Chapter 186

666 12 2
                                    

Still Erhianna PoV

"A-ano?" tanging naitanong ko kay Ate Zang.

Mukhang nagulat naman siya para mapakunot ako ng noo. Nadulas ba siya sa pagkakasabi niya no'n?

"Ate Zang..." naitagilid niya ang kanyang ulo.

"Hindi ako ang puwedeng magsabi sa'yo, Rhianna." ano naman ang dapat niyang sabihin pero hindi puwede?

Ano na namang meron?

May tinatago na naman ba sila sa akin na hindi ko alam kaya ganyan siya? May hindi na naman ba ako nalalaman? May nililihim na naman ba sila?

"Ate Zang..."

"Rhianna, mas mabuting si Aldrin ang kausapin mo at huwag ako dahil hindi ko masasabi sa'yo." mahinahon na pagkakasabi niya kaya hindi na ako nagpumilit na sabihin niya sa akin.

"Dalhin mo ako sa hideout-"

"Rhianna." pigil niya sa akin pero walang emosyon ko na siyang tiningnan para mapahinga na lang siya at walang nagawa kundi sundin ang gusto ko.

Itinulak niya ulit ang wheelchair. Lumabas kami nang mansyon at pumunta kami sa garden kung saan papunta sa hideout.

"Iwan mo na ako." utos ko sa kanya.

Papalag pa sana siya ng tingnan ko siya ng walang emosyon na naman. Isa sa mga tauhan ko ang nagtulak sa wheelchair papunta sa aking opisina.

"Nasaan na ang inutos ko?" walang emosyon na tanong ko.

Agad naman siyang may ibinigay na folder. Sinenyasan ko siyang maaari na siyang umalis. Yumukod muna siya ng bahagya bago ako iwan na talaga.

Napahinga muna ako at kabado dahil baka kung ano ang nakalagay sa loob ng folder na ito. Dahan-dahan kong binuksan ang folder at agad na binasa ang mga papel na nando'n.

Hindi maaari... Ito ba ang dahilan kaya hindi niya ako maaaring pakasalan?

Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kailangan ko pang gumawa ng paraan para malaman ang mga ito? Ito ba ang itinatago nila sa akin? Paano nila nagawang itago ang bagay na ito na importante?

Naibagsak ko na lang sa sahig ang folder at napahilamos na lang ako ng mukha.

Paano mo nagawang itago sa akin ito, Aldrin? Paano mo nakayanan na hindi sabihin sa akin ito? Dahil dito ay parang gusto na kitang tuluyang pakawalan.

Hindi ko na alam, Aldrin...

Nagpahatid na lang ako sa tauhan ko papasok muli ng Mansyon. Agad akong pumunta sa aking silid at naabutan kong nagkukulitan ang mga anak ko kasama sina Jonathan at Shy.

Pinagmasdan ko muna sila dito sa pintuan.

"Tito, ayoko na."

"Tita naman. Tita!"

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Kinikiliti nila sina Zoe at Aster na mangiyak-ngiyak na sa pagtawa.

"Mommy!" sigaw ni Zoe na agad tumakbo palapit sa akin para mapatigil sila at mapatingin sa akin.

"Ganda mo talaga, Mommy. Ehe!" sabay puppy eyes niya.

May gusto ata ang batang ito. Kapag ganito siya ay may gusto siyang makuha kaya naman naglalambing.

"Sabihin mo nga sa akin, anong gusto ng prinsesa ko?" agad siyang napangiti ng malawak.

Pero halos masamid ako sa kanyang sinagot.

Gangster Love (Season 3) (Completed)Where stories live. Discover now