"Are you really sure that you're okay?" Inalalayan niya akong mahiga sa kama.
"Don't worry nikko, I'm fine." Kinumutan niya ako pag katapos ay naupo.
"Hindi mo naman kailangan na bantayan ako at isa pa hindi ba dapat nasa trabaho kana?" Pag katapos kasi naming kumain nang umagahan dumeretso kami agad dito sa kwarto.
Kailangan ko daw mag pahinga, dahil ang sabi ng ob-gyn ko dahil daw sa pagod kaya ako dinugo kahapon at isa pa sinabi niya samin na maselan ang pag bubuntis ko dahil mahina daw ang kapit ng bata sa sinapupunan ko kaya ibayong pag iingat ang kailangang gawin.
"Nag leave muna ako, hindi kita kayang iwan na ganyan ang kalagayan mo." Natahimik ako.
"Pag katapos ng nangyari sayo kahapon, natakot ako. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa inyo ng anak natin." Hinaplos niya ang pisngi ko.
"I'll protect both of you." Nangilid ang mga luha ko.
"I'm sorry, hindi ko dapat pinapagod ang sarili ko, I'm sorry Nikko." Hinawakan niya ang kamay ko at dinampian iyon ng halik.
"Hindi mo kailangang mag sorry, hindi mo kasalan okay?" Tumango ako at yumakap sa kanya.
"Thank you nikko, thank you for making me this happy." Hinaplos niya ang buhok ko at humiwalay ng yakap sa akin.
"Ako dapat ang mag pasalamat sayo, dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng saya, nag karoon ng dereksyon ang buhay ko ng pakasalan kita at ang pag kakaroon natin ng anak ang pinakamagandang regalong ibinigay mo sa akin." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Posible pala yun, na sa sobrang saya ng naramdaman mo ay maiiyak ka nalang.
Kailan man hindi ko inasahan na sasabihin niya sakin ang lahat ng sinabi niya, ang akala ko hindi na mag babago ang pakikitungo niya sa akin. Siguro nga hindi ganun kadali turuan ang puso kung sino ang dapat na mahalin, pero ngayon nararamdaman kong sinusubukan na niyang buksan ang puso niya para sa akin at para sa magiging anak namin.
~~~
Nagising ako ng makarinig ng ingay mula sa labas ng bintana, maingat akong bumangon at nag lakad palapit para silipin kung ano ang meron.
"Dito nalang yan, favorite ni Nicole yan." Turo ni Eliz sa inihaw na pusit. Napangiti ako ng makita ang pamilya ko na nasa ibaba at masayang nag iihaw habang nag kukwentuhan. Hindi ko alam na lahat pala sila ay pupunta dito para bisitahin kami.
"Hey." Lumingon ako sa kapapasok lang na si Nikko.
"Kanina kapa gising? Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong na inilingan ko lang.
"You sure?"
"Yes, I'm okay Nikko." Ngumiti ako. "Hindi mo sinabi na pupunta silang lahat dito."
"Hindi kona nasabi dahil nakatulog kana kanina. Tara na sa baba? Kanina kapa nila hinihintay." Tumango ako at sabay na kaming bumaba para pumunta sa garden.
"Kukunin ko lang sa loob ang sinigang na hipon." Sabi ng mama ni nikko.
Nasalubong namin siya at nagulat pa yata siya ng makitang kasama na ako ni nikko.
"Mommy." Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi niya.
"Nako, nagising kaba dahil sa ingay namin?" Umiling ako.
"Hindi po, masaya po ako na dinalaw niyo kami ni nikko dito sa bahay." Nag paalam sakin sandali si nikko para siya na ang kumuha ng kukunin ni mommy, humalik siya sa tenga ko bago umalis.
"Ang sweet niyo naman, ganyang ganyan kami ng daddy mo noon." Napangiti ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumabas papunta sa garden.
"Hanggang ngayon naman po sweet padin si daddy sa inyo." Natawa siya dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomantizmSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...