Nag reply ako sa tex ni clyde at binaba ang cellphone sa couch na inuupuan. Bakit ganun? Crush ko naman siya dati ah pero bakit ngayon parang nawawala na. Hay, nakakainis!
"Hey!"
"Ay, Kalabaw!" Napatalon ako sa kinauupuan dahil sa gulat.
"Mukha naba 'kong kalabaw?" Nakabusangot niyang tanong. Napahawak ako sa dibdib at natulala sa kanya.
"Huy, Ashley!" Napakurap-kurap ako at inalis agad ang tingin.
"Bakit ba kasi ang hilig mo manggulat?" Umupo siya sa tabi ko kaya dumasog ako ng bahagya.
"Kanina pa kaya kita tinatawag." Tumingin ako sa kanya.
"Weh?" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Yap." Lumabi ako.
"Alam ko may kailangan ka kaya ka nag punta dito, ano yun? Sabihin mo na." Sumandal siya sa headrest ng couch at pumikit.
"Wala naman akong kailangan, gusto ko lang ng katahimikan." Tinitigan ko ang mukha niya, siguro ay nag away sila ni sam, dahil halata na problemado siya.
"Nag away kayo no?" Dumilat siya at tumingin sakin, hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sakin, kaya nag iwas ako ng tingin at tumayo.
"Ikukuha nalang kita ng meryenda." Nag madali na akong pumunta sa kusina.
"Shocks!" Humawak ako sa dibdib at huminga ng malalim.
"Anak, ayos ka lang ba?" Nakagat ko ang ibabang labi at tumingin kay manang.
"Ayos lang ako manang, ikukuha ko lang ng meryenda si Nikko." Ngumiti ako at binuksan ang ref. Nag labas ako ng isang pitsel ng orange juice at chocolate cake.
"Ako na ang mag dadala niyan anak, pumunta kana kay Nikko." Umiling ako kay manang at nilagay sa tray lahat ng hinanda ko.
"Ako na po manang. Kering-keri ko na po ito." Kumindat pa ako sa kanya at nag paalam na dadalin kay nikko ang meryendang hinanda.
Naabutan ko naman si nikko na nakapikit at nakataas ang dalawang paa. Lumapit ako sa center table at binaba ang hawak na tray.
"Nikko.." Tawag ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili at hinaplos ang pisngi niya. Hindi manlang siya gumalaw o sumagot, hindi ko na siya ginising dahil alam kong kailangan niya ng pahinga. Hindi siguro siya nakatulog ng maayos dahil sa away nila ni Sam. Inayos ko ang higa niya sa couch at tinitigan muna siya bago binalik sa kusina ang tray.
"Manang, tikman mo nga. Ayos na po ba ang lasa?" Tinapat ko sa bibig ni manang ang sandok na may lamang sabaw.
"Ok na, pwede ka ng mag asawa." Biro niya sakin na tinawanan ko, hinalo ko muli ang nilulutong nilagang baboy at binaba ang hawak na sandok para patayin ang kalan, napasulyap ako sa bintana at nakita ang malakas na buhos ng ulan. Nag tungo ako sa sala para gisingin si nikko pero naabutan ko siyang may kausap sa cellphone.
"Ok, I love you.. Please stop crying babe, Hindi ako galit sa'yo." Napahinto ako sa pag lalakad, parang may sumipa sa dibdib ko dahil bigla iyong sumikip.
"I'm sorry babe, gustong-gusto ko. Pero sobrang lakas ng ulan, hihintayin ko munang tumila at pupuntahan kita." Tumalikod ako para bumalik sa kusina, huminga ako ng malalim at bigla nalang nangilid ang mga luha. Eto yung kinatatakutan ko, yung tuluyang mahulog sa kanya.
"Ashley!" Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mga mata at humarap kay Nikko nang nakangiti.
"Gising kana pala." Ngumiti siya at nag inat.
"Yeah! Thank you, Wow! Ang bango." Lumapit siya sa kalan at binuksan ang kaldero.
"Ikaw nag luto?" Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomanceSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...