Nylaer PoV
"I'm not scaring you, Allykha... I'm just warning you." napalunok siya.
Naglakad-lakad ako habang may hawak na wine.
"Ate..."
"Don't call me, ate!" agad akong humarap sa kanya. Napalunok na naman siya.
"Una sa lahat, hindi tayo magkapatid att wala akong trydor na kaibigan." pumatak ang luha niya.
"Galit ka pa din ba... sa akin?"
Sinampal ko siya. Napaluhod naman siya sa harapan ko habang pumapatak ang mga luha.
"Nagtrydor ka noon at hindi mababago 'yun. Pasalamat ka at pinatawad ka ng ating Hukom, at ngayon naman ay nagta-trydor ka na naman at kay Jaycel pa."
Wala siyang imik. Umiyak ng tahimik habang nakaluhod pa din sa harapan ko.
"Paano kaya kung malaman nila ang ginawa mo?" nang-aasar na tanong ko.
"Hindi nila malalaman kung hindi mo sasabihin..." saad niya habang nanginginig ang boses.
Mapakla naman akong napangiti at binagsak ang baso.
"Hmm... Ano kaya ang magagawa ng Hukom...Ni Rhianna..." inikutan ko siya habang nakahawak ang daliri sa kanyang balikat. "Ni Jaycel... lalo na ni Merjune..." bulong ko sa tainga niya ang huli.
Nanginginig ang katawan niya, ang labi niya ay ganoon din. Patuloy na lumuluha. Nawala ang katapangan ng isang Allykha, ito ang mahirap sa isang taong may katapangan tapos mawawala lang.
Ibang Allykha ang nasa harapan ko ngayon,
Mahina.
"Hindi umiiyak ang isang Allykha." hinawakan ko siya sa panga at pinagkatitigan. "Kaya bakit umiiyak ka ngayon at parang takot na takot?" binitawan ko siya.
Ininom ko ang wine na nasa baso bago ako umupo sa aking swivel chair.
Nakaluhod pa din siya. Mukhang walang balak tumayo."Si Jaycel na lang ang hindi nakakaalala." agad siyang napatayo.
Gulat ang mukha na tumingin sa akin,.
May takot at kaba. Nanginginig na naman ang katawan at labi pati ang mga kamay. Nakakaawa ang kanyang itsura ngayon.
"Paano nakaalala si Gavril? May-"
"Bobo ka ba?" natahimik siya.
Pinaglapat ko ang mga binti ko pa krus at nakangising tumingin sa kanya, na naman.
"Siguro nga napaltan mo saglit sa puso niya si Jaycel, noong hindi siya nakakaalala. Pero ang isip, isipin mong mabuti, Allykha. Huwag kang maging tanga."
"Natatakot ako... hindi ko siya kayang mawala sa ak-"
"Hindi siya sa'yo," putol ko sa kanya. "Hindi kailan man siya sa'yo, inagaw mo siya kay Jaycel kaya hindi siya sa'yo."
"Ate... help me..." lumuhod na naman siya,
Hindi ako naaawa sa kanya. May kasalanan siyang ginawa na kailangan niyang pagbayaran kaya hindi ko siya tutulungan.
Gumawa siya nang ikapapahamak niya kaya kailangan niyang lusutan 'yan, labas sana ako sa pinasok niya, kaso...hindi ko maiwasan na makialam lalo na at sobrang laki ng kasalanan na ginawa niya.
Kinuha ko ang isang apple na nasa tabi ko kasama ang ibang prutas.
Kinagat ko 'yun habang nakatingin sa kanya na lumuluha na naman."Hindi kita matutulungan, Allykha. Dahil diyan sa pagmamahal mo ay naging ganyan. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang totoo?" mas nanginig siya. "Parang pinaikot mo sila sa mga palad mo kung titingnan ng mabuti." dagdag ko.