"Come on nicole, just this one please." Napairap ako dahil sa kakulitan niya. Actually kahapon pa niya ako pinipilit pero hindi ako pumapayag kaya hanggang ngayon ay nangungulit parin siya.
"Pag iisipan ko, sasamahan nalang kita sa mall." Tumayo ako sa pag kakahiga.
"Okay, susunduin kita. Gumayak kana." Umoo nalang ako kay eliz at binaba ang tawag, gumayak ako at mabilis ding natapos sakto namang pag dating niya, hindi na siya bumaba ng sasakyan dahil wala naman sila mommy.
"Hi.." Napangiti ako at sinuot ang seatbelt.
"Hindi mo yata kasama ang body guard mo? Ano nga palang pangalan nun? Ang gwapo nun hano?" Nakita ko ang pag irap niya kaya natawa ako. Binigyan si eliz ng personal body guard ni tito dahil kailangan nila ng proteksyon lalo na ngayon at dumadami ang nag papadala ng death threats sa pamilya nila, tumatakbo kasing senator si tito.
"Swerte siguro ng girlfriend nun." Hindi siya umimik kaya nag patuloy ako. "Tingin mo mga ilan taon na siya? Parang ang bata niya pa kasi, tingin ko nga ay kaedad lang natin siya." Sumulyap ako kay eliz at naghintay ng sagot. "Eliz.." Tinapik ko siya sa braso.
"Huh? I don't know.. hindi ko naitatanong sa kanya ang mga personal na bagay." Tumango ako.
"Sabagay... pero sobrang curious talaga ko sa body guard mo e. What if kasing edad lang natin siya o kaya mas matanda lang satin ng taon. Sobrang ideal niya kasi." Ngumiti ako at nakita ang pag nguso niya. Nanlaki ang mga mata ko ng may ma realize."Eliz, don't tell me may gusto ka sa kanya.." kinakabahang tanong, pero nagulat nang muntik ng humalik ang nguso ko sa dashboard ng sasakyan dahil sa biglaang pag preno niya, buti nalang at naka seatbelt ako.
"Eliz, what the!" Inayos ko ang pag upo at humarap sa kanya.
"I'm sorry.." Tumingin siya sa'kin pero agad ding nag iwas ng tingin.
"You know what? I don't get him. His super snob, tapos lagi nalang siyang galit sa'kin. You know what i mean, oh! Never mind." Natulala ako sa mga sinabi niya.
"Eliz.." Umiling ako. "Alam mong-- I know.." Putol niya sa sasabihin ko. "Alam ko na hindi kami pwede, alam ko yun." Ngumiti siya sakin. "Don't worry, hindi ako gagawa ng bagay na pag sisisihan ko " Tumango ako at hindi na nag salita.
Nakarating kami sa mall at hindi na namin ulit iyon pinag usapan dahil baka masira lang ang araw niya. Kung saan saan kaming pumasok na boutique, at napilit niya akong umattend sa valentine's ball, wala naman na akong nagawa dahil siya na ang pumili ng susuotin ko, nang natapos kami inaya ko siyang kumain dahil gutom na ako at ang sakit na ng mga paa ko.
"Nakakapagod.." Sumandal ako sa upuan at tumingin sa menu.
"Super, ang sakit ng mga paa ko." Pag rereklamo ni eliz. Tinawag niya ang waiter para umorder at tahimik kaming kumain.
Nag ring ang cellphone niya at agad niya iyong kinuha. "Daddy.." Tumingin ako sa kanya at nakita ang pag babago ng mukha. "I know, uuwi nadin ako, yes si nicole ang kasama. Yeah, i will.. bye.." Binaba niya ang hawak na cellphone at bumuntong hininga.
"Si daddy.. pinauuwi nako, may pupuntahan daw kaming dinner." Tumango ako at inaya na siya para lumabas.
"Ihahatid na muna kita bago ako umuwi." Umiling ako sa kanya at ngumiti.
"Huwag na eliz, hassle pa sa'yo at isa pa hinihintay ka na ni tito. Mag papasundo nalang ako." Tumango siya at humalik sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomantizmSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...