Nikko Santos
Napahilamos ako sa mukha, shit! Natatakot ako, natatakot ako sa klase ng tingin na ibinigay niya sa akin at ngayon niya lang ako binigyan ng ganung klaseng tingin! Fuck! Mabilis akong lumabas nang opisina at nakita agad si jay na tumayo.
"Sir--Cancel all my meetings!" yun lang ang sinabi ko at nag mamadaling sumakay nang elevator. Kailangan kong maabutan si Ashley, kailangan kong ipaliwanag na mali ang nakita niya. Fuck you, Sam! Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Ashley.
Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog iyon. "Hello..What?! Okay, okay!" Nanginginig ang mga kamay ko, at matinding kaba ang namayani sa puso ko, binaba ko ang tawag at mabilis na nag U-turn. Fuck! Lahat na yata nang klaseng mura ay nasabi ko dahil sa matinding takot na nararamdaman.
Tumakbo ako papasok nang hospital at hinanap agad kung nasaan ang asawa ko. "N-Nikko.." Parang nanghina ang mga tuhod ko ng makita si mommy, ang mommy ni Ashley na nag hihintay sa labas ng ER. Lumapit ako sa kanya at bigla niya akong yinakap habang lumuluha. Anong nangyari? Anong nangyari sa asawa ko? Isa yan sa mga gusto kong itanong, pero wala akong lakas ng loob, natatakot ako sa kung anong mang isasagot niya.
Halos kalahating oras pa kaming nag hintay sa labas ng bumukas ang pinto at lumabas doon ang doctor, agad kaming tumayo at lumapit sa kanya.
"How is she doc?" Tanong ko agad dito, tinanggal nito ang suot na mask.
"She's okay, but i'm sorry wala na ang bata.." Parang nanlambot ang katawan ko at buti nalang ay nahawakan ako ni mommy na katulad ko ay umiiyak din.
"P-Paano?" Napahilamos ako sa mukha at umiling.
"I'm sorry, she encounter severe vaginal bleeding and her pregnancy is delicate due to stress at kung hindi pa namin tatanggalin ang sanggol sa sinapupunan niya ay mas lalong magiging delikado ang kalagayan niya. i'm sorry for your loss, pwede niyo na siyang puntahan." Yun lang ang sinabi niya at iniwan na kami. Yumakap ako kay mommy at tahimik na lumuha.
Hinaplos ko ang kamay ni Ashley at hinalikan iyon, iniwan muna ako ni mommy para mag asikaso ng mga kakailanganin Si mommy at daddy naman ay nakaupo sa sofa, katabi si eliz na tahimik na nakatutok sa cellphone.
Hinawakan ko ang mukha niya at malungkot na ngumiti, naalala ko nung una ko siyang makita, naka pony siya ng dalawa at nakasuot ng puting bestida.
"Nikko anak, mag mano ka sa tita lucile mo at tito erik." Lumapit ako sa kanila at magalang na nag mano, napatingin ako sa batang nasa gilid nila na halos kasing edad ko lang at ang isa naman ay mas matanda sa akin.
"Naku, eto naba si nikko? Ang gwapong bata stella." Nakangiting sabi nito sa akin at pinisil ang pisngi ko.
"Saan pa ba mag mamana lucile, kung hindi sa akin." Sabi ni daddy na ikinatawa nila. Tumingin si daddy sa dalawang bata sa gilid ni tita.
"Kay gaganda ng mga anak niyo lucile." Ngumiti si mommy at lumapit dito. "Nikko, halika dito." Lumapit ako kay mommy. Hindi ko alam kung bakit, pero sa murang edad nakaramdam ako ng kaba sa puso ko ng ngumiti ito sa akin.
"Ikaw si nikko? Ako si nicole.." tinuro niya ang katabi niya "at eto naman si ate nadia." Ngumiti ako sa maamo niyang mukha at tumango.
Pag katapos mag hapunan ay inaya ako ni nicole sa tabi nang swimming pool at ang ate naman niya ay umakyat na dahil maaga padaw ang pasok bukas. Pinag masdan ko siya na masayang tumatakbo at hinahabol ang paru-paru na lumilipad, pamaya-maya ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ilang taon kana? Inabot niya sakin ang lollipop na hawak.
"6 years old.." tumango-tango ito at pilit na iniabot sa akin ang hawak na lollipop.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomanceSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...