Kabanata 04

1.9K 39 0
                                    

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila Allen. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko ng malaman kong makikita ko nanaman sila mama at Bevei. Halos tatlong buwan narin ng hindi ko sila nakikita. Sa sobrang dami kong problema kay Allen ay hindi ko sila nabibisita.

Sabay kaming bumaba ni Allen ng sasakyan. Nauna siyang pumasok sa loob habang ako naman ay nakatunganga lang dito sa labas ng bahay nila.

"Ma'am Adriel pasok na po kayo." Nakangiting sabi ni Manang Sesil.

Tumango ako at pumasok na sa loob. Napangiti ako ng sinalubonh ako ni mama ng mahigpit niyang yakap.

"Kamusta kana anak? Ilang buwan ka ding hindi nakadalaw dito, miss kana ni Bevei."

"Mabuti naman po mama, pasensya na kong hindi na ako nakakadalaw dito. Marami po kasi akong problema."

"Problema sa anak ko?"

Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya. Totoo naman ang sinabi mama. Malaki ang problema ko sa anak niya. Pero kahit kailan ay hindi nagalit si mama sa'kin dahil sa ginawa ko dati. Naiintindihan ko naman kong bakit ginagawa 'to ni Allen sa'kin.

Kasabay ng pag ngiti ko ay ang pagyakap ko ng mahigpit kay mama. Matapos kaming mag usap ay iginaya niya ako sa dining table.

At ganon nalang ang gulat ko ng makita ko si Faith na ngiting ngiti ngayon. Tumakbo siya papalapit sa akin. Umaalon pa ang natural na kulot niyang buhok na sumasabay sa pagtakbo niya.

"Oh my god Faith nandito kana?" Gulat kong tanong.

Si Faith ay kaibigan ko mula pa man. Pinsan siya ni Allen. Dahil gusto niyang endgame kami ay sa kaniya ko nakuha ang ideya na kailanman hindi matanggap ng asawa ko.

Malaking issue iyon ng malaman ng lahat. Ngunit nawala din agad. Iyon din ang dahilan ng pag alis ni Faith. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko 'non dahil kasalanan ko ang lahat.

"Gaga hindi ba obvious? nandito na nga ako o fresh na fresh!" Sabay kaming tumawa.

"O siya mamaya na kayo mag kwentuhan at kumain na tayo." Nakangiting sabi ni mama.

Nagsiupuan na kaming lahat. Sa tabi ako ni Allen umupo at kaharap ko naman ang kapatid niyang si Bevei. Ang kaharap naman ni Allen ay si mama at sa tabi ni Bevei umupo si Faith.

"Ahm mama si papa po?" I asked.

"Nasa labas pa siya tumawag kasi yong isa sa mga business partner niya, mabilis lang naman 'yon."

Tumango tango ako. Ngumiti ako kay Bevei na ngayon ay pinaglalaruan ang hawak niyang kutsara.

"Hello Bevei." Bati ko.

"H-hello p-po a-a-ate Adi, I m-miss...you p-po."

I smiled at her widely. Si Bevei ay isang special child. Mahal na mahal siya ng lahat lalong lalo na ang kuya Allen niya.

"I miss you too, pasenya na ha hindi kita nadalhan ng cake. Hindi ko kasi alam na dito pala kami pupunta." Malungkot kong sabi.

Nakita ko naman ang matamis niyang ngiti. "O-okay lang po y-yon ate..."

"Mabuti nga at tumupad si Allen sa usapan namin eh." Biglang sulpot ni Faith. "Alam mo ba halos sampong beses ko siyang tinawagan para ma convince ko siyang sunduin ka?"

Ngayon ko lang naintindihan na sinundo ako ni Allen dahil utos ni Faith. Ang akala ko magiging okay na kami. Ang akala ko ay patatawarin na niya ako pagkatapos nito dahil nagawa niyang mag first move sa'kin. Ngunit akala ko lang pala ang lahat.

Bigla akong nawalan ng gana.

Alas onse na ng gabe ng mapagpasyahan naming umuwi. Naging masaya ang gabe ko dahil maraming ikwinento sa akin si Faith at marami din siyang pasalubong sa aming lahat.

"Mama, papa uuwi na po kami."

"Mag iingat kayo." Sabi ni papa sabay yakap. Niyakap ko rin si mama, si Faith at si Bevei.

Si Faith nalang ang nag abalang ihatid kami hanggang sa labas ng bahay. Dahil papatuligin na 'raw ni mama si Bevei. Mahina ang hakbang ko dahil rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga ni Allen.

"Hindi parin ba yan umuuwi sayo?" Taas kilay na tanong ni Faith.

I shook. "Hindi."

"Tss, anong klaseng asawa yan? kong ako sayo Adi maghahanap na ako ng iba. Yong makikita yong halaga ko, at syempre yong mahal ako."

Ngumisi nalang ako dahil alam kong binibiro lang naman ni Faith si Allen. Ngunit ng lingunin ko ang asawa ko ay matalim na itong nakatitig kay Faith.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? diba ayaw mo naman kay Adi? so marami akong kaibigan na foreigner na nag hahanap ng asawang pilipina, irereto ko si Adi."

"Can you please shut your mouth? you're such a talkative person, I hate it." Singhal ni Allen.

"Eh ano ngayon? kong ayaw mo kay Adi mag file ka ng annulment. Worth it si Adriel and he doesn't deserve you."

"Faith..." Suway ko.

Nakita ko sa mukha ni Allen ang galit dahil sa mga pinagsasasabi ni Faith. Ngayon ko lang nakitang magalit ng may rason si Allen. Kalmado pero galit.

"Adi yong boyfriend ko magaling na abogado, tawagan mo lang ako kong sakaling gusto mo mag file ng annulment para makawala kana sa lalakeng 'to."

Pagkasabi ni Faith ay pumasok na ito sa loob. Well, hindi na ako magtataka sa inaasta ni Faith dahil ganito naman talaga siya kahit 'noon pa. Kahit sariling niyang kadugo kaya niyang ibaba kong alam niyang nasa tama ang panig niya.

Hinaplos ko ang braso ni Allen ngunit nagulat ako ng itaboy niya ang kamay ko.

"Hindi ako uuwi."

Pagkasabi niya 'non ay kaagad na itong pumasok sa loob ng sasakyan niya at pinaharurot iyon ng mabilis.

Iniwan niya ako sa ganitong sitwasyon. Ganito naman palagi ang relasyon namin. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ellen ngunit nakapatay ang phone ng improkrita.

Wala akong choice kundi ang maglakad hanggang sa makalabas ako ng subdivision. Sana ay may masakyan pa ako.

Naninindig ang balahibo ko dahil sa lamig. Tancha ko ay uulan ngayon dahil kanina pa makulimlim. Binilisan ko ang lakad ko dahil baka maabutan ako ng ulan.

Nasa madilim akong parte ng daan ng may maramdaman akong sumusunod sakin. Gustuhin ko mang lumingon ay natatakot ako. Mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa maramdaman kong tumatakbo na pala ako.

Hindi ako nagkamali may sumusunod sakin. Papalabas na ako ng subdivision. Hihingi sana ako ng tulong sa guard ngunit walang tao kahit ni isa. Hindi na ako nag aksaya ng oras. Tumakbo ako ngunit napaatras din ako ng may humarang sa dinadaanan ko.

Nakakatakot ang ichura nito. Mukhang lasing at namumula ang mga mata. Natatakot ako, sobra akong natatakot. Ni walang ka tao tao, kahit na mga sasakyan ay wala.

"Hi miss..." Bulong ng isang lalake habang nakatingin sa akin ng diretso.

Umatras ako ngunit bumagsak ang likod ko sa dibdib ng isa pang lalake na may hawak na maliit na patalim. Hindi ko na mapigilan ang mga namumuong luha sa mga mata ko kong kaya't sabay sabay itong bumagsak.

"Ang bango mo naman.."

"Bibigay ka, kong gusto mo pang mabuhay."

"Lumayo kayo sakin! huwag nyokong hawakan!" Sigaw ko.

Iyak lang ako ng iyak. "Allen!" Sigaw ko.

Halos mabasag na ang boses ko sa kakasigaw ngunit wala paring may nakakarinig sa akin.

"Allen tulungan mo'ko please! Allen!" I shouted.

"Ang ingay mo!"

Nanghina ako ng malakas akong sinuntok ng lalake sa sikmura ng dalawang beses dahilan upang manlambot ang mga tuhod ko.

Hinubad ng isang lalake ang suot kong heels at naramdaman ko ang bawat halik nito sa aking mga paa.

Hindi ko na naaninag ang ibang pangyayari ng biglang nandilim ang mga paningin ko.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon