Naalimpungatan ako dahil sa pagtapik ni Bevei sa braso ko.
"M-mama s-si ate g-gising....n-na sya"
I smiled at her ng makita ko kong gaano ito kasaya. Nilapitan ako nila mama at Faith.
"Oh thanks god you're awake!"
"A-anong nangyare?" I asked.
"Anong nangyare? you almost got raped! mabuti nalang at nakita ka ng mga security guard! what the hell bakit naglalakad kang mag isa ng alas onse ng gabe?"
Naalala ko ang nangyare kagabe. Kong gaano ako natakot na baka patayin ako ng mga tambay na 'yon. Nakahinga din naman ako ng maluwag ng hindi nila natuloy ang plano ng mga tambay na 'yon sakin.
"Huwag mo ng alalahanin 'yon anak, matulog ka at kailangan mong magpahinga."
Mahigpit kong niyakap si Mama at napahagulgol ng iyak. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang sitwasyong iyon na napapanuod ko lang sa mga television. Nakakatakot.
"Ma...muntik na akong magahasa." Iyak ko.
Hinaplos haplos ni mama ang likod ko. Sobrang saya ko dahil wala man ang tunay kong ina sa tabi ko ay nandito naman ang pangalawang ina kong handang damayan ako sa mga ganitong sitwasyon.
"Don't cry, and don't worry nakulong na ang mga taong balak manggahasa sana sayo."
"Kong bakit kasi hinayaan ka ng asawa mong umuwi ng gabe diba." Inis na sabi ni Faith.
Sabay na dumapo ang tingin namin ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Allen na bihis na bihis.
"Kong ganyan yong asawa ko ay hihiwalayan ko na talaga 'yan, dahil sobra sobra na. Kahit na wala ka namang ginagawang kasalanan ay parang pinaparusahan ka ng diyos."
Nakatingin lang ako sa galit na mga mata ni Allen. Nang titigan niya ako ay napayuko ako ng tingin. Hindi ko sinisisi si Allen sa nangyari. Hindi ko siya sinisisi kong iniwan niya ako kagabe. Hindi ko siya kailanman sisisihin.
"Walang puso!" Padabog na sabi ni Faith bago ito lumabas ng room ko.
Tinapik naman ni mama ang balikad ko. "Iiwan ko muna kayo, para makapag-usap kayo ng masinsinan." Tinitigan nito ang anak. "Allen bawal mag basag dito."
Nang makalabas na si mama ay dahan dahan kong inabot ang kamay ni Allen. Hindi siya umiwas kaya gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.
"Allen huwag kang mag alala hindi kita sinisisi." Panimula ko.
"Hindi mo talaga ako dapat sisihin dahil wala naman akong kasalanan. Sisihin mo 'yang sarili mo Adriel."
Namuo ang luha sa mga mata ko ngunit pinigilan ko iyon para hindi tuluyang bumagsak. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa kaniya? kapag tinitignan niya ako ay pakiramdam ko kinamumuhian ako ng asawa ko.
"Oo sige kasalanan ko na, huwag ka ng magalit sa'kin."
Tinitigan ko lang siya habang nag hihintay ng sagot. Makalipas lang ang ilang minuto ay wala parin ako nakuhang ni isang sagot. Binitawan ko ang kamay niya at itinuon ang mga paningin sa magandang tanawin sa labas.
Nakikita ko kong gaano kasaya ang mga puno sa pagsasayaw dahil sa hangin na hatid nito.
"Kailangan ko ng umalis."
"T-teka saan ka pupunta?"
"May meeting ako."
"Hindi mo ba ako babantayan?"
He sigh. "Okay ka naman na diba? nandito naman si mama hindi ka niya pababayaan."
Hindi manlang niya ako hinintay na sumagot at kaagad ng umalis. Pakiramdam ko may mali sa pagsasama namin. Pakiramdam ko may ibang taong dahilan kong bakit ganito na si Allen.
Inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa maliit na table. I dialed someone's number.
"Hello, are you available?"
"Of course."
"Sundan mo ang asawa ko, alamin mo lahat ng ginagawa niya at kong anong pinagkakaabalahan niya. Siguraduhin mong hindi niya malalaman na pinapasundan ko siya. Update me all the time, name your price."
Sinabi niya sa akin kong magkano. Kaya ko naman bayaran ang halagang iyon. Magbabayad ako kahit na gaano kalaki malaman ko lang kong anong pinaggagagawa ni Allen sa tuwing hindi siya umuuwi sa'kin.
Hindi ako mapakali ngayon dahil sa kaba na nararamdaman. Ang sabi ni Edrick ay ngayon niya isesend sa akin ang mga details na nakuha niya sa pagiimbestiga sa mga ginagawa ni Allen.
Si Edrick ay classmate ko 'nong college. Isa siyang secret agent kong kaya't madali lang sa kaniya ang trabahong ito. Malapit ko din siyang kaibigan kaya hindi niya ako matanggihan sa pabor ko.
Dalawang araw na simula 'nong makalabas ako ng hospital. Dalawang araw na rin ng hindi ko pa nakikita si Allen. Parang wala siyang asawa, hindi manlang niya inisip na may naghihintay sa kaniya.
Ni hindi ko nga alam kong saan siya tumutuloy. Gusto ko sanang tanungin si Paul ngunit ayokong madamay pa siya sa gulo namin ni Allen.
Nang mag ring ang phone ko ay kaagad ko itong sinagot.
"Na email ko na sa'yo Adi check mo nalang."
"Okay thank you Edrick."
Hindi na ako nakipag chikahan pa at pinutol na ang linya. Kaagad kong in-open ang laptop na nasa harap ko na at binuksan ang email na galing kay Edrick.
Binasa ko lahat ng nakalagay don. Sa Ravino El Condominium siya kasalukuyang nakatira (Room 107) may sinend din sakin si Edrick na mga cctv footage. Hindi naman nagdadala ng babae si Allen sa condo niya. Bukod 'don ay nabasa ko rin na puro business trip ang mga pinupuntahan ni Allen. Ngunit may isang nakaagaw ng attention ko.
Allen Sandoval announced to his business partners that he and his wife are already separated. I click the video and it was 2 days ago. 'Nong ma ospital ako. Kaya pala bihis na bihis siya dahil may interview siyang gaganapin.
Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko dahil sa nalaman. Bakit hindi ko alam? at bakit niya sinabi sa lahat na we're separated? ni hindi ko nga malaman ang dahilan kong bakit nilalayuan niya ako.
Ang sakit sakit na! gustuhin ko mang sumuko pero hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Hinawakan ko ang parte ng puso ko upang maibsan ang sakit ngunit mas lumala iyon ng muli akong makatanggap ng email mula kay Edrick.
He sent me a photo of Allen inside of flower shop picking the best bouquet. Lalo naging mas magulo ang utak ko. Hindi ko na alam kong anong uunahin ko. Hindi pa ako tapos sa isang problema tapos ngayon may bagong problema nanaman akong kailangan alamin.
Sino ang bibigyan niya ng bulaklak?
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...