"Thank you Clyde, Your so gentleman." Maarteng sabi ni Eliz at palihim akong siniko.
"May iba pa ba kayong gusto?" Sabay kaming umiling ni Eliz. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school at sabay-sabay kaming tatlo na nag lulunch.
"Wala na Clyde, maupo kana at kumain na tayo." Humila ng bangko si clyde para maupo, sumulyap ako kay eliz na ngiting-ngiti.
"You courting my cousin, Right?" Uminom ako at sumulyap kay clyde, nag punas ito ng labi at ngumiti.
"Yes, don't worry, seryoso ako para sa kanya. Matagal ko na siyang gusto." Napa oh si eliz at gusto ko nalang matawa sa itsura niya, Pero sa loob-loob ay natutuwa dahil sa mga sinasabi niya, siguro nga ay hindi pa sa ngayon pero darating din naman siguro sa point na mag kakagusto ako sa kanya dahil mabait naman siyang tao.
"Sweet naman, alam mo sana makahanap din ako ng katulad mo." Napatingin ako kay eliz na pinag lalaruan nalang ang pag kain sa plato.
"Dadating din ang para sa'yo. Hayaan mo na sila ang humanap sayo, malay mo nasa paligid lang pala." Nag angat siya ng tingin dahil sa sinabi ko.
"Right?" Umiling siya at nag aya ng bumalik sa classroom dahil tapos naman na kaming kumain, hinatid pa kami ni clyde at umalis nadin agad dahil may klase pa siya.
"Alam mo, gusto ko yung lalaking yun"
"Edi sagutin mo--Aww! Aray ko naman!" Pinalo ko ang kamay niya na bumatok sa akin.
"Kainis ka. Ibig kong sabihin, gusto ko siya para sa'yo. Why don't give him a chance."
"I let him, pero-"
"You're in love with someone else, and that someone is Nikko." Nanlaki ang mga mata ko.
"Paano?" Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Halata ko cous, sa klase ng pag titig mo sa kanya, alam kong mahal mo siya, dahil ganun din ako kay Ethan." Malungkot siyang tumingin sakin.
"Hanggang maaga, pigilan mo na, dahil lalo ka lang masasaktan pag ipinag patuloy mo yan." Malungkot akong ngumiti at sumandal sa upuan.
"Sinusubukan ko naman, pero habang tumatagal na nakakasama ko siya, Lalo akong nahuhulog. Alam kong mali, alam kong hindi tama. Pero paano? Paano ko pipigilan ang puso ko?" Pumikit ako dahil ayokong makita ni Eliz ang sakit at lungkot sa mga mata ko.
"Kaya nga nandyan si Clyde diba? Ituon mo sa kanya ang atensyon mo at hanggang maaari pag mag kasama kayo huwag na huwag mong iisipin si Nikko." Yumakap ako sa kanya.
"Salamat, minsan pala matino ka ding kausap." Narinig ko ang pag tawa niya at mas lalo akong yinakap ng mahigpit.
Dumaan ang dalawang subject namin at pareho na kaming inip na inip ni Eliz, Inaya ko siyang mag cr, pero tinatamad daw siya kaya ako nalang ang nag punta. Paliko na sana ako sa hallway kung saan papunta ang comfort room, pero napahinto ako sa pag lalakad ng makita ko si Nikko na papunta sa dereksyon ko. Shit! Tatalikod na sana ako at tatakbo para mag tago, pero nakita na niya ako.
"Ashley!" Napapikit ako at napahampas sa noo, huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.
"Uhm, Saan ka pupunta? wala kang klase?" Lumapit siya sa'kin at hindi ko alam kung bakit napaatras ako, siguro ay dahil nadin sa gulat at kaba.
"Actually, papunta talaga ko sayo." Huh? Napatulala ako sa kanya at hindi alam ang gagawin.
"Wala kana bang klase?" Tanong niya sakin.
"May klase pako, hanggang ala-sais." Tinaasan ko siya ng kilay para hindi mahalatang kinakabahan ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Let me love You
RomanceSobrang hirap mag panggap na masaya ka para sa kanila. Masakit! Sobrang sakit! Pero hanggang kailan ako mag titiis at masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak at mag papakatanga? Hanggang kailan ako aasa na baka sakaling mahalin niya din ako? Pero baki...