Chapter 10

17 4 0
                                    

Maganda ang naging gising ko, bumangon ako at nag inat, may maganda akong naisip para malibang si Nikko kaya mabilis na akong naligo. Napangiti ako at masiglang pumili ng susuotin, inuna ko ang high waist shorts at off shoulder na croptop na tinernuhan ng white sneakers rubber shoes. Nang matapos akong mag bihis sinuklay ko ang mahabang buhok na umabot na hanggang bewang. Nag polbo lang ako at nag lagay ng lip tint sa pisngi at labi, nang makontento kinuha ko ang shoulder bag at lumabas na nang kwarto, sakto namang pag labas din ni mommy sa kwarto nila.

"Good Morning My." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"May lakad ka?" Sinuri niya ang suot ko. "Hindi ka ganyan manamit kung sa office ka pupunta." Tumingin sa'kin si mommy na nginitian ko.

"May lakad kami ni Nikko, that's why." Sabay kaming nag lakad pababa, dumeretso kami sa kusina.

Nag hila ako ng bangko at umupo. "San naman ang lakad niyo? Gagabihin ka?" Pinag timpla niya ako ng gatas at inabot iyon sa'kin.

"Thanks My. Hindi po, uuwi din kami ng maaga." Humigop ako at napangiti. "Ang sarap mo talagang mag timpla mommy." Napangiti siya sa sinabi ko at pinag palaman ako ng sandwich. Wala si manang dito sa kusina siguro namalengke siya at hindi pa nakakauwi hanggang ngayon, sabagay maaga pa naman.

"Oh, kumain ka, nang hindi ka gutumin. Babalik lang ako sandali sa kwarto para maligo muna, wala pa naman si manang." Kinuha ko ang inabot niyang tinapay at kumagat doon. "Take care, okay? Ako ng mag sasabi sa daddy mo na may date ka with your best friend." Natawa ako sa sinabi niya.

"Love you, My." hinalikan niya ako sa buhok bago tuluyang umalis. Mabilis kong tinapos ang kinakain at ng matapos nag punta na ako sa garahe para ilabas ang sasakyan.

Nag drive ako papunta sa condo ni Nikko at wala pang kalahating oras ng makarating ako, buti nalang wala pang masyadong traffic at maluwag ang kalsada. Maayos kong pinarada ang sasakyan bago bumaba at ilock iyon.

Kumatok ako sa pinto. "Nikko?" Walang sumasagot kaya kumatok lang ako ng kumatok. "Nikko! Wake up! Open the door." Malakas kong sigaw. "Nikko--Ay kalabaw!" Biglang bumukas ang pinto at naiwan sa ere ang kamay ko.

"What are you doing here in this early ash?" Inis niyang tanong sa'kin na halatang kagigising lang.

"Hindi mo bako papapasukin?" Tanong sa kanya. Napailing siya at niluwagan ang bukas ng pinto. Pumasok ako at bumusangot.

"Kalat ng unit mo." Humarap ako sa kanya at humalukipkip.

"Ipapalinis ko yan. Nakalimutan ko lang kahapon." Umupo siya sa couch habang ako ay nanatiling nakatayo. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag-suri niya sa kabuuan ko. Napalunok ako at nag iwas ng tingin, huminga ako ng malalim at nag paypay gamit ang kamay.

"Why?" Tanong niya sa'kin ng nag tataka.

"Nothing, medyo, mainit lang." Pilit akong ngumiti.

"So, What do you want?" Ngumuso ako at lumapit sa kanya. Kaya mo yan ashley! Kausap ko sa sarili.

"Eh kasi may pupuntahan tayo." Nangunot ang noo niya.

"Saan naman? Wala akong maalala na pinag-usapan natin." Bumusangot ako.

"Basta kasi, maligo kana." Hinila ko siya patayo. "Bilis na Nikko." Nag pahila naman siya na umiiling-iling sa'kin. Tinulak ko siya papunta sa kwarto niya.

"Bilisan mo ha? Para di tayo ma traffic."

"San ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit niya sa'kin.

"Basta! Maligo kana dyan. Sige na Nikko, Kilos na." Tinulak ko siya papasok sa bathroom at ako nadin ang nag sara ng pinto.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon