Chapter 1

76 6 0
                                    

Attention!
Hi guys! Sorry po sa nga gramatical errors na mababasa niyo sa kwentong ito, pwede niyo po itong itama via comment. Pangalawang story ko na po ito, sana po magustuhan niyo, basahin niyo din po yung nauna kong story ang title po ay "The day she left." Thank you and God bless! :) Vote and Comment sobrang nakakataba ng puso :)

Ashley Nicole C. Perez

Nandito ako ngayon sa paborito naming tambayan ni nikko, nakaupo ako sa ilalim ng puno at tanaw na tanaw ang iba't-ibang uri ng bulaklak. Ang ganda! Sobrang gaganda talaga nilang pag masdan.

Pag stress ako dito lang ako pumupunta at medyo gumagaan ang pakiramdam ko. Umihip ang malakas na hangin kaya napatingin ako sa langit medyo nakapundo pero baka hindi naman uulan. Dito na muna ako wala naman akong gagawin sa bahay at isa pa wala din naman akong kasama doon. kinuha ko ang gitara na nilapag kanina at nag simulang mag strum.

My morning starts to shine
With teardrops in my eyes
And here I am alone
Starting to realize
That my days would be brighter

"Ashley!"

Napahinto ako sa pag kanta at nag angat ng tingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ashley, everyone call me in my second name. Nag smile ako. "Akala ko may pupuntahan ka?" Tanong sa kanya.

"Na cancel eh!" Umupo siya sa tabi ko kaya tinignan ko naman siya, sa totoo lang ang gwapo niya at lahat na siguro ng katangian sa lalaki ay nasa kanya, mabait, sweet at maalaga kaya siguro yung mga babae ay patay na patay sa kanya.

Am i lucky? Because he is my best friend? Hindi ko din alam sanay naman nako na palagi nilang sinasabi sakin na ang swerte ko kasi super close kami pero laging tawa lang ang isinasagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba dapat ang maging response ko sa mga sinasabi nila.

pero minsan sumasagi nalang sa isip ko na diba dapat kay sam sila mainggit dahil mahal siya ni nikko at hindi sakin, dahil una sa lahat best friend lang naman niya ako, at isa pa halos sabay na kaming lumaki. Tsk! Bakit ko ba iniisip yun.

"Uulan na yata." Tumingin ako sa langit at kay nikko na mukhang tulog na. Ibang klase talaga tong lalaking to, Kahit saan nalang. "Hoy, Nikko!" Di siya sumagot kaya tinapik ko siya, mahirap na baka maabutan kami ng ulan.

"Ui, Nikko.." Aba! Kita mo nga naman tong lalaki na to. Napaka galing! Natulog na nga yata. "Uwi na tayo, Uy!" Di pa rin siya sumagot kaya naman niyugyog ko siya.

"Why?" Isang mata lang ang dinilat niya at mukhang tamad na tamad.

"Uulan na nikko, ang dilim na ng langit baka mabasa pa tayo, sa inyo muna ituloy yang pag tulog mo." Dumilat siya at tumingala sa kalangitan, tumayo ako at pinagpag ang suot na shorts.

Tumayo nadin siya at nag aya. Kinuha niya sakin ang gitara at nag simula ng mag lakad. Napalabi ako at sumunod nalang sa kanya.

Mauunang madaan ang bahay nila, samantalang ang samin sa kabilang kanto pa, huminto ako dahil nasa tapat na kami ng bahay nila.

"Akin na yan." turo ko sa gitara na nakasabit sa balikat niya.

"Why?" Tinatamad niyang tanong.

"Anong why ka dyan, eh nandito na tayo sa inyo." Humalukipkip ako.

"And?" Inirapan ko siya.

"Malamang ho, Uuwi nako kaya akin na yan." Inilahad ko ang kamay ko, pero hindi niya iyon pinansin.

"Ihahatid na kita!" Natawa ako. Kita mo tong lalaki na to para namang sobrang layo ng samin.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon