Chapter 199

918 13 0
                                    

Still Nylaer PoV

Matapang si Rhianna.

Isa siya sa aking hinahangaan dahil sa kanyang katapangan. Kailan man ay hindi sumuko sa kahit anong laban. Lagi siyang may paraan at solusyon.

Madami na siyang natulungan. Madami na siyang nagawa, at ang isang ginawa niya para mas hangaan ko siya ay ang pagpasok niya sa loob ng Vera's Hospital noon kung saan nasusunog ito.

Siya ang misteryosong pumasok sa loob ng Hospital na 'yun para iligtas ang mga baby. Siya ang misteryosong tumutulong sa mga nangangailangan. Siya ang taong nakabalot sa itim na kasuotan na mga mata lang ang nakikita.

Sobrang tapang ng isang Rhianna, Pero sa pagkakataon na ito ay bumigay siya.

Nahuli kami.

Pare-pareho kaming tiningnan ang Arena kung saan halos wala ng hininga ang mga nakahandusay sa sahig.

"Nahuli tayo..." mahinang pagkakasabi ko para may malaglag na kung ano.

"Tangina! Panaginip ito..." lahat kami ay napalingon kay Aldrin sa hindi kalayuan.

Sabay-sabay kaming lumapit sa kanya, at tuluyan ng gumuho ang aming mga mundo ng makita namin si Rhianna na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.

Ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang tiyan. Nasa harapan lang siya ng upuan kung saan umuupo siya, bilang Empress.

Sa upuan na 'yun ay nandoon si Jaime. Nakatarak sa kanyang dibdib ang espada.

Ang espada ni Rhianna bilang Reyna ng Españia,

"Love...wake up... Please..." humagulgol ang lahat. Nangunguna ang mga hikbi ng mga malalapit kay Rhianna.

"Ate..." napatingin ako sa kanila.

Hawak ni Aldrin si Rhianna habang nasa kanyang hita. Nanghihina na. Buhay pa siya pero mukhang kalaunan ay mawawalan na siya ng hininga.

Hirap man pero inabot ang pisnge ni Aldrin na basa dahil sa kanyang mga luha. Hinalikan nito ang palad ni Rhianna.

"Hold on, Love..."

"Hi-hindi ko.... kaya... pa-pagod na ako..." tumingin siya sa kanyang tiyan.

"Pata-wa...d..." dagdag nito.

"Ate!"

"Rhianna!"

"Please, huwag!"

"Huwag kang pipikit, Ate! Parang awa mo na!"

"Ate! Huwag naman ganito. Huwag mo kaming iwan!"

Sigawan nila, nag-iwas ako ng tingin pero tumakas pa din ang aking mga luha na kanina pa nagbabadya.

"No..." napalingon ako sa bagong dating na lalaki.

Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Rhianna na buhat na ni Aldrin at naglalakad na palabas.

"Don't leave me, Love..."

Bakit kailangan kay Rhianna pa mangyari ito? Bakit sa kanya na naman binibigay ang pasanin na hindi naman dapat. Naghirap na siya, bakit kailangang mawala pa siya?

This is too much, Lord.

"Hey, stand up. Tumayo ka diyan." tinapik ko siya sa balikat.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

"Fuck! Wala man lang akong nagawa!" ginulo niya ang buhok niya.

"Tss." tanging nasabi ko na lang.

Gangster Love (Season 3) (Completed)Where stories live. Discover now