Tumikhim ako at tumayo sa kinauupuan. Binulsa ko ang hawak na cellphone at huminga ng malalim, tumawag sa'kin si mommy at tinanong kung ayos lang daw ba ako sa bahay, pag kauwi namin kahapon galing sa airport umalis na agad si daddy, hindi siya agad nakabalik sa Cebu nung hapon, dahil sa dami ng meeting na kailangan niyang puntahan, kaya madaling araw na siya naka byahe pabalik.
"Are you okay?" Tumango ako kay Eliz at inaya na siyang lumabas.
"Huwag kana mag pasundo, sumabay ka nalang sakin." Kumapit siya sa braso ko at sabay na kaming nag lakad palabas ng gate.
"Sa tingin mo, bakit ginawa ni ate Nadia yun?" Tanong niya sa'kin.
"Hindi ko din alam, pero naniniwala ako na may mabigat siyang dahilan kaya niya nagawa yun." Tumingin ako sa langit at napangiti, sobrang daming stars.
"Yeah! Hindi man tayo lumaki na kasama siya, i know naman na hindi din niya ginusto yun. Are you really okay na mag isa kalang sa inyo? Alam mo pwede ka namang sa bahay muna hanggang wala sila tita." Huminto kami sa mismong tapat ng sasakyan nila, lumapit samin ang body guard niya.
"Good Evening!" Tumango ako sa kanya na may kasamang ngiti, pero si Eliz nanatiling tahimik.
"I'm fine, ayos lang ako sa bahay. Isa pa nandun naman si manang at si mang lito." Pinag buksan kami ng pinto ng sasakyan at pasakay na sana ako ng may tumawag sakin.
"Nicole!" Gulat akong tumingin kay Clyde.
"Why are you still here?" Tanong ko sa kanya.
"Katatapos lang ng klase ko, buti naabutan pa kita." Narinig ko ang mahinang pag tikhim ni Eliz sa likod.
"Okay lang ba na ako ang mag hatid sa pinsan mo?" Tanong ni Clyde.
"Sure." Nakangiting sagot ni Eliz.
Siniko ako ni Eliz at kinindatan, lumapit siya sakin para halikan ako sa pisngi. "Take care, okay?" Tumango ako sa kanya at lumayo ng bahagya para maisara ang pinto ng sasakyan. "Ethan, Let's go?" Pinanuod ko lang ang pag alis nila at nang mawala na ito sa paningin nakangiti akong humarap kay Clyde. Ngumiti siya pabalik sakin at napakamot sa noo.
"Tara na?" Tumango ako at sabay kaming nag lakad papunta sa kotse niya. Pinag buksan niya ako ng pinto, bago siya sumakay sa driver seat. Nag simula na siyang mag drive at hindi ko alam kung bakit pareho kaming tahimik, tumingin nalang ako sa bintana ng sasakyan at pinag masdan ang mga street light na nadadaanan namin. Nag taka akong tumingin sa kanya ng ihinto niya ang sasakyan.
"Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung gaano kabigat yang dinadala mo." Basag niya sa katahimikan.
"C-Clyde.."
"I can be your friends too." Ngumiti siya sakin at bumaba para pag buksan ako ng pinto, nanatili lang akong tahimik. Inaya niya akong mag lakad-lakad, huminto kami sa isang coffee shop. "I'll be back." Tumango ako at nag hintay sa labas, pamaya-maya lang din lumabas na ito, may dalang coffee para samin, binigay niya sa'kin ang isa at inaya akong maupo sa isang bench na tanaw ang manila bay, sobrang payapa sa lugar na 'to at ang sarap sa pakiramdam.
"Thank you.." Tumingin siya sa'kin at masuyong ngumiti. Bakit sobrang bait mo clyde? Ayokong masaktan ka pero yun ang ginagawa ko sa'yo ngayon. Nangilid ang mga luha ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Kamusta kana?" Tumingin ako sa kalangitan at mapait na ngumiti.
"Maybe, I'm okay, Maybe, I'm not." Tumawa ako at hindi na napigilan ang mga luha. "S-sobrang sakit pala talaga.." Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko.
"May mga bagay talaga na kahit gaano mo kagusto, hindi magiging sa'yo." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Pinag masdan ko siya na nakatingin lang sa malayo.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomanceSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...