"When will you realize na nasasakal na sa'yo ang asawa mo?"
Alam ko 'yon. Mismong si Allen na ang nag sabi kagabi. Sa tuwing hindi niya ako kinakausap o tinitignan manlang ay nasasaktan ako ng sobra. We're married for almost two years. After he knowed what I've done, iniiwasan na niya ako.
"Ano bang dapat kong gawin Ellen? sa tuwing hindi siya umuuwi sa'kin pakiramdam ko sa ibang babae siya umuuwi."
She sigh. "Adi you're such a overthinker, kaano ano mo ba si Tinkerbell?"
"Ellen I'm serious."
She hugged me tight. "Hayaan mo nalang muna ang asawa mo."
Seriously? paano ko gagawin 'yon eh madalas hindi umuuwi sa'kin si Allen. Ako ang asawa niya dapat sa akin siya umuuwi.
After namin mag usap ni Ellen ay nagtungo kami sa mall para mag grocery. Naisip kona lulutuan ko nalang si Allen ng paborito niyang kaldereta for tonights dinner. Pagkatapos kong kuhain lahat ng mga kailangan ko ay dumiretso na ako sa counter para mag bayad.
Habang binabalot ng lalake ang mga pinamili ko ay nahagip ng tingin ko si Paul. Inabot na sakin ng lalake ang paper bag tsaka ako tumakbo papalapit kay paul na busy ngayon sa pagpili ng wine.
"Hi."
He smiled at me. "Oh Adi anong ginagawa mo dito?"
Inangat ko ang paper bag na dala ko. "Grocery."
"Oh I see."
"Si Allen kasama mo?"
He shook. "Nope, may meeting siya with Mr. Ramirez."
Kasama nanaman ba sa meeting nila yong anak ni Mr. Ramirez? bakit feeling ko parang may mali?
"Sa office ba ni Allen yong meeting?"
"Nope sa Blue sky Cafe."
Blue sky cafe, bago sa pandinig ko ang lugar na 'yon. Hindi pa ako kailan man nakapunta sa cafe na 'yon. Nag paalam na ako kay Paul na mauuna na dahil mag luluto pa ako. Pagkapasok ko ng sasakyan ay nadatnan kong pangiti ngiti si Ellen habang may kausap sa cellphone nito.
Inilabas ko rin ang cellphone ko para tawagan si Allen na umuwi mamaya ng maaga para sabay kaming mag dinner, ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Bigla akong nainis.
"Oh nandito kana pala." Bungad ni Ellen nakakababa lang ng cellphone.
"Sino kausap mo?"
"Secret."
I sigh. Tatlong beses kong sinubukan tawagan si Allen ngunit hindi niya talaga sinasagot.
Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko na parang may mali. Parang may nag udyok sakin na dapat kong puntahan ang asawa ko. Malalim na ang hininga ko habang nasa labas ang tingin.
Umayos ako ng upo at kinabit ang seatbelt ko.
"Ellen sa Blue Sky Cafe tayo."
Huminto ang sasakyan sa harap ng cafe na sinabi ni Paul kanina. Sinilip ko muna ang loob ng cafe mula dito sa loob ng sasakyan bago bumaba.
"Gusto mo bang samahan kita sa loob?" Ellen ask.
I shook. "No need, sisilipin ko lang naman si Allen babalik din ako kaagad.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Ellen at kaagad na akong pumasok sa loob ng cafe. Ito ang unang beses na makakaapak ako dito. Nakita kong maraming tao sa loob kaya inilibot ko ang mga tingin ko ng mahagip nito ang asawa kong masayang nakikipag usap kay Mr. Ramirez.
Umupo ako sa bakanteng upuan kong saan hindi ako mapapansin ng asawa ko. Dahil kapag nalaman niyang pinuntahan ko siya dito siguradong magagalit nanaman siya sakin at hindi uuwi.
Nakita kong tumabi ng upo si Sabrina sa asawa ko! kumuyom ang mga kamao ko ng bigla nitong isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Allen.
Dali dali akong tumayo at naglakad papunta sa direksyon nila habang nakakuyom ang mga kamao.
Nang makalapit ako ay malakas kong hinigit ang braso ni Sabrina dahilan upang mapa-aray siya.
"A-aray ko!"
"Excuse me lang ha, sino ka para isandal ang ulo mo sa balikat ng asawa ko?" Mataray kong tanong.
Nakita kong napatayo si Mr. Ramirez at syempre si Allen dahil sa ginawa ko.
"What are you talking about? I was just asking Allen."
"Asking? eh sinandal mo yong maliit mong ulo sa balikat ng asawa ko!" Sigaw ko.
Ramdam ko ang mahigpit na paghawak ni Allen sa braso ko. Masakit pero hindi ko dapat na ipakita na nasasaktan ako.
"Adi what are you doing here?" He ask.
"Anong ginagawa ko dito? edi binabantayan ka!"
Sabay kaming napatingin kay Mr. Ramirez ng umubo ito.
"I'm really sorry Mr. Ramirez, by the way this is Adriel my w-wife..."
Teka bakit parang nag aalinlangan siyang sabihin yong salitang wife? ganon naba talaga siya kagalit sakin na pati ang pagsabi manlang ng wife ay nauutal pa siya?
Mas lamang ang nararamdaman kong sakit ng damdamin kaysa sa sakit ng braso ko dahil sa mahigpit niyang kapit. Iniipit na niya ito na parang nanggigigil.
"I know." Tumingin ito sa'kin. "And Im sorry for that Mrs. Sandoval." Ngayon at tumingin naman ito sa kaniyang anak. "Sab explain to her."
"I'm sorry Mrs. Sandoval sa ginawa ko sa asawa mo. I was just asking him if okay sa kaniya na tulungan akong mag set ng surprise party. Gusto ko kasi na ganapin 'yon sa isang resort na pagmamay-ari ng kompanya niyo, ngunit tumanggi si Allen sa'kin dahil hindi daw available na mag accept ng guest ang resort na napili ko." She sigh. "And don't worry, I'm already engaged."
Inangat nito ang kaniyang kaliwang kamay upang ipakita ang kumikinang na engagement ring.
Habang nag sasalita ito ay umurong ang hiya na nararamdaman ko. Dahan dahan akong lumingon kay Allen at nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Sinubukan kong hawakan ang braso niya ngunit mabilis itong umiwas.
"Im sorry again Mr. Ramirez and Sab. We're going now." Ani Allen.
"Sure sure thank you again, well see you in the Firm my best boy."
Nagtawanan sila ni Mr. Ramirez habang nagkakamayan. Habang ako naman ay nanigas na sa kahihiyan. Bakit pa kasi ako pumunta dito? dapat hindi nalang ako nagpadala sa selos. Mas lalong nagalit sakin si Allen.
"So are you happy now?" Bulong nito.
"A-allen im sorry..."
"Nakakahiya ka."
Pagkasabi niya 'non ay kaagad na niya akong tinalikuran. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha ko. Sanay na ako sa mga masasakit na salita na sinasabi sakin ni Allen ngunit ang sabihin niyang kinakahiya niya ako, iyon ang pinakamasakit sa parte ko. Ikinakahiya niya ako bilang asawa niya.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...