Dahil hindi ko na nakayanan ang pangangatog ng mga tuhod ko ay mabilis akong tumakbo pabalik sa sasakyan. Nagulat pa si Mang Rio sa pabagsak kong pagpasok.
"Adi anak bakit ka umiiyak?"
"Mang Rio umalis na po tayo dito please, please.."
Pagmamakaawa ko. Hindi ko na kaya para akong mahihimatay. Hindi ko kayang makita sila ng matagal. Nasasaktan ako, nasasaktan ako ng sobra sobra.
Hindi pa ako inuwi ni Mang Rio dahil ayaw niyang mag isa ako. Kinuwento ko rin sa kaniya kong anong nakita ko kanina. Halos hindi rin siya makapaniwala sa ginawa ni Allen. Hindi ko alam kong sasabihin ko ba 'to kina mama, papa at Faith. Busy silang lahat sa trabaho at ayokong abalahin sila. Mabuti nalang at kasama ko si Mang Rio para may pagsabihan ako ng sama ng loob ko.
Napag isipan ko na dadalaw ako sa bahay. Simula ng umalis ako 'don ay hindi maganda ang huling pag uusap namin nila mama at papa. Gusto kong makausap sila ngayon at baka sakaling makinig sila sa'kin.
Inihinto ni Mang Rio ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Medyo kinakabahan pa ako ng konti dahil baka kong anong maabutan ko 'dun.
"Hihintayin kita dito anak."
Tumango ako kay mang Rio at kaagad na lumabas. Nang nasa harap na ako ng bahay ay napatingin ako sa malaking bintana sa kusina. Dito ako dumaan para makatakas ako sa kanila. Dahan dahan akong humakbang hanggang sa makarating ako sa pinto. Kakatok pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Tumumbad sa akin ang ate kong si Avey. Walang emosyon ang mukha niya.
"Oh may bisita pala tayo eh."
"Sino Avey? Ooooh-"
"Anak Adi!"
Mahigpit akong niyakap ni mama. Namuo ang luha sa mga mata ko ng halikan niya ako sa pisnge. Did she miss me?
"Umuwi ka!"
Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko ng makita kong naiiyak na si mama.
"Ma s-sorry..."
"Okay lang 'yon anak."
Iginaya ako ni mama papasok sa loob. Marami ng nagbago sa bahay. Lahat puro bago. Habang nakatitig ako sa mga dingding ay parang may kumurot sa puso ko ng makitang wala ako kahit ni isang picture na nakasabit sa pader ng bahay. Tanging litrato lang ni ate Avey at Aimee na graduate ng college. May litrato din sila suot ang uniform kong anong profesion nila.
"Kumain kana ba?"
"Bakit pa yan umuwi dito?" Nanginig ang mga labi ko ng makita ko si papa.
Simula pa 'nong maliliit kami hindi ko naramdaman ang suporta ni papa. Palagi siyang nasa panig ni ate Avey.
"Mama aalis pa tayo." Ani Aimee.
Nakatapos sila ng pag aaral habang ako naman ay hindi. Dahil naglayas ako bago ang graduation ko sa college. Hindi naman ako nagsisi sa ginawa ko dati. Dahil naging maganda naman ang naging buhay ko kahit na hindi maayos ang pagtrato sa akin ni Allen.
"Bakit umuwi ka pa Adi? sana hindi ka nalang umuwi, hindi ka naman namin kailangan dito." Ani Avey.
"Mag paalipin ka sa asawa mo, matalino ka pero tanga ka sa pag ibig. Tignan mo hindi ka naka graduate."
"Tama na Avey, Aimee!" Galit na sabi ni mama.
"Bakit mama, may nagawa bang mabuti 'yang si Adi? anong ginawa niya. Malandi siya kaya hindi siya naka graduate ng college. Sinayang niya ang paghihirap niyo ni papa. Tapos ngayon babalik siya, para ano? Dahil nakaangat na kami? at ano sa tingin mo tutulungan ka namin? kasalanan mo yan, ginawa mo kaya panindigan mo."

BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceNote: Wife's Devotion is under editing. Adriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited...