako sa harap nilang lahat. Hindi ako mahiyain na tao, pero dahil sa ginawa ni Aldrin ay nakaramdam ako ng hiya sa katawan bigla.

"Ano bang nangyari sa kanya, Aldrin?"  napatikhim si Aldrin sa tanong ni Mama, ang tunay kong Ina.

May pag-aalala ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko lang siya ng maliit na ikinagulat niya ng bahagya.

Hindi pa kami nag-uusap at kailangan ko din na mag-usap na kaming dalawa kapag naging okay na ako.

Gusto kong magkaayos kami bago ko gawin ang plano ko.

Gangster Love (Season 3) (Completed)Where stories live. Discover now