Pinikit ko ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin, nandito ako ngayon sa Cebu, mag iisang linggo nadin nang mag punta ako dito para dalawin sila ate. Sa nakikita ko naman kay ate mabuti na ang lagay niya, medyo nag bago nga lang siya dahil ang dating palabiro na kagaya niya naging seryosong tao, pero nag papasalamat padin ako dahil okay na siya.
Nag lakad ako sa buhanginan at tinanaw ang malawak na dagat, kaya siguro mas ginusto ni ate dito dahil sa ganda ng lugar. Bumuntong hininga ako, kaaalis lang ni Nikko dahil katulad ko dinalaw niya si ate, pinagmasdan ko ang asul na dagat at natanaw ko ang papalubog na araw.
"You're here!" Lumingon ako at nakita si ate, napangiti ako. "Where's Nikko?" Tanong niya sakin.
"Kaaalis lang, hindi na nakapag paalam sa'yo dahil nag papahinga ka kanina." Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag tango niya. Ngumiti ako ng malungkot.
"How are you ate?" Malumanay kong tanong. Hindi siya kumibo at nanatili lang na tahimik. "Uuwi na'ko bukas, but don't worry mommy is coming here tonight." Dagdag ko sa sinabi, hindi siya kumibo at nakita ko ang dumaang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa mapayapang dagat.
"You're still craving for your child, don't you?" Kunot noo siyang tumingin sakin, pero pamaya-maya lang nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya.
"Ate.." Hinawakan ko siya sa braso. "Hindi nalang ito tungkol sa anak mo diba?" Tumingin ako sa mga mata niya na mabilis niyang iniwas.
"I.. I'll go ahead, gusto ko ng mag pahinga." Hinawi niya ang kamay ko at tumalikod sakin.
"Ate.." Hinabol ko siya at pilit hinawakan sa braso, pero laking gulat ko ng makita ang mga mata niyang puno ng luha. Parang piniga ang puso ko.
"Gusto ko ng bumalik sa dating ako, pero pano? Tuwing susubukan ko lagi lang ako bumabalik to blame my self, again and again. Pakiramdam ko wala na akong karapatang sumaya." Tumingin siya sakin. "S-Sobrang hirap kalimutan nang pag kawala ng anak ko, dahil ng mawala siya nawala nadin ang lalaking minahal ko." Pinalis niya ang mga luha sa mga mata.
"Pagod na pagod nako, minsan iniisip ko na bakit hindi nalang ako ang namatay bakit yung anak ko pa? Siya nalang ang meron ako." Tinakpan niya ang mukha gamit ang mga kamay.
"Kase, i know na hindi niya ko mahal, na pag kakamali lang ang nangyari samin ng gabing yun. But i love him, i love him so much na handa akong gawin lahat para sa kanya, but he love someone else. That's why, I.. I commit suicide to end my life." Hindi ako nakakibo dahil sa lahat ng nalaman ko, mas lalo akong naawa para kay ate. Kinagat ko ang ibabang labi at mabilis na yumakap sa kanya.
"But... But.. I killed my child too." Nang hihina siyang kumapit sa mga braso ko. "I killed my child---No! Ate, Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan." Umiling siya at mas lalong umiyak. Akala ko maayos na siya, na nakalimutan na niya ang mga nangyari, pero hindi pa pala. Dahil tumanim na iyon sa puso niya at nag marka na.
"Ate, listen.. It's not your fault, okay? Walang may gustong mangyari nang lahat ng ito. Please ate.. Stop blaming your self." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Alam ko naman kasi na hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat, lalo na kung may sugat na sa puso mo, pero naniniwala ako na mag hihilom din iyon sa tulong ng Diyos.
"Ate, Ilabas mo lang lahat ng nag papabigat sa dibdib mo. I'm here to listen, I'm here ate." Pumikit ako at masaganang tumulo ang mga luha. "Hayaan mo lang na tuluyan kanang makawala sa sakit. Huwag mo pigilan ang sarili mo, huwag mong itali ang puso mo sa kasalanan na hindi mo naman ginusto. Ate, Mag tiwala kalang. Nandyan ang Diyos ate, Nandito kami nila mommy, hindi ka nag-iisa ate." Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya.
Siguro nga ito ang kailangan niya, dahil simula ng lumabas siya sa hospital nanatili lang siyang tahimik at pinapakitang okay lang ang lahat. Akala namin okay na, yun pala hindi pa, dahil kahit gaano mo kalimutan ang lahat, kung ayaw mong bitawan ang isang bagay hindi iyon mawawala. Lalo ka lang kakainin ng sakit habang tumatagal.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomanceSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...