Chapter 3

19 4 0
                                    

Bumangon ako sa kama na medyo masama pa din ang pakiramdam, buti nalang at sabado ngayon at walang akong pasok. Nagulat ako sa malakas na pag tunog ng cellphone ko na nakapatong sa side table kaya mabilis ko iyong kinuha.

"Hello.."

"Ashley!" Oh! Nailayo ko ang cellphone sa tenga at tinignan ang screen. Si nikko nga!

"N-napatawag ka?" Tanong ko sa kanya, bumalik ako sa kama at umupo.

"May gagawin ka ba ngayon?" Nag aalangan niyang tanong.

"Wala naman, bakit?"

"Masama parin ba ang pakiramdam mo?" Mabilis akong umiling kahit hindi niya iyon nakikita.

"Okay nako nikko." Narinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Ash, favor naman Kailangan ko kasing puntahan si Sam, si Eunice humahabol sakin." Napalabi ako sa narinig at tuluyan ng bumusangot.

"Ash..." Umiling ako at napairap.

"Okay, pupunta na'ko. Mag papalit lang ako ng damit." Pinatay ko ang tawag at ika-ikang bumangon sa kama, nag palit ako ng jogging pants at white t-shirt pag katapos ay bumaba ako sa sala para mag paalam kay mommy.

"Huwag kang mag papagabi anak, kung mag papagabi ka man ay mag pahatid ka kay nikko." Tumango ako at humalik sa pisngi niya.

Nag lakad nalang ako papunta kila nikko dahil sa kabilang kanto lang naman ang sa kanila, Nang makarating ako pinindot ko ang doorbell at nag hintay na pag buksan ako.

"Si nikko po?" Tanong ko kay manang nang pag buksan niya ako.

"Nasa garden sila hija." Tumango ako at nag punta sa garden ng bahay nila, naabutan kong umiiyak si Eunice.

"N-no kuya.. S-sasama 'ko.." Hilam na hilam ang mga mata niya sa luha kaya lumapit ako sa kanila at marahan na hinaplos ang buhok nito.

"Baby, Why are you crying?" Malambing kong tanong. Nag angat siya ng tingin at mabilis na yumakap sa akin.

"I hate kuya." Tumingin ako kay nikko na ngayon ay umiiling.

"Don't baby, May kailangan lang talaga puntahan ang kuya mo at bawal ang bata dun." Huminto siya sa pag iyak at tumingala sa akin.

"Si mom at dad wala din po dito." Umiyak nanaman siya kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha niya.

"Ate Ashley is here. Stop crying okay? Uhm, Gusto mo ba na mag laro tayo ng mga new dolls mo?" Nakita ko ang pag kislap ng mga mata niya.

"But you need to change your clothes." Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi na ikinatawa ko at tuwang tuwang tumakbo sa yaya niya para mag palit ng damit.

"Thank you Ashley.."

Tumango ako. "Sige na umalis kana, ako na munang bahala kay Eunice." Ginulo niya ang buhok ko kaya napangiti ako.

"Mag ingat ka.." Paalala ko sa kanya.

"Yeah, I will. Bye!" Tumalikod na siya at pinagmasdan ko lang ang likod niya hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Huminga ako ng malalim at pinuntahan si eunice sa kwarto nito.

"Where's Nice?" Tanong ko sa katulong nila na palabas ng kwarto.

"Nasa loob Ma'am, hinihintay po kayo." Ngumiti siya sa'kin at nag paalam. Pumasok ako sa loob at naabutan siyang nakaharap sa salamin na nag susuklay ng mahaba at kulay brown niyang buhok.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon