Chapter 7

26 5 0
                                    

Nagising akong maga ang mga mata, dahil sa walang tigil na pag-iyak. Kahit anong pilit ko na kalimutan ang mga nangyari, paulit-ulit lang iyong bumabalik sa isip ko. Sinubukan ko ding tawagan si Nikko kagabi at humingi ng sorry, kahit na alam ko sa sarili ko na wala akong kasalan, handa parin akong humingi ng sorry dahil ayokong masira ang pag kakaibigan namin, ilang ulit ko siyang sinubukang tawagan pero hindi manlang siya nag abala na sagutin ang mga tawag ko at siguro nakulitan na siya at pinatay nalang ang cellphone dahil hindi ko na siya macontact. Nagulat pa ako ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si mommy na umiiyak.

"Mom, what's wrong?" Tumayo ako sa pag kakahiga at lumapit sa kanya.

"Mom?" Hinaplos ko ang likod niya at inalalayan na maupo sa kama.

"Y-your grandmother called and said your ate was in the h-hospital." Umiiyak na sabi ni mommy.

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong kay mommy. Bumagsak ang mga luha sa mga mata ko ng mag sink in sakin ang sinabi niya.

"We need to go to Cebu soon." Lumuhod ako at hinawakan ang mga kamay niya.

"Alam na po ba ni daddy?" Tumango siya sakin at napahikbi. Alam ko ang iniisip niya na baka atakihin si daddy dahil mahina ang puso nito.

"Everything will be okay Mom." Hinagkan ko siya sa noo at kahit masakit sinubukan ko pading ngumiti. Sa Cebu na lumaki si ate kasama sila lolo at lola, mas pinili niyang doon manirahan dahil alam ko naman na kahit hindi niya sabihin, nandun ang lalaking nag mamay-ari ng puso niya. Minsan lang siya dumalaw dito sa Manila at kung minsan kami pa nila mommy ang pumupunta sa kanya. Kaya nung halos dalawang linggong nawala sila mommy alam kong binisita din nila si ate, hindi lang ako nakasama dahil may pasok ako.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo, maya-maya lang aalis na tayo." Yun lang ang sinabi ni mommy bago umalis at lumabas ng kwarto.

---

"How is your daughter? Tumawag naba ulit sila mama?" Narinig ko pang tanong ni mommy.

"Sshh.. Please take a rest." Yun nalang ang huli kong narinig, natulala nalang ako sa bintana ng eroplanong sinasakyan namin, kaya pala wala si daddy kanina dahil inasikaso niya ang plane ticket namin at syempre kinausap nadin niya ang dean sa Business Add, na hindi ako makakapasok bukas o sa susunod pa dahil may emergency sa pamilya namin at kailangan naming mag tungo sa Cebu. Tahimik akong nag dasal sa isip ko dahil alam kong siya lang ang makakatulong samin ngayon.

Halos isang oras at sampung minuto lang ang itinagal namin sa byahe, nang makarating kami sa cebu, sa hospital na mismo kami tumuloy dahil nandun si lola.

"H-how is she?" Umiiyak na tanong ni mommy kay lola na mababakas sa mukha ang pagod at sakit.

"She's still under observation." Nanghihinang napaupo si mommy sa isa sa mga bench na nasa hospital at mabilis naman itong inalalayan ni daddy. Nakatingin lang ako sa kanila at tahimik na lumuluha, lumapit ako kay lola at yinakap siya. Wala si lolo ngayon dahil kailangan niyang umuwi at mag pahinga sa bahay.

"Mama ano bang nangyari? Hanggang ngayon ay hindi niyo parin samin sinasabi kung bakit nandito ngayon si Nadia." Mahinahon na tanong ni daddy.

"S-she.. t-tried to kill herself by using a poison. Hindi ko agad sinabi sa inyo dahil sayo anak Enrico, baka atakihin ka at malagay pa sa peligro ang buhay mo." Lalong umiyak si mommy dahil sa mga narinig niya, inalo siya ni daddy na alam kong pinapatatag lang ang sarili. Inalalayan kong maupo si lola at nang makaupo na kami, pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko. Halos kalahating oras pa kaming nag hintay ng bumukas ang pinto ng ICU at lumabas doon ang isang doctor, agad lumapit si mommy at daddy kaya inalalayan kong tumayo si lola at lumapit din kami sa kanila.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon