Chapter 182

816 10 4
                                    

Erhianna PoV

"Patawarin mo si Ate... Hindi ko sinasadyang masampal kita. Huwag kang magmahal ng iba. Bumalik ka na siya pa din dapat."

Alam kong hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi ko. Pero alam kong oras na mag matured pa ang isip niya ay maiintindihan niya na, kaya sana lang ay maintindihan niya na agad para hindi huli ang lahat sa kanilang dalawa.

"Hayaan ninyo siya ate." pakiusap niya tanging tinanguan ko lang.

Hinalikan ko muli siya sa noo bago itayo. Inayos ko ang kanyang sarili at walang pakialam sa nanonood sa amin.

"Aalis na agad ako." panimula niya na tinanguan ko lang.

Alam ko na 'yan kaya hindi na kailangan na sabihin sa akin. Humarap siya sa lahat. Agad niyang niyakap si Mommy na naiyak dahil sa pagyakap ni Ellyssa sa kanya.

"Huwag ninyo akong hahanapin, Mom-"

"Pero an-"

"Please..." napabuntong hininga na lang si Mommy at walang nagawa.

Niyakap niya kasunod si Ate Krissiya, sunod kay Jetrick, Kuya Lance. Lahat ay niyakap niya.

"Take care." hinalikan siya ni Jhared sa noo.

Akala ko talaga ay may namamagitan sa dalawang ito kaya lang hindi ako tama nanghinala. Magkapatid lang pala ang turingan. Sunod siyang lumapit kay Cyrus na agad niyang niyakap.

Magsisisi ka talaga, Cyrus.

Nagyakapan ang dalawa hanggang si Ellyssa na ang humiwalay. Agad niya kaming tinalikuran at kinuha na muli ang maleta.

Naluluha niya kaming tiningnan bago ngumiti sa amin. Nakita ko ang pait na may halong sakit na ngiti niya ng balingan niya si Cyrus ng tingin bago tuluyang umalis. At sa pag-alis niya ay agad kong sinampal ng dalawang beses si Cyrus na hindi niya inaasahan.

"Hindi porket na nagmamakaawa ang kapatid ko sa akin na huwag kang ipakulong ay hindi ibig sabihin no'n ay hindi kita sasaktan." Agad akong hinawakan ni Aldrin sa baywang.

Hindi naman na ako pumalag at hinayaan siya.

"Alam mo bang galit na galit ako sa'yo ngayon, Cyrus?" wala siyang sagot. "Akala ko simpleng pasa lang ng kapatid ko ang nasa isang braso niya. Akala ko nakuha niya lang sa training o sa laban. Pero, tangina. Ikaw pala ang may gawa!" sigaw ko sa harapan niya at akmang sasampalin ng may pumigil sa akin.

"Shhh... calm down." nagdidilim ang mga paningin ko sa kanya. Parang gusto ko siyang patayin.

Hindi ko akalain na magagawa niyang manakit nang babae. Ibang-iba siya sa Cyrus na nakilala ko.

"Kapatid ko Cyrus si Ellyssa. Kapatid ko. Tangina mo! Sa lahat ba naman ng mapagbubuhatan mo ng kamay ay bakit ang kapatid ko pa na walang ginawa kundi mahalin ka!" hingal na hingal ako sa sobrang galit na nararamdaman sa kanya habang siya naman ay tahimik lang.

"Cyrus, gusto ko ng maayos at totoong sagot. Minahal mo ba ang kapatid ko?" Huwag mong subukan na magsinungaling dahil baka ipakulong talaga kita.

Hinintay naming lahat ang sagot niya hanggang sa mahina siyang sumagot na ikinasinghap ng iba habang ako naman ay mapait na napangiti.

"Yes..."

"Then, why did you hurt her? Alam niya ba? Mukha namang hindi niya alam kaya bakit pa ako nagtatanong. Parang tanga lang." umiling ako.

"I'm sorry..."

Gangster Love (Season 3) (Completed)Where stories live. Discover now