Sumandal ito sa sasakyan niya habang pinapaikot ikot ang susi ng kotse niya. Totoong gwapo si Mr. Xincheng, singkit ang mga mata at sobrang puti. Pero hindi ako pwedeng sumabay sa kaniya ng basta basta dahil hindi ko siya kilala. Kahit na pangalan niya nga ay hindi ko alam.
"Bihira lang ang taxi ngayong araw."
He's right. Kaya pala kanina pa ako dito nag aabang wala manlang akong nakikitang taxi na dumadaan. Umiling ako senyales na hindi ko tinatanggap ang alok niya.
"Maraming salamat sa alok niyo Mr. Xincheng pero mag papasundo nalang ako sa asawa ko."
Huhugutin ko na sana ang cellphone ko ng bigla siyang nagsalita.
"Allen is busy, He's with sab."
Si Sabrina? okay lang kong magkasama sila. Inamin naman na sa akin ni Sabrina na engaged na siya. Siguro kaya sila mag kasama ay tinuloy na nila ang surprise na sinasabi ni Sab.
"Hindi ka ba magseselos? sa pagkakaalam ko ay isa kang possessive wife."
Tinaasan ko siya ng kilay. Ako possessive wife? Binabakuran ko lang kong ano yong akin. Dahil sa panahon ngayon ang mga higad nasa tabe tabe lang.
"Excuse me Mr. Xincheng bakit naman ako mag seselos?"
"Because your husband is cheating on you."
Cheating? nilingon ko siya. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi ko siya gaanong kilala kaya hindi ko malaman sa mukha niya kong totoo ba ang sinasabi niya.
"Magaling magtago si Allen, kahit anong gawin mo hindi mo malalaman dahil maingat siya sa lahat ng ginagawa niya. Hindi mo pa masyadong kilala ang pinakasalan mo."
Ano bang pinagsasasabi niya? sinisiraan niya ba sa'kin si Allen? pwes hindi ako magpapadala sa sulsol ng lalakeng 'to. Bakit ako maniniwala sa kaniya? eh hindi ko nga siya kilala. Okay na kami ni Allen. Maayos na ulit kami. Ayokong sirain 'yon ng kahit na sino. Ayokong mag pa brainwash. Huminga ako ng malalim at pinara ang papadaan na taxi ngunit hindi ako pinasakay.
"I told you, kapag hindi ka sumabay sa'kin maaabutan ka ng tanghali dito."
May point siya. Kailangan ko pang magluto ng lunch. Naisip ko rin kanina na dadalhan ko si Allen ng lunch sa office niya. Na miss kong gawin ang bagay na 'yon eh.
"Nakapag file kana ba ng annulment?"
He suddenly ask. Halos kanina pa siya tanong ng tanong tungkol sa amin ni Allen. Sinasagot ko naman lahat ng tanong niya dahil ayoko maging bastos sa harap ng isang Mr. Xincheng.
"Mr. Xincheng hindi pa po."
He smirked. "Stop calling me Mr. Xincheng too formal."
"Eh ano po bang gusto niyong itawag ko sayo, sir?"
"Naaah!"
Tumawa na talaga siya habang abala sa pagmamaneho. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang hindi masakit sa ilong.
"Tawagin mo nalang akong Emman, 29 na ako pwede ng magpakasal."
"Eh bakit hindi kapa magpakasal?"
"Kasal pa sa iba yong babaeng gusto kong pakasalan eh."
Tumango tango ako. Naintindihan ko kong anong ibig niyang sabihin. Ngunit nag panggap lang ako na hindi ko ma gets para hindi mapunta sa'kin ang usapan. Pansin kong malapit na kami sa bahay ng muli siyang mag salita.
"May nabanggit ba sayo si Tuval?"
I nodded. "Yes, ako daw yong kukunin mong ambassador sa bagong niyong condominium?"
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...