Chapter 13

37 4 0
                                    

Nakangiti akong nag lalakad papalapit sa lalaking nag hihintay sa akin sa dulo ng garden, napangiti ako ng makita ang mga taong mahalaga sa buhay ko na nandito ngayon sa araw ng kasal ko. Hindi ko inakala na mararamdaman ko ang ganitong klaseng saya, sobrang sarap sa pakiramdam.

Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na ikakasal ako sa lalaking pinapangarap ko lang. Nikko is my best friend and also my companion in everything, and i know being with him for the rest of my life is the best decision i made, even if our feelings is not mutual hindi ako mawawalan ng pag-asa na baka bukas mahalin din niya ako gaya ng pag mamahal ko sa kanya.

Lahat naman ng bagay kailangan nating subukan, kailangan nating sumugal para makamit natin ang gusto ng puso natin. And i hope that the battle i choose is right.

---

Pagod akong umupo sa couch, at sinandal ang ulo. Katatapos ko lang mag linis ng buong bahay kaya umupo muna ako para mag pahinga, pinag masdan ko ang wedding picture namin at malungkot na ngumiti, i know nikko is not happy, i feel it. Sa isang linggo naming bilang mag asawa alam ko na madaming nag bago sa pagitan naming dalawa and i'm ready to face the consequences.

Nang makapag pahinga, naisipan kong nang mag luto dahil pamaya-maya lang din uuwi na si Nikko galing sa trabaho, tumayo ako pero agad ding napatigil ng makaramdam ng kirot sa bandang tiyan. Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa matinding pag hilab, huminga ako at bumuga ng hangin, pinakalma ang sarili at marahan na hinaplos ang tiyan.

"Baby please, behave kalang dyan." Tinaas ko ang mga paa at hinimas ang tiyan hanggang sa unti-unting nawala ang pag kirot.

"Ouch!" Nailayo ko ang sandok sa bibig ng mapaso ang dila, hinalo ko ang niluluto at hinintay na lumambot ang baboy. Gusto ni nikko na kumuha kami ng kasambahay, pero ayoko dahil sa ganitong paraan ko nalang siya masusuklian at isa pa sobrang nakakainip dito sa bahay, kung wala akong gagawin lalo na at hindi nadin muna ako pinapapasok ni Nikko sa flower shop simula ng ikasal kami. Kay denise ko nalang muna iniwan ang lahat at kapag may mga kailangan akong pirmahan ay siya ang pumupunta dito sa tinutuluyan namin ni nikko.

"Ashley." Pinatay ko ang kalan at lumingon kay nikko na nasa bukana ng kusina.

"Hi." Bati ko sa kanya, lumapit ako at hinaplos ang pisngi niya. "You look tired." Niluwagan ko ang pag kakakabit ng tie niya. "Tamang tama ang dating mo katatapos ko lang mag luto, mag palit kana muna sa taas habang hinahanda ko ang hapunan natin."

"Thank you!" Yun lang ang sinabi niya bago umalis, napangiti ako at inayos na ang lamesa.

---

Nagising ako ng makaramdam ng gutom, tumagilid ako at nakita si nikko na mahimbing ang tulog, hinaplos ko ang pisngi niya at marahan siyang hinalikan sa labi bago tumayo at mag hanap ng pwedeng kainin.

Lumapit ako sa ref, binuksan ko iyon at nakakita ng chocolate cake. Nag slice ako at umupo para kainin iyon. Pag may gusto akong kainin hindi ko na sinasabi kay nikko, ayoko kasing pati ako maging dagdag pabigat sa kanya. Nilabas ko ang pitsel ng juice at nag salin sa baso, nang makuntento nilagay ko sa lababo ang pinag kainan at bumalik sa kwarto para matulog.

Naabutan ko si Nikko na nakaupo sa kama "Saan ka galing?" Tanong niya.

"Sa baba, nagutom ako kaya nag hanap ako ng pwedeng kainin." Nahihiya kong sabi na tinanguan niya lang.

"Let's go back to sleep." Umayos siya ng pag kakaupo at nahiga, Lumapit naman ako at naupo sa kama.

"Nikko.."

"Hmn?"

"Are you happy?" Matagal bago siya sumagot and i know his not happy.

"Of course I Am." I shook my head and smile sadly.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon