Still Shainna PoV
Agad kong sinipa ang taong may hawak na baril na akmang babarilin ako.
Sinipa ko ang kamay niyang may hawak na baril kaya naman nabitawan niya ang baril kasabay no'n ay ang paghugot ko sa espada na nasa aking tagiliran at walang pasabing hiniwa ang kanyang braso. Walang emosyon ang aking mukha habang may takip ito sa bandang ibaba na tanging mga mata ko lang ang nakikita.
Agad akong nagtago sa isang gilid ng may makita akong mga tauhan ni Jaime na may mga dalang baril. Gamit ang isa kong kamay na bakante ay kinuha ko ang baril kong silencer bago sila sunod-sunod na pinaputukan na hindi gumagawa ng ano man mga tunog.
Agad naman natumba ang ilang mga kasamahan niya at tanging dalawa na lang sila ang natirang nakatayo. Inunahan ko na ang dalawang 'yun ng akmang ipuputok nila ang mga baril nila sa akin.
Ang babagal.
Gagawa pa sila ng mga ingay kaya inunahan ko na sila. Uunti-untiin kong ubusin ang mga tauhan mo Jaime hanggang sa ikaw na lang ang matira.
Agad may humawak sa aking isang balikat. Akmang haharapin ko na siya at papaputukan nang hawakan niya ang hawak kong baril at hinila ako papunta sa isang gilid.
Nanlalaki ang aking mga mata ng makilala siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero inilagay niya lang ang kanyang isang daliri sa aking labi para patahimikin ako.
"Quite, babe." Kingina!
Nagawa pang lumandi ng gago!
"Anong-" hinalikan niya ako sa labi na kinagulat ko.
Hindi ako nakagalaw at nakatikom pa din ang aking bibig pero kinagat niya ang ibabang labi ko kaya naibuka ko ito at malaya niyang ipasok ang kanyang dila at paukitin 'yun do'n.
Nakatulala lang ako sa kanya at hindi makagalaw hanggang sa matapos na pala siya. Hanggang dito ba naman dinadala niya ang pagiging gago niya?
"Ba-bakit mo ako hinalikan?" naging seryoso lang ang kanyang mukha bago ayusin ang nakatakip sa may bandang ibaba ng kanyang mga mata.
May itinuro siya mula sa kalayuan na agad ko naman naintindihan.
At ang pangyayaring ganito ay hindi ako maaaring magkamali na nangyari na noon.
Ganitong tagpo ng maghalikan din kaming dalawa... at ang masama ay sa public pa.
Napangiti na lang ako ng palihim bago higitin ang kanyang polo at walang pasabi siyang binigyan ng halik sa kanyang labi.
Bahagya siyang nagulat... alam ko 'yun ngunit hindi niya ipinahalata bagkus ay naitagilid niya ang kanyang ulo at sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.
I love you, Jonathan... But I can't say it to you.
Agad niya akong inakbayan at sabay kaming napayuko bago naglakad papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero lumiko kami at pumasok sa isang silid na tanging maliit na liwanag lang na nagmumula sa maliit na bintana sa itaas.
Walang katao-tao at iisang pinto lang. Sa pinto kung saan kami pumasok ngayon.
Nagtataka ako kung paano niya nalaman na nandito ako. Nagtataka ako kung bakit alam niyang may pintuan dito. Atsaka anong ginagawa niya dito?
"Sinundan mo ba ako?" mahinang tanong ko sa kanya habang nakaupo ako.
Napalingon naman siya sa akin.
"Alam mo bang delikado ang ginagawa mo?" tanong niya.
Madiin ang kanyang boses, halata kong para siyang galit. Hindi parang dahil galit talaga siya. Madilim ang aura ng kanyang mukha.