Pumikit ako at tumagilid ng higa, anong oras na pero hindi parin ako makatulog sa kakaisip sa nakita ko kanina, alam na kaya ni Nikko na nasa pilipinas na si Sam? Humarap ako sa gawi niya at tinitigan ang maamo niyang mukha. Ngayong nag sisimula palang siya na buksan ang puso niya para sa akin bakit bigla ka namang bumalik? Natatakot ako na baka pag nakita niya si Sam ay mawala lahat ng meron ako, i feel so hopeless to think that my thoughts are going to happen.
Mabilis akong pumikit ng makitang gumalaw siya, naramdaman ko ang braso niya na dumantay sa aking bewang. Paano pa kita pakakawalan kung hulog na hulog na ako sa'yo, noon pa man alam na ng puso ko kung para kanino ito. Hindi ko na namalayan kung paano ako nakatulog kagabi at pag gising ko wala na si Nikko sa tabi ko.
Bumangon ako para dumeretso sa cr, ginawa ko ang morning routine ko at ng matapos ay bumaba na ako sa sala para pumunta ng kusina. Naabutan ko si manang na busy sa kanyang ginagawa.
"Gising kana pala, kumain kana at anong oras na. Bilin pa naman ng asawa mo na kailangang kumain ka sa tamang oras." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Maaga po bang umalis si Nikko?" Humila ako ng upuan at naupo.
"Oo anak, tumawag yata ang daddy niya kaya nag mamadaling umalis." Inabot niya sa akin ang gatas na ginawa niya.
"Salamat po." Ngumiti siya sakin at tumalikod na para balikan ang ginagawa.
Nang matapos akong kumain ay nag pahangin ako sa labas at ng makaramdam ng init ay pumasok nadin ako para mag pahinga, nadaanan ko ang kwarto na nilaan namin sa magiging anak namin at naisipang pumasok. Natapos ako sa ginagawa at tumingin sa orasan mag aala-una na pala, nilagay ko ang huling laruan sa cabinet at napangiti, hindi na talaga ako makapag hintay na maisilang ka anak. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot.
"Hello.."
"Nicole.." Pabulong niyang sabi.
"Eliz bakit? May problema ba?" Nag aalalang tanong sa kanya.
"Asan ka?" Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya kinabahan ako.
"Nasa bahay, may problema ba?" Narinig ko ang malalim niyang pag hinga.
"I think i saw your husband." Kumalabog ang dibdib ko.
"Saan? Asan ka eliz?" Kinakabahang tanong.
"Nandito ako sa isang sikat na romantic restaura-"
"What?" Putol ko sa mga sinasabi niya. "Pupunta ko dyan, huwag kang aalis." Mabilis kong binaba ang tawag at nag text sa kanya na ipadala sa akin ang address kung nasaan siya.
Nag mamadali akong bumaba ng hagdan at nakita agad si manang na huminto sa ginagawa.
"Aalis po muna ako, tumawag po si mommy na nasa mall sila." Nag iwas ako ng tingin dahil sa ginawang pag sisinungaling.
"Osige, mag iingat ka."
"Salamat po." Nag lakad na ako palabas at nag abang ng taxi, pinara ko ang dumaan at nag pahatid sa sinabi ni Eliz na lugar.
Nakita ko agad siyang nag aabang sa akin sa labas. Lumapit ako sa kanya kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Sinabi niya sa akin na wag ng pumunta at baka daw client lang iyon pero nag pumilit parin ako dahil bakit sa romantic restaurant pa talaga? Ang dami daming restaurant na pwedeng puntahan bakit dito pa? At isa pa sobrang lakas ng kutob ko at hindi ako patatahimikin nito.
"Where is he?" Tanong ko kay Eliz.
"Nasa loob sila, sa gawing dulo. Gagamit ako ng restroom kaya nadaanan ko ang medyo dulong bahagi ng restaurant at doon ko sila nakita." Tumingin ako sa loob at may nahagip ang mga mata ko na pamilyar sa akin, mabilis kong hinila si eliz sa isang sasakyan para mag tago.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomanceSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...