"Ay bongga ang pasalubong ni sister!"
Umaalingaw-ngaw ang boses ni Faith sa buong bahay. Sobrang nasisiyahan talaga siya sa mga regalo kong branded na bags ganon din sina mama. Ang binili ko naman para kay papa ay mga new edition ng ibat ibang klase ng polo mula sa sikat na designer sa paris. Ang para kay Bevei naman ay mga dresses at heels.
"These polo are so amazing! siguradong susuotin ko ang mga ito araw araw."
Sabay sabay kaming tumawa dahil kay papa. Abala sila sa mga pasalubong namin habang palingon lingon naman ako para hanapin si Allen. Lumabas ako ng bahay at nadatnan ko siyang may kausap sa telepono. Niyakap ko siya mula sa likod at marahan naman niyang hinaplos ang dalawang kamay ko.
"Okay, thank you so much. I'll hang up now naglalambing ang asawa ko."
Binaba na niya ang tawag at kaagad na lumingon sa akin. Ngayon ay nakaharap na siya habang yakap yakap ko.
"Nasa Roxas Capiz si Emman. Mamaya ang alis natin so you should prepare yourself."
I nodded. "Aye aye captain!" Sumaludo pa ako sa kaniya na parang sundalo.
Bumalik na kami sa loob ng tawagin kami ni Bevei para kumain ng tanghalian. Saktong ginugutom narin ako dahil sa byahe namin. Kumain na kami sa eroplano kanina pero gutom parin ako. Alas tres na ng hapon at mamaya ay may flight ulit kami ni Allen papuntang Roxas Capiz. Ilang oras lang naman ang byahe namin siguro mga fourty five minutes lang ang byahe mula Manila hanggang Roxas Capiz.
Ang mga pasalubong ko kina Tuval, Gilcy, Vanessa, Ellen at para kay Adri ay pinadala ko nalang dahil wala na akong oras para bisitahin sila. Siguro ay gagawin ko nalang iyon pagkabalik namin ni Allen. Nang matapos kaming kumain ay inihatid kami ni Faith sa airport. Isang bag lang ang dala namin dahil uuwi din naman kami bukas. Ang sabi ni Allen ay mag hohotel nalang kami dahil nakakahiya naman kung kina Emman pa kami makikisiksik.
Lumipas ang maraming minuto bago lumanding ang eroplano sa Roxas City Airport. Napangiwi si Allen ng malamang walang Taxi dito. Omg hindi niya ba alam na hindi uso dito sa probinsya ang Taxi?
"What? eh anong sasakyan natin? should I buy a brand new car?"
Inayos ko ang buhok kong nililipad ng hangin. "Baliw ka ba? gagastos ka lang ng pera mo eh hindi mo rin naman madadala pabalik sa manila."
"Edi ibebenta din natin bukas bago tayo umalis."
"Ewan ko sa'yo, ang akala ko ba matalino ka?"
"But—"
"Shshsh wag ka ng magsalita."
Hindi ko na siya pinansin at kinausap si manong driver kung at ipinakita ang adress na binigay sa akin kanina ni Allen.
"Abtan ta sini traynta minutos."
(Aabutin po tayo ng thirty minutes)"What is he saying Adi? don't talk to him."
Inirapan ko lang siya at hindi na muling nilingon.
"Uhm manong taga maynila po kasi kami kaya hindi namin medyo naiintindihan yung language niyo dito."
Tumango tango naman siya. "Ah ganon ba nako pasensya na po hindi ko alam. Sige sumakay na kayo ihahatid ko kayo sa Ivisan."
Nakangiti naman akong lumingon kay Allen na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya na siyang ikinakunot ng noo niya.
"Sasakay tayo dyan?"
I nodded.
"May aircon ba 'yan?"
Hindi ko siya pinansin at malakas na tinulak papasok sa loob ng trycicle. Bwesit na lalakeng 'to alam naman niya na trycicle tapos mag tatanong kung may aircon. Nako ang mga mayayaman talaga nakakakulo ng dugo.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...