Still Nylaer PoV
Nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan nila, kaya bago pa sila mag-away away ay sumingit na ako.
"Walang panahon para mag-away kayong lahat. May kailangan kayong mapanood." napalingon silang lahat sa akin.
Natahimik si Shy pero makikita pa din sa aura ang pagiging palaban habang naka cross arm.
"Importante ba?" tanong ni Krissiya para lingunin ko siya.
"Napakaimportante. Nasa panganib ngayon ang kapatid mo, ang Ate Rhianna ninyo."
"What?! Wala kaming panahon sa birua-"
"Kailangan ninyong lahat na pumunta ngayon sa Hideout para malaman ninyo ang katotohanan habang hindi pa siya masyadong napupuruhan." Alam kong matapang, malakas at matatag si Rhianna kaya alam kong nakikipaglaban siya ngayon.
Nagtitiwala ako sa kanya, mag-isa siya pero may tiwala ako sa kanya. Kayang-kaya niyang pabagsakin ang mga kalaban niya.
Magtatagumpay siya.
"Wait-Ano ba-"
"Sumunod na lang kayo. Utos ng Empress."
"She's right, we need to follow. May kailangan din kayong mapanood." Mukhang si Maxima ang isa sa mga inutusan ni Rhianna.
May pag-aalala ang kanyang mukha. Medjo balisa at hindi mapakali. Ng makapunta na kami sa hideout ay nagtipon-tipon kami sa isang silid at inilapag naman ni Maxima ang loptop.
Inayos muna ni Maxima ang lahat.
Nasa likuran lang ako at pinili na din na makisama sa kanila kung ano pa ang nais ni Rhianna. Bumukas ang loptop. May kung ano naman na pinuntahan si Maxima doon hanggang sa magbukas ang isang video.
Naging tahimik kaming lahat habang pinanonood kung ano man ang nasa video. Bumungad sa amin si Rhianna na nakatayo hindi malayo sa camera.
May dala siyang tasa pabalik.
Halata sa mga mata niya na umiyak siya dahil maga ang mga ito. Inayos niya ang camera at huminga ng malalim.
"Alam kong sa oras na ito ay napapanood ninyo ito." panimula niya kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. "Sa oras na dumating ang puntong wala na ako, Ma..." napatingin ako sa dating Empress na si Tita Crissela na nakatiklop ang mga palad.
"Ma... bilang Empress ng Gangnam, nais kong wala ng susunod na Empress pa sa akin, ako na ang huli kaya sana ay wala na kayong gawing Empress pa."
"Anak..." tanging nasabi ni Tita Crissela.
Simula ng maging tauhan ako ng Hukom ay hindi lang tungkol sa mga Mafia ang nalalaman ko kundi sa mga Gangster din na kung saan may kaugnayan sa kanila kaya madami na akong mga kilala na mga Gangster,.
Madami na din akong mga nakasalamuha, karamihan ay hindi tapat kaya naman ay napupunta din sila sa mga marurumimg mga kamay.
Hindi ko ba alam kung bakit nagtrydor pa sila sa Empress gayung puwede mong maging kaibigan ito.
"I'm sorry, everyone..." nagunahan ang mga luha niya sa pagpatak.
Napatingala ako habang nakacross arm. Pinipigilan na mapaiyak sa napapanood.
You are really really strong, Rhianna.
Alam na alam na kita. Ang mga galaw at kilos mo, kaya sa sulat na iniwan mo ay alam ko na ang gagawin mo.
"Ate Krissiya, hindi man tayo nagkasama ng matagal, pero nais kong magpasalamat dahil naparamdam mo sa akin ang pagiging ate mo. Ang pagmamahal mo, matagal na kitang pinatawad sa mga nangyari sa atin at sa mga nagawa mo. Gusto kong malaman mo na masaya akong kapatid kita... Sa'yo ako nagmana ng katapangan." napatingin ako kay Krissiya na inaalo ni Jetrick.