Still Ellyssa PoV
Yumakap ako sa tagiliran ni Ate Rhianna at naramdaman ko naman na hinaplos niya ang aking buhok. Sobrang nagu-guilty ako, hindi ko malaman kung bakit. Hindi ko din maintindihan.
"Hmm... Naglalambing na naman ang bunso ko ah." mas sumiksik lang ako sa kanya.
Wala na naman umimik sa aming dalawa. Tahimik lang din ako at pinapakiramdaman siya. Kahit hindi ko pa gaano kilala si Ate Rhianna ay alam kong malakas ang pakiramdam niya.
Alam kong alam niya agad kapag may problema ang isang tao. Alam kong alam niya kung may bumabagabag sa isang tao.
Matalino si Ate Rhianna. Maganda pa. Sexy pa. Halos na sa kanya na ang lahat, halos perpekto na siya kaya kahit ako ay hindi ko maiwasan na mainggit sa kanya.
Lalo na at siya ang mahal ng lalaking mahal ko.
Paano kaya kapag walang sila ni Kuya Aldrin? Paano kaya kapag sila ni Cyrus ang nagkatuluyan?
Edi ako ay namatay na sa inggit at sakit.
Gusto kong maging kagaya niya.. Antapang niya kasi e... hindi kagaya ko na napakahina. Halos wala ng ambag sa mundo.
Kung hindi ko siguro nalaman ang tungkol sa totoong ako. Sa Arena. Sa Gangnam. Sa mga gangster. Baka sobrang hina ko pa din.
Si Ate Rhianna ang dahilan kung bakit malakas ako kahit pa-paano... pero pagdating sa laban lang 'yun dahil ang totoo ay napakahina ko.
Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi talaga ako magugustuhan ni Cyrus lalo na at mamahalin. Kailangan ko na sigurong tanggapin na wala talaga akong pag-asa at si Ate Rhianna talaga ang mahal niya kahit na ano pang gawin ko para mahalin niya ako pabalik.
Ang hirap palitan ni Ate Rhianna sa puso niya.
Ibinigay ko naman sa kanya ang lahat, ano pa bang kulang? Ibinigay ko na ang sarili ko sa kanya, ang pagkatao ko. Bakit hindi pa din ako? Bakit si Ate Rhianna pa din?
Sobrang mahal ko siya habang sobrang mahal niya naman si Ate Rhianna. Sa sobrang pagmamahal niya ay kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa babaeng mahal niya.
Nagulat ako at napalayo nang hawakan ni Ate Rhianna ang braso kung saan black na 'yun dahil sa pasong nangyari.
"Anong nangyari diyan?" Nag-iwas ako ng tingin. Bahagyang kinabahan.
"Wala po ito, ate..." pagsisinungaling ko, halos mautal pa ako pero naituwid ko ang pananalita ko dahil baka mapansin niyang may kakaiba sa akin.
"Okay." napatango-tango siya habang nakatingin pa din sa braso ko kaya naman palihim kong binaba ang manggas ng suot kong T-shirt para takpan 'yun.
Hindi naman siya ata nakahalata di'ba?
Hindi naman niya at pag-iimbestigahan ito di'ba? Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng kaba at takot.Natatakot ako dahil baka malaman niya ang totoo.
Alam kong hindi sinasadya ni Cyrus na maitulak ako noon kaya naman wala lang sa akin 'yun kahit na nasaktan ako ng sobra. Lalo na sa loob ko, sobrang nasaktan ako, pero inintindi ko lang na hindi 'yun sinasadya ni Cyrus.
Mag pinagusapan pa kami ni Ate pero tungkol na 'yun kay Mommy.
Naiintindihan ko kung galit pa siya kay Mommy, hindi ko din naman kasi alam ang dahilan ni Mommy kaya naman kailangan ko din makausap si Mommy para maintindihan ko din kung ano ang dapat.
Gusto kong makumpleto ang Pamilya namin. Gusto kong makumpleto kami.
Napahinga muna ako at hinalikan si Mommy sa noo habang tulog siya.
Dahan-dahan akong lumabas at dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.