Chapter 9

20 4 0
                                    

Sumilip ako sa labas ng bintana ng kwarto at napatulala sa malakas na buhos ng ulan, humawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Ilang linggo na ba ang lumipas ng maka-graduate kami? Sa mga araw at linggo na nag daan, hindi pa ulit kami nag kikita ni Nikko, but Clyde even his not around, he always assure me that his always there no matter what.

Nag ring ang cellphone ko kaya tamad ko iyong kinuha sa side table kung saan ko pinatong kanina. Tinignan ko ang tumatawag at bumilis agad ang tibok ng puso ng mabasa ang pangalan niya. Tumikhim ako bago sinagot.

"H-Hello.." Nailayo ko ang cellphone na hawak dahil sobrang ingay sa kabilang linya.

"Is this Ashley?" Malakas na tanong ng nasa kabilang linya. Nangunot ang noo ko, i thought it was Nikko.

"Yes, it's me. Do you need anything?"

"I need your help, can you please come here?" Tumingin ako sa labas dahil mas lalong lumakas ang ulan.

"Yes, send me the details kung nasaan kayo." Hindi kona hinintay ang sagot niya, binaba ko ang tawag at nag punta sa closet para kunin ang jacket, mabilis ko iyong sinuot. Pag-kababa ko sa sala, kadiliman ang sumalubong sakin dahil nakapatay na ang mga ilaw, tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader at inilawan iyon gamit ang cellphone, mag aala-una na ng madaling araw. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumakbo papunta sa garahe kung saan nakaparada ang regalong kotse ni daddy para sa'kin.

Nag tatakbo ako palapit sa gate dahil sa patuloy na pag buhos ng ulan, buti nalang at makapal ang suot kong jacket na naging suporta ko sa ulan. Maingat kong binuksan ang gate at huminga ng malalim ng matagumpay kong nailabas ang sasakyan, buti nalang at wala sila mommy ngayon at tanging si manang at mang lito lang ang kasama ko. Sinara ko ang gate at dali-daling sumakay papasok sa kotse, sakto namang tumunog ang cellphone ko at nakita na galing sa number ni Nikko ang message, binuksan ko iyon at binasa. Why are you there Nikko? Napailing ako at mabilis ng pinatakbo ang sasakyan.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at sumilip. Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin. Tumingin ako sa karatula ng bar at napangiti ng makitang tama ako. Mabilis akong nag hanap ng parking space at ng makahanap, dali-dali kong pinarada ang sasakyan. Nag tatakbo ako papasok ng bar, napatakip ako sa ilong ng maamoy ang pinag halong amoy ng sigarilyo at alak. Shocks! Sobrang ingay! Ginala ko ang paningin sa loob ng bar, nakita ko ang mga nag sasayawan sa gitna na akala mo wala ng bukas. Grabe! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito at buti nalang talaga hindi ako mahilig gumimik. Napailing ako at kinuha ang cellphone para tawagan ang number ni Nikko.

"Asan kayo?" Ginala ko ang paningin at pamaya-maya lang may nakita akong lalaking kumakaway sakin na may hawak na cellphone. Naalala ko na siya! ka team siya ni Nikko sa basketball. Mabilis akong pumunta sa kanila, at nakita agad si Nikko na may kalong na babae at nakikipag halikan dito. Nag iwas ako ng tingin, dahil hindi ko kaya ang nakikita ko.

"Sorry.." Tumingin ako sa lalaking nag salita. Tumango lang ako at tipid na ngumiti.

"By the way, I'm Ralf. Salamat at nag punta ka." Hinawi niya ang buhok niya.

"Kanina pa namin siya inaayang umuwi, pero ayaw niya talaga, hindi naman namin siya maiwan."

"Okay lang ba siya?"

Umiling ito at malungkot na ngumiti.
"Kailangan ka niya ngayon.. His your best friend, right?" Tumango ako at sumulyap kay Nikko na nakangisi dahil sa ginagawang pag halik ng babae sa leeg niya. Napalunok ako at parang may sumipa sa puso ko, dahil sa paninikip nito.

"What happened?" Umupo siya sa couch at ganun din ang ginawa ko.

"Nag hiwalay na sila ni Sam." Gulat akong tumingin sa kanya. What?
"At paalis na siya ng bansa. Hindi matanggap ni Nikko na tinanggihan ni Sam ang alok niyang kasal at mas pinili ang mga pangarap nito." Napatakip ako sa bibig dahil hindi makapaniwala sa mga narinig. Nag propose si nikko? At tinanggihan ni sam. Paano nangyari?

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon