Chapter 174

727 14 1
                                    

Still Ellyssa PoV

"Ellyssa, kailangan ka naming kausapin." napalunok ako dahil sa seryosong aura at boses ng Mama ni Cyrus habang nasa gilid niya sina Jhared at 'yung boyfriend ni Ate Krissiya.

Napatingin muna ako kay Cyrus na hindi pa din nagigising ngayon. Ilang buwan na siyang nakahiga diyan sa hospital bed at walang malay pagkatapos ng nangyari sa kanya.

Sabi ni Kuya ay matapang daw si Cyrus dahil lumalaban siya... para kay Ate Rhianna. Ilang bala ang natamo niya pero lumalaban pa din siya.

Ang swerte ni Ate Rhianna.

"Kuya..." kinakabahan na pagtawag ko kay Kuya ng lapitan niya ako.

Hinalikan niya lang ako sa noo.

"Magdesisyon ka ng maayos, Princess." mas kinakabahan ako at napalunok. "Hindi madali ang gagawin mo." dagdag niya.

Sinamahan niya ako papunta sa parents ni Cyrus, pero laking gulat at pagtataka ko na lang dahil halos pati sina Mama, Tita at Lola ay nandito.

Sa magkakapatid na Hacienda ay si Kuya Aldrin lang ang wala habang ang dalawa naman niyang Kuya ay nandito.

Nandito din si Ate Krissiya. Anong meron?

May sobrang importante bang paguusapan? Mas lalong tumindi ang kaba ko sa dibdib nang umupo ako sa bakanteng silya.

Lahat sila ay nasa akin ang mga paningin kaya naman palihim na lang akong napapalunok at taka pa din kung anong meron.

"Alam naming may nararamdaman ka sa Anak ko." panimula ng Mama ni Cyrus.

Paano nila nalaman? Wala naman akong pinagsabihan.

"Kung nagtataka ka kung paano namin nalaman. Obvious ka, Iha." Obvious ba talaga ako?

Nag-iingat naman ako at hindi nagpapahalata pero bakit nahalata pa din nila?

"Puwede po bang diretsyuhin ninyo ako?" napalunok ako.

Tahimik pa din ang iba at nakikinig lang sa aming dalawa nang Mama ni Cyrus.

"Kailangan mong paibigin si Cyrus sa'yo at mahalin ka." natameme ako at hindi alam ang isasagot sa sinabi ni Mrs. Brint,

Para saan at bakit kailangan kong gawin 'yun? Ano ba talagang meron?

"Si Ate Rhianna po ang mahal ni Cyrus." may pait sa boses ko habang sinasabi ang mga katagang 'yun.

Aware naman siguro sila na si Ate Rhianna ang mahal ni Cyrus at hindi ako kaya bakit kailangang paibigin ko si Cyrus?

Lumapit sa akin si Mrs. Brint at hinawakan ang aking mga kamay.

"Iha, nakikiusap ako sa'yo, sana pumayag ka."

"Para saan po at kailangan kong gawin ang sinasabi ninyo?" magalang at mahinahon na tanong ko.

Napatingin naman siya kay Mama.

"Obsessed na ang anak ko sa Ate Rhianna mo at hindi maaari 'yun." Hindi ko pa din maintindihan.

"Hindi puwedeng mahalin niya pa lalo si Rhianna. Kilala ko ang anak ko, gagawa siya ng paraan makuha lang ang gusto niya," Mas lalo akong walang maintindihan at naguguluhan.

"Hindi puwedeng pag-agawan ng isang Mafia King at ng isang Hukom ang isang Gangster lalo na kung may mataas na posisyon." tumingin siya sa akin na may nagmamakaawang mukha para makaramdam ako ng awa.

Gangster Love (Season 3) (Completed)Where stories live. Discover now