Chapter 17

17 3 0
                                    

"Manang, okay na po ba yan?" Tumango siya sakin at ngumiti.

"Okay na ito hija." Inabot niya sa akin ang paper bag na may lamang mga ulam. Balak ko kasing sorpresahin si nikko, pinag luto ko siya at pinabalot kay manang habang gumagayak ako.

"Mauuna na po ako, baka sumabay napo ako kay nikko pauwi at dadaan po kami kila mommy mamaya." Kinuha ko ang pinatong na bag sa upuan.

"Sige hija, mag iingat ka." Tumango ako at nakangiting lumabas ng bahay. Nag abang ako ng taxi na masasakyan at hindi din naman nag tagal nang may dumaan, pinara ko iyon at nag pahatid sa sinabing lugar.

Inabot ko ang bayad at nag pasalamat bago bumaba, pinag masdan ko ang mataas na gusali at napangiti. Sigurado akong magugulat siya sa pag punta ko dito, ang sabi ko kasi sa kanya kanina ay mauuna na akong pumunta kila mommy pero hindi niya alam ay balak ko lang talaga siyang sorpresahin. Nag lakad ako papasok at sumalubong agad sa akin ang nakangiting guard.

"Magandang Tanghali po!" Yumuko siya tanda ng paggalang.

"Magandang Tanghali din po." Ngumiti ako sa kanya at nag tuloy na sa pag pasok ng elevator. May mga nakasakay akong employee at lahat sila ay magalang akong binati, Nang ako nalang ang natira sa loob ng elevator at tinutungo ang huling palapag, nakaramdam ako ng kaba at panlalamig ng mga kamay, hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro excited lang akong makita siya.

Nagulat pa ako ng tumunog ang elevator, huminga ako ng malalim bago lumabas at mag lakad patungo sa opisina ni Nikko. Nakita ko agad si jay na busy sa pag aayos sa mga papeles na nakatambak sa table niya.

"Hey!" Nagulat ko yata siya dahil nabitawan niya ang hawak na papel. "Oh! Sorry!" Ngumiti siya sabay tayo.

"Okay lang po, si sir Nikko po ba? Nasa loob po siya." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pasenya na ulit kung nagulat kita. Sige, thank you!" Nag lakad ako palapit sa pintuan ng opisina ni nikko at tinulak iyon, sumalubong agad sa akin ang lamig na nag mula sa aircorn, sumilip ako at hinanap ng mga mata kung nasaan si Nikko dahil wala siya sa table niya, tanging coat lang niya ang nandoon na nakapatong sa swivel chair, samantalang ang laptop niya ay naiwang nakabukas.

Kinagat ko ang ibabang labi at tuluyan ng pumasok, pero nahinto nang makarinig ng boses, boses iyon ng babae at hindi ako pwedeng mag kamali. Nakalimutan bang sabihin sa akin ni jay na may meeting si nikko? Siguro babalik nalang ako pag natapos na sila, ayoko namang abalahin si nikko dahil baka importante iyon. Ngumuso ako at nag lakad pabalik sa pinto pero napako ako sa kinatatayuan ng marinig ang boses ni Nikko.

"Sam! Stop!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at humigpit ang hawak sa paper bag na dala. Anong ginagawa niya dito?

"Please, taste it ako ang nag luto niyan." Huminga ako ng malalim at matapang na bumalik, wala talaga siyang balak na tigilan kami? Hanggang kailan niya ba ito gagawin? Naabutan ko silang nakaupo sa couch, nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila napapansin na nandito ako. Nakuyom ko ang mga palad ng haplusin ni Sam ang pisngi ni Nikko. What the hell!

"Nikko, hindi mo ba ako namimiss?" Napairap ako dahil sa narinig and I was about to say something pero natigil ako sa sunod niyang ginawa.

"Alam ko, mahal mo padin ako nikko at papatunayan ko yun." Nanlaki ang mga mata ko ng siilin niya ng halik si nikko pero wala manlang itong ginawa para umiwas.

"See?" Ngumiti si Sam kasabay nang pag tulo ng mga luha ko.

"Nikko, alam ko nasaktan kita pero hindi mo kailangang gawin to, hindi mo kailangang gamitin si nicole para lang saktan ako. Please, come back to me, promise hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan. I love you, nikko. You know na hanggang ngayon mahal na mahal kita at hindi nag bago yun. Come with me, come with me nikko." Nabitawan ko ang dalang paper bag dahil sa mga narinig at nakalikha iyon ng ingay.

Let me love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon