"Tanggapin mo na kasi 'yung alok ko."
Umiling ako kay Tuval. Halos buong araw na niya akong pinipilit na pumasok sa pag momodelo. Ang sabi niya ay kapag tinanggap ko daw ang alok niya ay ang kaibigan niyang bakla ang hahawak sakin, habang siya naman ang designer ko.
Pero kahit anong gawin niya ay hinding hindi ako papasok sa pagiging modelo. Tinulungan ko si Ellen na ayusin ang mga gamit niya para mabilis siyang matapos. Napansin ko rin na parang hindi nag sasalita si Ellen. At hindi niya ako pinapansin. Hinayaan ko nalang siya dahil baka may problema siyang iniisip. Mamaya ko nalang siya tatanungin kapag tapos na ang trabaho niya.
"Hindi pa rin ba nakakabalik si Gilcy? ang tagal naman ng bakasyon niya."
Lumapit ako kay Tuval na abala sa pagaayos ng mga naka hanger na gown. Siya ang may gawa nito, ang gaganda ng mga gown. Parang gusto kong suotin.
"She's enjoying on her vacation Tuval."
Singit ni Veronica na kapapasok lang. She smiled at me. Medyo naging close na kami ni Veronica dahil palagi akong dinadala ni Ellen sa lahat ng event niya. Ang akala ko 'nong una ay hindi maganda ang ugali ni Veronica pero ng makilala ko na siya ay sobrang bait niya pala talaga. May kaartehan lang siya dahil spoiled ng daddy niyang Gobernador.
"Hi Adi, did you eat na ba?" She asked.
"Oo kakatapos lang namin kumain ni Ellen, ikaw kumain kana?"
"Yes, kakatapos lang din."
Iginaya niya ako paupo sa mahabang sofa kong saan nakaupo narin doon ai Tuval.
"Hay nako Veron pilitin mo nga 'yang si Adi na pumasok sa industry ng mga modelo, nasasayangan ako sa ganda ng babaeng 'to."
"Hay nako Tuval hayaan mo nalang si Adi dahil magbabago pa naman ang isip niya, right Adi?"
Hindi ko alam kong bakit napatango ako sa sinabi ni Veronica. No, ayoko talaga. Hindi bagay sa'kin ang maging modelo. Mas bagay sa'kin maging house wife ng CEO.
Matapos ang event ay nag paalam na kami ni Ellen kay Tuval at Veronica. Mag gagabe narin at kailangan na naming mag pahinga. Sabay kaming sumakay si Ellen sa sasakyan niya. Nagtaka na ako kong bakit hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kinakausap.
"Ellen may problema ka ba?"
"Nope."
"Kanina mo pa kasi ako hindi pinapansin."
"I'm just tired Adi."
Hindi na ulit kami nag usap dahil pinaandar na ni Ellen ang sasakyan at tsaka umalis. Wala kaming imik buong byahe hanggang sa huminto ang sasakyan ni Ellen sa harap ng bahay namin. Alas otso na ng gabi at sigurado akong nasa bahay na si Allen.
Ellen didn't glance at me since this morning. What happened to her? did I do something that she didn't like?
"Ellen galit ka ba sa'kin?"
Actually ganito talaga si Ellen everytime na nagkakatampuhan kami. Hindi niya ako kinakausap at nananahimik lang siya. Alam kong may nagawa akong hindi ko alam na siyang dahilan kong bakit hindi niya ako pinapansin buong linggo.
"Ellen may nagawa ba ako? please tell me. Alam mo naman na kapag ganito ka ay hindi ako sanay."
Hindi siya nagsalita.
"Ellen please tell me, okay kong ano man yong nagawa ko, im sorry." Hinaplos ko ang braso niya na kaagad naman niyang hinawi.
"Ellen anong kailangan kong gawin para hindi kana magalit sa'kin?".
"Ituloy mo na ang annulment."
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Ellen. Anong ibig niyang sabihin? walang dahilan para ituloy ko ang annulment. Okay na okay na kami ni Allen. At sinabi na rin niyang mahal niya ako. Kaya hindi ko maintindihan si Ellen kong bakit siya ganito.
"Ellen anong sinasabi mo?"
"Hiwalayan mo na si Allen..."
"Bakit mo sinasabi sa'kin yan? mahal ko si Allen at sinabiya niya rin sakin na mahal niya ako."
"Sinabi niyang mahal ka niya? at naniniwala ka naman?"
"Ellen ano bang nangyayare sa'yo? akala ko ba kaibigan kita? dapat sinusuportahan mo ako sa lahat ng desisyon ko. Hindi iyong inuutusan mo akong hiwalayan ang asawa ko."
She sigh.
"Adi nagiging tanga kana ng dahil sa kaniya!"
Nang dahil sa sinabi niya ay bigla ko siyang nasampal. Nanginginig ang mga kamay ko. Nakita kong namula ang pisnge niya at may namuong luha sa kaniyang mga mata.
"Adi okay lang na saktan mo ako, ginagawa ko 'to dahil gusto kitang protektahan!"
Nang makita kong umiiyak na si Ellen ay may mga namuo naring luha sa mga mata ko. Ito ang unang beses na napadapo ko ang palad ko sa kaniyang pisnge. Hindi ako makapagsalita dahil sa nagawa ko.
"Adi kong gusto mong maging maayos tayo ulit, hiwalayan mo na si Allen."
"Bakit atat na atat kang hiwalayan ko si Allen? may namamagitan ba sa inyo? kaya—"
"Adi ano bang pinagsasasabi mo?" She shouted. "Hindi ko 'to ginagawa para sa sarili ko. Ginagawa ko 'to para sayo, para maprotektahan ka."
"Protektahan ako? Im sorry Ellen but I don't need you. Hindi ko hihiwalayan si Allen. At kong gusto mong tapusin ang pagkakaibigan natin wala akong pakialam."
Inalis ko ang seatbelt ko at kaagad na lumabas ng sasakyan. Padabog 'kong sinara ang pinto at mabilis na pumasok sa loob. Nang makita kong nakaalis na si Ellen ay nanlambot ang mga tuhod ko. Bumagsak ako sa matigas na lupa dito sa harap ng pinto. Ito naba ang pagtatapos ng pagkakaibigan namin?
Inaamin kong nagsisisi ako dahil sa ginawa kong pagsampal kay Ellen at sa mga salitang binitawan ko. Ang pagiging concern niya ay hindi ko maintindihan. Walang ginagawang mali sa'kin si Allen. At naniniwala ako sa asawa ko.
Alas nuebe na ng gabi at nandito parin ako sa salas habang hinihintay si Allen. Bakit hindi pa siya umuuwi? at bakit hindi manlang siya tumawag sa'kin kong malelate siya. Malamig na ang niluto kong pagkain.
Nakaidlip na ako ngunit paggising ko ay hindi ko parin nakikita ang asawa ko. Inabot ako ng madaling araw kakahintay kay Allen. Hanggang sa naisip ko na liligpitin ko nalang ang mga pagkain sa lamesa. Hindi narin ako kumain dahil nawalan na ako ng gana. Umakyat nalang ako sa itaas at natulog na.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Ang inaakala ko ng imulat ko ang aking mga mata ay makikita ko si Allen ngunit wala. Dismayadong dismayado na ako simula pa kagabe.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Allen ngunit nakapatay ang phone niya. Ilang beses ko siyang sinubukan tawagan ngunit wala talaga.
Bumaba nalang ako para magluto ng almusal. Pupunta nalang ako kina mama para makita ko rin si Bevei. Nang matapos akong magluto ay kaagad na akong kumain. Susubukan ko sanang tawagan si Ellen ngunit nagtaka ako ng wala na ang number niya sa'kin. She blocked me?
Seryoso talaga siya sa sinabi niya kagabe. I sadly continue eating. Bago ako umalis ng bahay ay nilagay ko sa malaking bag ang mga gamit pang bake ng cookies. Tuturuan ko nalang mag bake si Bevei.
Habang nag aabang ako ng taxi ay huminto nanaman sa harapan ko ang sasakyan ni Emman. Alam kong hindi na ito coincidence. Alam kong sinasadya na niya ito para makita ako.
"I'll give you a ride, pasok kana."
Kanina pa naman ako naghihintay dito kaya napag-pasyahan ko nalang na sumabay sa kaniya.
"Saan ang punta mo binibini?"
"Sa Westlake."
"Okay, let's go!"
Habang nasa byahe kami ay si Emman lang ang tanging nag iingay. Kahit na hindi naman ako interesado sa mga sinasabi niya ay patuloy parin siya sa pagdadaldal.
"Hindi umuwi sa'yo 'yong asawa mo 'no?"
I glanced at him. "Paano mo nalaman?"
"Well I have a lots of connections."
Narinig ko na kay Allen ang linyang 'yon. May ibig sabihin ba ang connections na sinasabi nila? Nagsimulang gumulo ang utak ko. Marami akong gustong itanong ngunit hindi ko iyon nagagawa. Parang nag freeze ang dila ko at hindi ko alam kong bakit.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...