Chapter 16

15 4 0
                                    

Maaga akong nagising at medyo kumikirot ang sentido, epekto siguro ng sobrang pag-iyak, medyo nagiging emosyonal nadin kasi ako lately dahil siguro sa pag bubuntis ko.

"Good Morning baby, patawarin mo si mommy kung lagi akong malungkot at umiiyak. Huwag mo sanang isipin na hindi ako masaya na dumating ka sa buhay ko, dahil sobra-sobrang saya ang binibigay mo. Mahal na mahal ka ni mommy anak, hindi nako makapag hintay na lumabas ka at makasama." Hinimas ko ang aking tiyan at sakto namang pag bukas ng pinto.

"Nikko.." Ngumiti siya sakin bago isinara ang pinto. "Bakit nandito kapa? Diba may pasok ka?" Lumapit siya sakin at pati siya ay nakihawak sa aking tiyan.

"Kanina kapa ba gising? Nag luto ako sa baba ng mga paborito mong pag kain." Umupo siya sa gilid at hinagkan ako sa labi.

"Kagigising ko lang, hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Nag leave muna ako." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Okay lang kay daddy?" Nag aalalang tanong.

"Yap, wala namang magagawa si daddy at isa pa namimiss na kita, alam mo naman nitong mga nakaraang araw lagi akong late umuwi at pagod, medyo marami kasing trabaho sa opisina at sa site ngayon." Napangiti ako pero agad ding napawi ng maalala si Sam.

"Hindi ba dapat ngayon mo mas tulungan si daddy." Yumuko siya at tinapat ang taynga sa aking tiyan.

"Baby, tignan mo si mommy oh, parang ayaw akong makasama." Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Parang hindi niya ko namimiss, samantalang ako sobrang miss ko na siya." Hinaplos ko ang buhok niya at tuluyan ng natawa.

"Para kang bata Nikko." Bumusangot siya at sobrang cute niya dahil sa ginawa niya. Pinahiga ko siya sa mga hita ko at patuloy na hinaplos ang kanyang buhok.

"Ash..." Tawag niya sakin.

"Hmn?"

"Thank you! Sobrang thank you, dahil hindi mo ako sinukuan." Nabigla ako sa sinabi niya at napangiti dahil doon.

"Hindi ko magagawang sukuan ka Nikko, dahil kung gagawin ko yun parang sinukuan ko nadin ang pag mamahal ko sayo." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya para halikan. Kahit gaano kasakit hinding hindi kita susukuan dahil mahal kita, mahal na mahal.

Kumain kami ni Nikko ng almusal at nag movie marathon kami, nag pa deliver siya ng pizza and pasta at sobrang dami kong nakain. Nang matapos kaming manuod ay hinayaan niya muna akong mag shower. Palabas na ako ng marinig ko na may kausap siya sa cellphone, bumalik ako sa loob ng shower room at hinayaang nakaawang ng kaonti ang pinto.

"Please, stop! You know i can't, she's pregnant." Tumahimik sa loob kaya dahan- dahan akong sumilip at nakita ang problemado niyang mukha. "What? Are you out of your mind? Okay! Okay! Don't hang up, I'll be there." Huminga ako ng malalim at pilit pinatatag ang sarili bago lumabas.

Tulala ako kay Nikko na mabilis nag papalit ng damit. Napansin niya yata ako kaya tumigil siya sa ginagawa, pilit akong ngumiti kahit parang may nakabara sa aking lalamunan.

"W-Work?" Tanong ko at mabilis na tumalikod dahil sa pangingilid ng mga luha. Naramdaman ko ang mga bisig niya sa aking baywang, pumikit ako at tuluyan ng tumulo ang mga luha.

"I'm sorry.." kinagat ko ang ibabang labi para hindi tuluyang mapahikbi. "Kailangan kong umalis, pero pangako babalik din ako agad. Sabay tayong mag didinner ha?" Hinalikan niya ang kanang balikat ko at tuluyan ng bumitaw, agad ko naman pinunasan ang pisngi ko at nakangiting humarap sa kanya.

"T-take care.." Lumunok ako dahil sa pag garalgal ng boses. Shit, ashley! Don't tell me iiyak ka sa harapan niya?

"Are you mad?" Mabilis akong umiling at pilit na tumawa para hindi niya mahalata ang pangingilid ng mga luha.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon