Still Ellyssa PoV
"What the hell are you wearing?!" napaigtad ako sa gulat ng bigla niya akong sigawan at hinawakan ako sa magkabilaang braso habang nakatapis lang nang tuwalya.
Nagsisimula na naman na mamumo ang takot at kaba sa aking dibdib lalo na ng humarap ako sa kanya na madiin at matalim ang mukha.
"Cyrus..." nanginginig na pagtawag ko sa kanya pero dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Gaano ka kadesperada?" nangilid ang mga gilid ng mga mata ko dahil sa kanyang tanong habang madiin ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.
Nasasaktan na naman ako.
"Cy-" itinulak niya ako at naramdaman ko ang sakit ng likuran ko ng tumama ako sa tiles nang counter.
Palihim ko ding tinanggal ang braso ko at pilit h'wag pakawalan ang iyak dahil dumikt 'yun sa kaldero na kakatanggal ko lang sa kalan.
Doble doble ang sakit ng nararamdaman ko.
"Tigilan mo na ako Ellyssa at tigilan mo na din ito. Hindi kita kailanman mamahalin." pagtakapos niyang sabihin 'yun ay tinalikuran niya ako.
Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan habang hawak ko ang aking brasong sobrang sakit, at naiiyak na ako sa sakit.
Sa ilang linggo na magkasama kami at nung pagkatapos ng may nangyari sa aming dalawa ay iba na ang pakikitungo niya sa akin.
Napagbuhatan niya din ako ng kanyang kamay.
Ibang Cyrus ang kasama ko ngayon at hindi na siya 'yung Cyrus na nakilala ko.
Ibang iba na siya sa dati.
Hindi kami maayos kaya minsan tahimik na lang ako at hindi na siya pinapansin. Iniiwasan ko na lang siya kung kailangan para walang gulo.
Higit sa lahat ay natatakot na ako sa kanya.
Umakyat ako sa aking silid at hindi alam ang gagawin. Iniihipan ko lang ang aking braso habang patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko na walang humpay.
Hindi pa nga gumagaling ang pasa sa gilid ng labi ko ay ito na naman. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Cyrus.
Bakit ka ganyan? Paano mo ako nagawang saktan? Hindi lang kasi emotionally, physically pa.
Mas tumulo ang mga luha ko, sa sakit na nararamdaman ko at sa sakit ng paso sa aking braso. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang nang umiyak habang tinitiis ang lahat ng sakit, dinidibdib mag-isa.
Tanggap kong hindi ako ang mahal mo Cyrus pero hindi naman kailangang saktan mo ako ng ganito.
"Uuwi-" napatingin ako sa pinto ng aking silid nang walang paalam na pumasok si Cyrus na napatigil sa kanyang sasabihin ng makita ako.
Ang kaninang matalim niyang mukha ay naging malambot ng makita ako. Bumaba ang kanyang tingin sa kamay kong nakahawak sa aking braso.
Napayuko na lang ako at napakagat ng labi para pigilan ang hikbing kakawala.
Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa akin hanggang nasa gilid ko na siya.Lumayo ako sa kanya ang akmang hahawakan niya ang braso ko.
"Hu-huwag... kang... la-lapit sa a-kin... Na-ta-ta-kot a-ko sa'yo..." utal na pagkakasabi ko ng totoo.
Napalingon ako sa kanya habang umiiyak pa din. Mas lumambot ang exspression ng kanyang mukha at tuluyan na akong nahawakan para manginig ako.
Pinaramdam ko sa kanyang natatakot ako sa kanya dahil 'yun naman ang totoo. Simula ng mapagbuhatan niya ako ng kamay ay doon na ako natakot sa kanya. Tatanggalin ko sana ang pagkakahawak niya sa braso ko ng hawakan niya ang kamay ko at halikan 'yun.