Chapter 4

22 4 0
                                    

Nag iwas ako ng tingin kay clyde dahil naiilang ako sa klase ng tingin na Ibinibigay niya sa akin. Inaya niya akong mag sayaw at humalubilo kami sa mga studyanteng nag sasayaw sa gitna. Hindi na bumalik si eliz kaya nag tex nalang ako sa kanya at hindi pa alam kung nag reply siya sa akin.

"Hoy clyde! Stop! Huwag mo kong titigan ng ganyan, nakakailang!" Tumawa ako at mahina siyang hinampas sa balikat.

"Can't help it! You're so pretty." Nag init ang mag kabilang pisngi at nataranta dahilan para maapakan siya.

"Hala! Sorry!" Lumayo ako sa kanya ng bahagya para tignan ang paa niyang naapakan.


"Wait, kukuha lang ako ng tissue." Aalis na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko at masuyong ngumiti sa akin.


"Huwag na, okay lang.." Pigil niya sakin.

"Pero, nadumihan ang sapatos mo." Tinuro ko ang sapatos niya.


"Okay lang nicole.." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyun ng marahan. Dahan-dahan ko naman itong binawi dahil sa pag kailang na naramdaman.


"Sorry talaga.. Nasaktan ka ba?" Hinawakan niya ang baba ko at iniangat iyon para mag pantay ang aming tingin.



"Okay lang, handa naman akong masaktan basta para sa'yo." Naguguluhan akong tumingin sa kanya dahil hindi alam kung nag jojoke lang ba siya o ano.



"I'm always here for you Nicole... Always, 2 years kitang tinignan sa malayo at ngayon na nag karoon na ako nang lakas ng loob na lapitan ka, hindi ko na ito sasayangin pa, ipapakita ko sa'yo at ipaparamdam kung gaano kita kamahal. Nasabi ko naman na sa'yo na gusto kita at handa akong mag hintay kung kailan ka pwede, basta hayaan mo lang ako. Let me Nicole, Let me court you and prove to you how much i love you." Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat, oo alam ko na may feelings siya para sakin dahil sinabi niya na ito at balak niya akong ligawan pero yung dalawang taon? Paanong nangyari yun?



"P-paano? I mean... 2 years?" Naguguluhang tanong.


"Yeah! 2 years na kitang minamahal mula sa malayo." Nahihiya niyang saad. "Hindi mo lang ako napapansin, pero ako lagi kitang nakikita." At ngumiti siya. "Natatandaan mo? I was a guy who help you ng muntik ka ng tamaan ng bola sa mukha?" Napaisip ako at biglang may nag pop-up sa isip. Oh! Siya yun? Pero...



"Ikaw yung sumalo ng bola na dapat tatama sa akin?" Gulat na tanong sa kanya. Ngumiti siya sakin habang tumatango, Ohmy! Napahawak ako sa bibig dahil sa gulat.


"That time, nahulog na ako sa'yo nicole.. Sa mga mata mo kung paano ka mag alala sa akin ng tumama ang bola sa mukha ko. Pero wala akong lakas ng loob na tanungin manlang ang pangalan mo kaya pinag tanong ko at hindi naman ako nahirapan dahil maraming nakakakila sayo dito sa campus." Napakamot siya sa noo. "Lalapitan na sana kita nun kaso akala ko you and Nikko are together pero alam mo? hindi ako nawalan ng pag-asa at yun nga nalaman ko na mag kaibigan lang pala kayo." Hinapit niya ako sa baywang na nag palakas ng tibok ng puso ko.


"Nicole, I love you.." akala ko ay tapos na pero hindi pa pala.

"C-Clyde..."


"It's okay nicole, sabi ko nga sa'yo kanina handa akong mag hintay." Dahan-dahan akong tumango at nag paalam na gagamit lang ng comport room, dahil hindi ko na kayang tapatan ang mga tingin na binibigay niya sakin. Pinilit niya pa akong samahan pero hindi na ako pumayag, Kailangan kong huminga at sasabog na ang puso ko.

Napahawak ako sa dibdib at napasandal sa pader, mahal ako ni Clyde? Pero...


"Ashely!" Napatalon ako sa gulat at nanlaki ang mga mata ng makita si nikko.


Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon