Still Angelica PoV
"Bitawan mo nga ako!" inis na sigaw ko sa kanya at kinuha ang aking pulsuhan mula sa kanyang pagkakahawak.
"Let's talk, Angelica." maldita ko siyang hinarap na may matapang din na mukha.
"Wala tayong dapat na pag-usapan. Ghibson." madiin na pagkakasabi ko sa kanya para dumilim ang kanyang mukha.
"May dapat tayong pag-usapan, Angelica!" sigaw niya nang bahagya pero inilingan ko lang siya at akmang tatalikuran ko siya nang hawakan niya ako sa aking braso at ipaharap sa kanya para mahalikan nang madiin kaya sinampal ko siya nang sobrang lakas na ikinatabingi lang ng kanyang mukha.
"Huwag na huwag mo akong hahalikan."
"Ano bang problema natin?"
"Na sa'yo ang problema at wala sa akin." madiin na sagot ko naman at ipinaramdam ang pagkakadiin doon.
"Hindi kita maintindihan..."
"Ako pa talaga ngayon ang hindi mo mai-"
"Oo. Hindi kita maintindihan."
"Alamin mo." tinalikuran ko na siyang muli pero hinawakan niya na naman ako sa aking braso at mabilis na hinapit ang aking baywang at muli niya akong hinalikan.
May pag-iingat na ngayon ang halik niya kumpara kanina. Hindi ako tumugon sa halik niya kaya tumigil siya sa paghalik sa akin na may pagtataka na sa kanyang mukha. Malamlam din ito ng bahagya at binitawan ang aking baywang.
"Ipaliwanag mo sa akin ang problema natin..." mahinahon na pagkakasabi niya.
Lumayo din ako sa kanya habang cross arm ang mga braso.
"Sinabi ko na sa'yo noon na lapitan mo ako oras na ako na ang pinili mo." madiin na pagkakasabi kong muli na kanyang ikinatigil at ikinatahimik kaya tinalikuran ko na siya ng tuluyan.
Makasarili na kung makasarili... pero hindi ko kayang makita siyang may kahalikan na iba habang nanonood ako sa kanilang dalawa.
Sa bawat marahan na may pag-iingat sa babaeng hinahalikan niya ay libo libong karuyom ang sumasaksak sa puso ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman at sobrang selos na nadarama.
Minsan kasi ay hindi na tama. Kahit walang camera ay naghahalikan silang dalawa. Masakit na makita na mismong mga dalawa kong mga mata ang makakakita noon.
Sana naman ay hindi sa mismong harapan ko!
Sarcastic para dama.
"Ow, I'm sorry, I'm sorry..." natatarantang paghingi niya nang tawad.
Nakilala ko ang babaeng nakabangga sa akin kaya sinangga ko nang malakas ang braso niya para mapaupo siya sa buhanginan.
"Ouch!" ang arte ng pagdaing niya.
Malakas din kaya napalingon sa kanya ang iba at tinulungan naman siya ng mga kasama niya,
"Oh my ghosh!"
"Are you okay?"
"May masakit ba sa'yo?"
Ang aarte!
Napairap na lang ako habang crossarm ang mga braso at naglakad papalayo sa kanila.
So, ayun pala ang kaloveteam niya?
E, walang wala nga siya akin, hindi hamak na mas maganda pa ako sa babaeng 'yun. Ang arte pati na akala mo kung sino, grabe kung umarte.
Best actress 'yan? May humawak naman bigla sa braso ko mula sa likod kaya napalingon ako.