Chapter 151

4.5K 42 15
                                    

Angelica PoV

"Omyghosh! Finally!" tili ng pinsan kong dinaig pa ang microphone sa lakas nang boses.

Hindi na nahiya.

Pare-pareho kaming mga nagstretching at humikab pa ang iba dahil kagigising lang naming lahat. Gabing-gabi na kami nakapunta dito kahapon kaya bagsak kami sa kama.

"Good morning." batian nila.

"G'morning."

"Morning!"

"Morning mga bhie!" malakas na sigaw ni Trisha kaya napatakip ng tainga ang iba.

"Putcha!" reklamuhan nila kaya napairap na lang ako at iniwan sila sa sala.

"Morning." bati ko kay Ate at tinanguan niya lang ako bago siya bumalik sa pagluluto.

"Kamusta tulog?" tanong ni Ate.

"Pangit ng panaginip ko!" Si Trisha.

"Oksi lang,"  Si Ate Maxima.

"Maganda pa din."

Napasamid naman sila dahil sa sinabi ni Shy.

"Nanaginip ka pa ata, Shy!" inirapan lang sila ni Shy.

"Hey, huwag ninyo nga pinagtutulungan ang babe ko." sabat ni Jonathan na kadadating lang kaya napairap na lang ako.

Masyado akong nabibiter sa kanila dahil sa harapan ko pa talaga sila naglalandian na akala mo wala kami sa harapan nila.

"Naging kayo lang yabang mo na!"  Si Jairo.

"Wala ka lang babe." inis na inirapan lang ni Jairo si Jonathan na nakaakbay kay Shy na humihigop nang kape.

"Good morning." boses ni Kuya Jah na kakarating lang.

Tahimik lang akong humihigop nang kape pero pinapakiramdaman ko sila at tinitingnan din kung sino ang magsasalita.

"Good morning... Love...." nasa tabi na siya ngayon ni Ate na nagluluto pa din ng almusal.

May LQ silang dalawa, hindi ko sure pero mukhang.

"Uy, tahimik ka ata, Angie." tinaasan ko ng kilay si Trisha.

"Ano naman?" irap na tanong ko at napanguso naman siya.

"Ang aga-aga ang suplada mo." tumayo lang ako at iniwanan sila.

"Hala ka, nagalit na." hindi ko na sila pinansin dahil diretsyo na akong lumabas.

Malamig na simoy nang hangin ang bumungad sa aking katawan. Nakasuot ng roba pero may suot naman akong panloob.

Naglakad ako papalapit sa dagat na umaalon. Ramdam na ramdam ko na ang pasko na paparating dahil sa simo'y ng hangin dito sa palawan.

Madaming mga turista ang nagkakasiyahan. May mga ilan na kalalakihan at kababaihan ang tumitingin sa akin pero tinataasan ko lang sila nang kilay para magsi-iwas sila ng mga tingin.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa may matanaw ako sa hindi kalayuan.
Napatigil ako at napatingin ako sa isa sa mga lalaki na nandoon.

May kaakbay siyang babae pero mukhang may shooting sila.

Naiintindihan ko ang trabaho niya, at kailangan naming dalawa na maging matured sa relasyon namin lalo na at 'yun ang kailangan sa aming relasyon.

Pero minsan ay hindi ko maiwasan na maging immatured lalo na kung mapapanood ko ang bawat palabas, movie at film niya.

Gangster Love (Season 3) (Completed)Where stories live. Discover now